2.2 There Is No Good In Goodbye

49 9 9
                                    

Part 2 Chapter 2

Timeline: 19 years bago ang book 1

--------

<Lily's POV>

"Lily, Kailangan mo ba talagang umalis? Pwede naman kita samahan sa sinasabi mong misyon mo."

Nagmamakaawa na naman siya na sumama sakin kahit na hindi pwede. Ang kulit talaga nito ni John.

"John, alam mo namang hindi pwede dahil personal itong lakad na ito."

Matagal na akong nililigawan ni John pero wala talaga akong gusto sa kanya. Tinanggap naman niya na kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya pero ito kami ngayon, kinukulit niya ako na huwag nang umalis. Meron kasi akong importanteng misyon na hindi maaaring malaman ninuman, sinabi ko nalang kay John na personal itong pupuntahan ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Di ko alam," yan nalang ang naisagot ko tuwing kukulitin nya ako kung kailan ako aalis.

"Basta sabihan mo lang ako kapag aalis ka na ha Lily?"

"Okay sige, ang kulit mo John"

----------------------

Kinabukasan...

<John's POV>

Habang di pa umaalis si Lily, kailangan matanong ko man lang kung may pag-asa bang maging kami o kung maghihintay ako sa kanya.

*knock knock*

"Oh John, napadaan ka?" sabi ni Rain, kapatid ni Lily

"Bibisitahin ko lang sana si Lily."

Mukhang nagtataka yung mukha ni Rain nang sinabi ko yun, parang may mali. Yung maling nararamdaman ko na lalong nagpakaba sakin.

"Bakit Rain? Nasaan na ba si Lily?"

"Aahh..Di pa ba nagpaalam sayo ang ate ko?"

"Nagpaalam? hindi, kausap ko lang siya kagabi."

"Umalis na si Lily, kaninang madaling araw."

Sa narinig kong yun lalong sumikip ang dibdib ko, bakit di siya nagpaalam?

"A-ay Ganun ba? Sige salamat nalang Rain" nagpaalam na ako at pumunta sa lugar na lagi naming pinapuntahan ni Lily

"Bakit di ka man lang nagpaalam? Akala ko ba sasabihan mo ako?" Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.

Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa iyo, si Lily Winterfrost.

-------------

Sinulat ni : @Knight_Mallows

-------------

A/N: Age update - Rain(18),Lily(19),John(19)

The love that never was

Astral ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon