Kabanata XXVI

37.7K 584 21
                                    






Walang kalaban-laban



MABILIS na kinalas ni Prof. Buedo ang hawak niya sakin at biglaan ang pagtalikod nito. Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang kinikilos niya at panigurado naming may binabalak siyang mas malala pa sa ginawa niya ngayon.



Hinawakan ko ang braso kong nanginginig. "And what do you think you're doing? Tatayo ka na lang d'yan at maghihintay na bumalik si Mr. Buedo?" Lumingon ako sa nagsalita at nakitang si Miss Kaye yun. Hindi ko siya kilala kaya nag-alinlangan pa akong lumapit sa kaniya.





Nang makatapat ako sa pintuan kung saan naroon siya. "Bakit hanggang ngayon andito ka pa rin? Did he do something to you?" Umiling ako bilang sagot. Di ako magsasalita hangga't wala akong assurance kung sino ba talaga siya.





Tinitigan niya lamang ako at ngumiti ng bahagya. "I'm sure he'll come here anytime now." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Siguro nga ay babalik si Prof Buedo para masigurong nandito pa ako. Kailangan ko ng umalis kung ganoon.







"T-Than-" Bago pa ako makapagpasalamat ay naramdaman kong may kumabig sakin paatras. Nakapalupot sa bewang ko ang isang braso. Naramdaman kong hinihingal si Kyle dahil nagtataas-baba ang kaniyang dibdib kung saan naroon ako.



Ngumisi ng nakakaloko si Miss Kaye sa aming dalawa. "Oh. Just in time, Kyle." Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Kyle sakin na para bang aalis ako sa mga oras na 'to.



Lumapit ang bibig niya sa gilid ng tenga ko at bumulong. "Let's go, lady." Nanigas pa akong sumunod sakaniya.





Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at hinigit pababa ng hagdan. Lumingon ako kay Miss Kaye at kita ang maliliit na ngisi sa mga labi niya. Nakadikit lamang iyon hanggang sa makatalikod na ako sakaniya.



"Don't talk to her." Mabilis akong napahinto dahil sa sinabi niya.



Lumingon siya sakin. "Mamaya tayo mag-usap. It's late."





Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya at hinintay akong makaupo ng maayos bago siya tumakbo paikot sa driver's seat. Nag-seat belt ako at nagsimula na niyang buhayin ang sasakyan.



"Did you talk a lot? May sinabi ba siya sayo?" Nagulat ako nang tanungin niya ako kaagad nang makalabas ang sasakyan niya sa gate ng school. Umiling ako at sinilip lamang niya ako saglit.



"Why did you say that?" Lumunok ako nang sabihin niya iyon. Ano ba ang sinabi ko? O Ano nga ba ang sinabi ni Prof. Buedo kay Kyle?





Sasabihin ko ba sakaniya ang nangyari? I'm so confused. Hindi ko alam kung anong gagawin. Paano kapag sinumbong ko siya at tanggalin siya ni Kyle? Paano kapag pinagkalat niya ang mga alam niya?



Naramdaman kong hinawakan ni Kyle ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. Tinignan ko siya at napansin kong nakatigil pala kami sa isang gilid ng highway. "Kanina pa kita kinakausap."





Nag-init ang magkabila kong pisngi nang pinagsilop niya ang mga kamay naming dalawa at bahagya akong higitin palapit sakaniya. Dinantay niya ang noo niya saakin at tinitigan ako ng mabuti. "Alam kong hindi ikaw 'yon." Pumikit siya at huminga ng malalim. "Sa tagal ko ng nababasa mga text mo. I memorized them all. How you type your text. Where or when you put a smiley in it. I know it, so tell me the truth. I will listen."





Dumilat siya kaya kitang kita ko kung gaano siya kaseryoso. Nangilid ang luha ko dahil hindi ko aakalain na magsasabi siya ng mga katagang 'yon. Kahit kalian di ko inasahan na manggagaling sakaniya ang mga 'yon.



"I want communication between us. Okay?" Hinalikan niya ng dampi ang tungkil ng ilong ko kaya napapikit ako dahil dun. Tumango ako sa sinabi niya.



Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Si Prof Buedo." Sinimulan ko ang kwento at kitang kita ko kung paano mag-igting ang kaniyang panga ngunit pinigilan niya un nang hawakan ko ang pisngi niya.





Sumandal ako sa leeg ni Kyle at ramdam kong nanigas siya. "He told me na saktan ka. He wanted you hurt at hindi ko alam kung bakit ako ang ginagamit niya para sa mga plano niya." Nalilito pa rin ako kung bakit ako?





Bumaba ang mga tingin niya sakin. "Hindi mo pa rin alam kung bakit ikaw, Andrea?" Umiling ako sa sinabi niya. "It's you because he knows that I love you." Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Pang-ilang beses niya ng sasabihin 'to ngunit parang lagging unang beses pa lang.

  

Kumawala ang isang butyl ng luha sa gilid ng mata ko. "He wants you dahil ikaw lang ang dahilan kung paano ako babagsak ng walang manlang kalaban-laban. He texted me 'I don't love you. Boss kita and it will still stay with it.' And you don't how devastated I am even if I have a little fucking hope na hindi ikaw yun."



My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon