Kabanata XXXVI

35.4K 433 26
                                    


Nandito


NGUMISI ako sa sinabi ni Kyle. I never imagined him saying those kind of words. Siya kasi yung tipo ng taong seryoso. Walang sweet bones. At mukhang laging may pinagdadaanan.


Natawa ko sa naisip ko kaya agad naman siyang lumingon sakin. Kinabig niya ako kaya mas lalo kong napatawa. Niyakap niya ako mula sa likuran.


"What are you thinking, huh?" Bulong ni Kyle sa gilid ng leeg ko. Napahalakhak ako sa kiliti. Pumiglas ako dahil hindi ko matiis ang distansya namin.


"Wala!"


Pilit kong hinahawi ang mukha niya para makalayo sa akin pero niyakap niya lamang ako ng mahigpit sa bewang. "Where are you going? Dito ka lang."


Napakagat ako sa labi ko nang makitang napapalingon ang mga ibang tao samin.


"Kyle. Let go!" Tili ko nang medyo kiniliti niya ako sa tagiliran ko.


"You won't tell me? " Hindi niya ko binitiwan at mas lalo kong kiniliti.


Napahinto lang siya nang mapansing sumisilip ang mga ibang turista. I don't know pero baka naconscious siya.




Inayos niya ang damit ko kaya sinilip ko lamang ang ginagawa niya. Bakit? May dumi ba?




Nilingon ko ang ibang nandito sa golf course at kadalasang may mga matatandang mukhang madalas na rito. May mga mukhang kaedad namin na tumitingin samin.


Kung titignan mo nga naman kami. Para kaming bagong kasal dahil sa tindi ng ka-sweetan. Nag-init ng sobra ang pisngi ko.


Ano ba yan, Mariz! Kasal na agad iniisip mo. Boyfriend mo pa nga lang!


Napahinto din ako nang maalala. Nahihiya talaga ako sa mga iniisip ko. Kung may makakaalam lang nito panigurado ay tutuksuhin lamang ako hanggang sa maiyak ako sa hiya.


Pinatakan niya na lamang ako ng halik sa labi at lumayo para kuhanin ang mga ginamit naming club. "Let's go? Sa ibang course tayo."


Napanganga na lang ako habang naramdamang dumausdos na ang mga kamay niya sa bewang ko.






NAPANSIN ko na kanina pa may mga mahihinang bulong sa likod namin ni Kyle. Nasa likod ko rin kasi siya at tinuturuan ako kung paano tamang makagoal.


Lumingon ako sa kung saan galing ang ingay. May kumpol ng mga dalagang babae na nakatingin samin. Mga bata pa ng 2 taon samin. Tumaas ang kilay nila nang lumingon ako.


What the heck?


Hinawakan ni Kyle ang baba ko at ibinaling sakaniya. Naabutan naman ako nang kaniyang mga kilay na magkasalubong.






"You're not listening."


Napanguso ako sa sinabi niya. How will I? Eh ang iingay naman ng mga babae sa likod mo! Halatang ikaw ang pinag-uusapan. Napairap ulit ako nang marinig na tumili ang isa sa kanila.


Para namang may artista!


May narinig akong halakhak sa gilid ko. Nakita kong nakangisi si Kyle sakin habang ngumi-ngiti siya sa mga babaeng nasa likod niya. Nagsitilian ng nakakarindi ang 'to na kala mo dumating si Lee Min Ho ng Korea.




Binalingan ako ni Kyle "You jealous? " May munting ngisi sa labi niya nang makitang nanlaki ang mata ko.

Binalingan ako ni Kyle "You jealous? " May munting ngisi sa labi niya nang makitang nanlaki ang mata ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon