Part 2 Chapter 4
"JOHN! Diyos ko. Kumapit ka sa 'kin. Kailangan nating makalabas ng bodega." Buong bigat ni John ang buhat ni Raine. Kahit hirap, pinilit niyang ihakbang ang mga paa habang ina-alalayan sa paglakad si John. Pinaghalong pawis, luha, takot at dugo ni John ang nakapagkit sa kanya. Hindi siya papayag na mawala sa kanya si John.
"R-Rain..." bigkas ni John kasabay ng pagtalsik ng dugo mula sa bibig nito.
"Shhh, 'wag ka nang magsalita. Gagaling ka, John...mabubuhay ka. Kailangang mong mabuhay!" madiin ang bawat bigkas niya.
"R-Rain, sag—saglit lang..." humigpit ang paghawak ni John sa kanyang braso.
"Um—umalis ka n-na. Iwan m-mo na la—lang ako. Del—likado na rito." Pagtataboy nito sa kanya.
Alam niyang intensiyon nito na huwag na siyang madamay pa lalo't mahihirapan silang makatakas sa ganoong kalagayan nito. Kahit sa delikadong sitwasyon, sariling kapakanan pa rin niya ang iniisip ni John.
"Hindi kita kailanman iiwanan, John. At kung mangyari nga iyon, kamatayan ko lamang ang makagagawa niyon. Pero sa ngayon, hawak ko ang buhay mo at sa ayaw at sa gusto mo, ano pa man ang dahilan mo, sasama ka sa 'kin at ililigtas natin pareho ang ating mga sarili. Kapit kang maigi, kailangan na nating magmadali."
"R-Rain--" subalit pinutol ito ni Rain.
"Sinabi nang hindi--" at pinigilan din siya ni John.
"S-salamat, Rain," masakit na ngiti ni John.
Gumanti na rin siya ng ngiti at saka nga sila mabilis na umalis na.
***
"Hindi ka makapapasok diyan!" sigaw ni Lily sa lalaking nagbukas ng portal.
Nanlilisik ang mga matang nilingon ng lalaki si Lily. Mapupula ang mga mata at maihahalintulad sa isang taong wala na sa sariling katinuan at mas hawig nang isang nasasapian ng demonyo. Lumuwang ang pagkakangisi ng demonyo at saka dumagundong ang nakakikilabot na halakhak nito.
Kahit handa si Lily, nagulat pa rin siya nang mabilis siyang nilundag ng lalaki at saka dinaklot ang kanyang leeg. Malakas ang lalaki kaya naman hindi siya agad nakapalag.
"Papatayin muna kita bago ako umalis dito!" Idiniin pang lalo ng lalaki ang pagsakal kay Lily.
Nahihirapan ng huminga si Lily. Alam niyang wala siyang laban sa lalaking ito na sinapian ng demonyo pero may tungkulin siyang kailangang gampanan, iyon ay ang pigilan itong pumasok sa nabuksan na portal. Kapag hindi niya ito napigilan, paniguradong walang katapusang kasamaan at kadiliman ang maghahari sa mundo ng katahimikan at kapayapaan. Hindi siya papayag na mangyari 'yon lalo pa't isa s'yang seal carrier.
At dahil alam din naman iyon ng demonyo, hindi rin ito makakapayag na maudlot ang matagal na niyang plano kaya naman kinagat niya ang likod ng palad ni Lily na pumipigil sa kanyang mga kamay sa pagsakal dito.
Walang balak bumitaw si Lily kahit nasasaktan na siya. Umagos ang dugo mula sa braso ni Lily patungo sa balikat at mukha niya subalit nanatili siyang pumipigil sa mga braso ng demonyo na sumasakal sa kanya.
"Matigas ka ha!" giit ng demonyo kaya naman bumitaw siya sa leeg ng babae at ubod lakas at bilis niyang sinakop ang buhok nito saka walang hirap na iniangat niya ito sa ere at saka ibinalibag sa sementadong dingding.
"AH!" marahas na bumagsak si Lily sa sahig. Halos hindi siya makakilos sa sakit na natamo. Mangiyak-ngiyak na nagpumilit siyang makatayo subalit mabilis ulit siyang sinunggaban ng demonyo.
"Hindi ang isang tulad mo ang makapipigil sa 'kin!" Isang malakas na tadyak ang ibinigay nito kay Lily. Sumisipa sa mga hita, likuran, tiyan at ulo.
Nanlalabo na ang mga ni Lily. Sa isip ay ito na lamang ang tanging paraan para mapigilan ang demonyong ito na makapuslit sa mundo ng mga tao. Kaya naman inipon niya ang natitirang katatagan sa sarili at ubod lakas na kinuha ang paa nitong sumisipa sa kanya. Kailangang niyang ipursige ang ritwal na isara ang portal na nagawa nitong buksan. Kung buhay niya ang magiging kapalit niyon, maligaya siyang mamamatay.
"HINDI!" sigaw ng demonyo. "Itigil mo ang ang ginagawa mo!" tila baliw sa takot at galit ang bumadha sa reaksiyon nito. Kaya naman muli niyang hinapit ang leeg ni Lily, sinakal habang ini-a-angat sa ere. "Mamamatay ka na!"
Nagkukumahog na makawala si Lily para makahinga subalit sadyang wala siyang laban sa demonyo.
Muling humalakhak ang demonyo, kasiyahan iyon na makitang unti-unting binabawian ng buhay ang babae. At si Lily, alam niya, ito na ang huli niyang buhay...mamamatay na siya...
Subalit isang nakabubulag na liwanag ang malakas na sumalpok sa demonyo. Dahil sa lakas ng pagtama ng tila maliwanag na bolang kuryente sa katawan nito, bumalandra ang demonyo sa dingding na pader. Malakas man ang demonyo, ngunit hindi ang katawan ng lalaki na pinamumugaran nito kaya naman may dugong umagos sa labi ng lalaki.
"Isa pang seal carrier!" reklamo ng demonyo. "Puwes, sabay ko na kayong papatayin!" Mabilis itong tumayo para magpakawala ng itim na kapangyarihan at itama sa lalaking bagong dating subalit handa na uli ito at naunahan uli ang demonyo. Lugmok ang katawang bumagsak uli ito sa sahig.
"S-Seth--" tawag ni Lily nang makita ang lalaki.
"Huwag kang kumilos, Lily. Manatili ka na lamang diyan, ako na ang bahala sa demonyong ito!" tinig ni Seth sa galit na tinig.
Sumunod naman si Lily. Isa pang puwersa ng maliwanag na kapangyarihan ang binuo ni Seth habang may inuusal at muling inihagis iyon sa demonyo bago pa man uli ito makabawi. At sa pagkakataong iyon ay hindi na nakapalag pa ang demonyo. Halos walang buhay itong nayukyok sa kinasasadlakan.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Seth, inusal at ginawa niya ng ritwal para isara ang portal. Ilang saglit pa'y nagawa nga niya iyon at nang matapos, ang demonyo naman ang hinarap niya. May pinakawalan siyang manipis na liwanag na tila sinulid at pina-ikot sa katawan ng demonyo. Iyon ay para pigilan ang demonyo na makalabas sa katawan ng lalaki. Kailangang ma-exorcist ito at kitlin ang demonyo o ibalik sa pinanggalingan nito.
Nang matapos, si Lily naman ang inasikaso ni Seth. Babalik na sila sa kampo nila para roon isagawa ang dapat na gawin.
-----
Isinulat ni : @MicxRanjo
BINABASA MO ANG
Astral Chronicles
FantasySeal of Light - Book 2 Astral Chronicles(beta version) The Carriers of the Seal faces a new enemy. Past burdens are raised once again to every member of the team as they fought a new demon who was using Jimmy's body. Join Mat Adam and the rest of t...