Season II: Kabanata V

14.7K 153 11
                                    

Warning: Di ako nag-proofread! There are typos and errors ahead! Lol. XD

Buong tiwala

Umangat ng kusa ang labi ko nang makalabas ako sa sasakyan namin. Marami akong nakitang pamilyar na mukha. Iba ay kaklase ko dati. Ang iba ay kakilala ko sa mga clubs namin.

"Hi, Mariz! Anong section mo?" Bati ng kaklase ko dati sa ibang klase. Umiling muna ako sakaniya dahil hindi ko pa rin alam. "Titignan ko pa lang ngayon."

"Ay ganun? Sana magkaklase pa rin tayo!"

Napako naman ang tingin nya sa likod ko na hindi ko naman alam ang dahilan. Kinibit-balikat ko na lamang iyon.

Ngumiti lamang ako sakaniya at nagtuloy rin sa direksyon ng bulletin board namin. Maraming estudyanteng nakapalibot na nandoon ngayon. Nagkakagulo para malaman kung sino-sino ang magkaka-section ngayon.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay naramdaman kong nagvi-vibrate ang cellphone ko. Agad kong kinalikot ang bag ko. Hinahanap kung nasaan nakalagay.

"Ay-!"

Tili ko bago pa man ako mabunggo ng lalaking tarantang nasa harapan ko ay hinila ako nang kung sino galing sa likod. Agad akong napabalik at napasandal sa matigas na bagay.

"Sorry, Mariz! Di ako tum-"

Umiling ako nang marahas sa lalaki. "Oh no, no! Kasalanan ko. Sorry! Di ako nakatingin sa dinadaanan ko."

Awkward na ngumiti ang lalaki bago lumipat ang tingin sa taong nasa likod ko. Napangiwi naman siya at umalis na kaagad. Doon ko pa lamang napansin kung sino ang nasa likod ko.

Madilim ang mukha ni Tristan nang tignan ko siya. Agad naman akong nagulat sa pinakita niyang itsura. Nasa likod pa rin ng lalaking iyo ang tingin niya at nang mapansin na nakatingin ako sakaniya saka lamang siya nagbaba ng tingin sakin.

"What?"

Malamig niyang tanong na nakapagpakurap sakin. Ang sungit naman nito.

"T-thanks, Kuya-"

Umigting ang panga ni Tristan nang marinig niya ang sinabi ko. Shems! Eh ano ngang itatawag ko sakaniya? Sa utak ko lamang siya natatawag na Tristan lang.

"Kuya?" Mariin niyang tanong saka ako biglang nilagpasan ng lakad. Naiwan naman akong nagtataka sa inaasal niya.

Nakita ko ang section kung saan ako napapabilang. Tinitigan ko ang ibang year at hinanap ang pangalan ni Tristan. Sabi ni Tita Maricar ahead siya sakin. Nabanggit niya ito sa mga magulang ko kaya agad naisip nila Mommy na maari ngang maging 'Kuya' ko siya.

Nanliit ang mga mata ko sa dalawang tao na may Tristan ang pangalan. Sino siya dito? Ang unang pangalan ay nasa S-Section ng 4th yr samantalang ang isa ay nasa 1st section lang. Napanguso ako.

Severo, Tristan Marco L.

Gonzales, Tristan Llouis T.

Wala akong kaide-ideya kung sino ba siya dito. Pero teka nga, Mariz! Bat ba kailangan mo pang malaman?

Kastigo ko sa mga ginagawa kong dapat na hindi! Mali to. Bakit ba kuryoso ako sakaniya eh samantalang natatakot ka nga sa asal niya diba?

Tinalikuran ko na ang bulletin board at hindi na muling lumingon pa d'on.

"ANO?! Paano nangyari 'yon? Eh 'diba nasa probinsya sila? Paano kanila nahanap? At ang nakakapagtaka pa ay paano nila nakilala ang mga Vineons? This couldn't be a mere coincidence, right?"

My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon