Special Chapter

34.6K 488 10
                                    

Tagos





TAWA ni Leanne ang ume-echo sa buong apartment. Tinutukso niya pa ko. Lalo na hanggang ngayon ay hindi pa nakakaalis si Kyle. Nakasimangot lang ako dahil sa nahihiya ako sa nangyari.





"I never thought na magugustuhan ko 'yong ginawa mo, Kyle." Tumatawang sabi ni Leanne habang tinitignan ako ng nanunukso. Ngumisi lang si Kyle kaya agad na namula ang pisngi ko nang lumingon siya sakin.



"I'm just teasing her." Ani ni Kyle sabay halakhak.



"Bakit niyo ba ko pinagtutulungan? Tss." Napipikong sabi ko. Umambang hahawak si Kyle sa braso ko pero umiwas ako dun at tumalikod na para pumuntang kwarto.





Magbibihis na lang siguro muna ko.





Tumawa si Leanne sabay sigaw nang "Sundan mo, Kyle! Nagpapahabol lang 'yan!"





Napahawak ako sa mukha ko dahil sa hiya. Paniguradong namumula ito hanggang leeg ko. Nakakahiya mga pinagsasabi ni Leanne. I didn't know that bringing Kyle here is a bad idea. Damn it! Ah! Siya nga pala nagdala sa sarili niya dito sa apartment.





NAKAUWI na si Kyle pero nanatili pa rin ang panunukso sakin ni Leanne. 'Nang hindi ko na siya pinansin saka pa lamang siya huminto. 





Kinalabit niya ako. "Sorry na, Mariz. Natatawa lang naman ako." Panunuyo ni Leanne habang naghahanda ako ng hapunan namin.



Inaya ni Leanne na mag-dinner si Kyle. Pero alam ko namang kung anong dahilan kung bakit gusto niya pa itong mag-stay. Kusa namang tumanggi si Kyle dahil siguro pansin niyang napipikon na ko.



"Oo na, Leanne.Basta tandaan mo.  I'll laugh when you fall in love."



Naramdaman kong napahinto siya sa sinabi ko. Ramdam ko din ang paglayo niya ng ilang hakbang sakin. Kaya sinilip ko siya habang naghahalo ng sahog sa sinigang na baboy na ulam namin. 



Kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Leanne. Kaya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya saka naman siya umirap at umismid. 



Wait. I smell something fishy! May hindi sinasabi sakin si Leanne.



"Wait a minute. Alam ko 'yang mannerism mo na 'yan, Leanne!" Nanlalaki din ang mata ko habang nagpupunas ng kamay. Hininaan ko muna ang apoy ng gas stove at tuluyan ng humarap sa kaniya.



"A-Ano? Anong mannerism?" Malikot ang mga mata niya at hindi makatingin sakin.



Mannerism ni Leanne na humakbang ng tatlong beses kapag nahuhuli siya sa kasalanang ginawa niya. Nakita ko 'yon ng ilang beses lalo na kapag tinatanong kami ng land lady sa susi na nawawala namin. I mean, ni Leanne. Lagi niyang ginagawa 'yon lalo na kapag alam niyang guilty siya.



"Yong ginawa mo! Yong paghakbang mo kapag natatakot ka sa kasalanang ginawa mo!" Naniningkit ang mga mata ko habang sinisilip siya. Kagat kagat niya naman ang ibaba niyang labi habang tinitignan ang kamay niya.



"H-Hindi kaya!" 



Hahakbang na naman sana siya papatalikod nang ituro ko ang ginagawa niya. "Yan! Yang ginagawa mo!"



Namula nang husto ang buong mukha ni Leanne at hindi ko alam kung bakit. Mas lalong nanliit ang mata ko. 



Pinanlakihan ko siya ng mata kaya alam kong sasabihin niya na. 



"Nanliligaw sakin si---" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang may marinig kaming kumakatok sa pintuan namin.



Tinignan ko siya ng masama at sinenyasan na itutuloy niya 'yon mamaya. Tumalikod na ako sa kaniya at tinawid ang distansya ng pintuan.



"T-Teka, Mariz! Wag!"



Rinig ko pang sigaw ni Leanne pero nabuksan ko na ang pintuan kaya agad bumungad sakin ang lalaking humahangos na kala mo hinabol sa kabilang kanto.



Nakayuko ito kaya hindi ko makita kung sino. At kung kilala ko.



Kaya nang nag-angat siya ng mukha laking gulat ko ng makita si  Lance na nasa harap ng apartment namin at hinahabol ang hininga.





Ngumiti lang siya sakin at hindi ko alam pero tumagos lamang yun papunta sa kung sinong tao ang nasa likod ko.

At paniguradong namumula na ng todo ang bestfriend kong si Leanne.

I think it's my time to laugh now.





My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon