Kabanata VI

72.4K 1.2K 23
                                    



Not hungry







NATAUHAN na lang ako nang may mga babaeng pumasok sa Cr.

D'on ko lang napagtanto na Cr nga pala ito at napadelikado n'on lalo na kaninang nandito si Kyle.

Nanliit ang mga mata nito sakin na parang kinikilala ako.



Umirap ang isa at humarap na sa salamin at nagsipag ayos.



Napalunok ako. Humarap din ako sa salamin dahil sa akala ko ay may dumi ako sa mukha. Ngunit wala.





Dumiretso na ako sa pintuan nang marinig ko silang nagbulungan.





"Is she a model? I think I'd seen her in NMA Magazine." banggit ng isa sa company na pinagtratrabahuhan ko.



"Nah. I don't think so. That company is too high profile. I don't think they will get an ordinary face like her." bulong ng isa.





Nanggagaliiti ako. Alam kong hindi naman ako pang-artista ang mukha ngunit di rin naman ako ganun kapangit.



Binuksan ko na lang ang pinto at lumabas. Wala naman mangyayari kapag pinatulan ko sila. Mapapahamak pa ko dahil panigurado papagalitan ako ni Kyle.





"Miss."



May pasok nga pala ako ng ala una. Hindi ko pa rin nakikita si Leanne. Simula nang maghiwalay kami kanina sa Gym.





"Miss. "



Baka may klase pa. Pupunta na lang ako sa Cafeteria para makakain na.





Natuon na ko sa paglalakad nang napansin kong nakatingin sakin ang mga tao dito sa hallway.





Nakakapagtaka. Bakit ba lagi akong napapansin ngayon? Teka- H-Hindi kaya alam na nilang nagtratrabaho ako kay Kyle?







Papabilis na sana ang aking lakad nang biglang may pumigil sa braso ko.







Humihingal at nakayuko ito. "Wooh. Ang bilis mo palang maglakad."





Nag-angat ito ng tingin. Kusa namang kumurba at napakunot noo ako. Bakit niya ko kinakausap? Sinundan niya ba ako?





"I'm sorry. Kanina pa kita tinatawag mukhang di mo ko naririnig kaya hinabol kita." paliwanag niya habang hinihingal parin.



Lumipad naman ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napansin niya ito kaya lumuwag at tinaggal niya.





"Bakit mo ko tinatawag?" Tanong ko. Napatingin ako sa paligid. Kaya naman pala ako pinagtitinginan ay dahil sa mokong na 'to.





"Ah. Just wanna say Hi." Ngiti nito. Nagtataka naman ako sa kinikilos niya.





"Hindi mo naman kailangan humabol pa para mag-Hi." Ani ko at humakbang para tumalikod at maglakad na.





"Have you eaten your lunch?" Aniya kaya napahinto ako. "Sabay na tayo gusto mo?"



Nagdadalawang-isip ako. Ngayon ko pa lang siya nakilala kaya hindi pwedeng sumama ako. Tumalikod na ako.







"Taray." puna niya at humalakhak.





"Hindi ko kasalanang mataray ako. Ganito na ko simula pa." Inis na sabi ko. Nagsisimula na siyang makapagpainis sakin.



"Just kidding. Ang seryoso mo naman. Sa'n ka ba pupunta? Hatid na kita?" Makulit niyang sinabi at sumunod lang sakin.





"Di na, Lance. Salamat na lang. Wala ka bang klase?" Tanong kong di siya tinitignan. Gusto ko na lang siya umalis dahil sobrang kulit niya.





Humalakhak muli siya at sinabayan pa ko sa paglalakad. "You just don't know anything." sabi niya na parang dapat kilala ko siya.







Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya mas lalo siyang ngumisi.



"Hindi pala sinasabi ng Boss mo. Me and Leighton are my father's representative because my father is Kyle's partner in this school. He sponsors some of the school's project, also your tours. But we're not studying here." Pagmamayabang niya na parang dapat akong mabilib nang sabihin niya ito.







"Kilala ko si Mr. Motenora, who wouldn't? Ang hindi ko kilala. Kayo. Ang importante lang naman ay yung mga taong may kinalaman sa school." Paliwanag ko na halatang may inis sa boses.





Humalakhak muli ito at kunwaring napahawak sa dibdib. "Ouch. That hurts. Really." Tatawa tawang sabi nito.







Madaming tao sa Cafeteria. Humanap ako ng bakanteng upuan.



"Kakain ka naman pala. You didn't tell me." sabay lingon din nito.



Nagsimula na kong maglakad kaya napasunod na din siya. "Obligasyon ko ba?" tanong ko sabay sa upo sa pwesto kung saan kami laging nakaupo ni Kyle.





"Ouch. You really hurt me, girl." halakhak nito sabay tayo. "I'm gonna buy us some food and don't try to stop me." sabi nito sabay talikod bago pa man ako makaangal.





Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"Andrea." isang malamig na boses ang nakapagpalingon sakin.



Hindi dahil sa lamig niyo kubdi iisa lang naman ang tumatawag ng ikalawa kong pangalan.







Shit! Bakit di ko naisip na pwedeng dito maupo si Kyle.? Ang tanga ko.





"S-Sir?" Nauutal kong sabi na parang nahuli ako sa kasalanang di ko naman ginawa.





"Oh. Kyle?"Nakarating na si Lance dala dala ang pagkain. "Tapos na kayo ni Leighton?"





"Yeah. You should go." ani ni Kyle.



"Bro. Let's go." Sabi naman ni Leighton na di ko napansin na nasa tabi pala ni Kyle.



"You should go, first. Susunod na lang ako. Kakain pa kami ni Mariz." Ani ni Lance sabay upo at ayos ng mga pagkain.





"A-Ah. Hindi na pala ko gutom." sabi ko ng makita ang tingin ni Kyle sakin.





"What? We just got here and it's already lunchtime. I'm sure you're hungry." sabi nito na litong lito.







Pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Shit! This scene again?





"She said she's not hungry. Let's go, Andrea." malamig na sabi ni Kyle.





Tumawa lang si Leighton bago pa makaangal si Lance at siya na ang umupo sa upuan ko.





 

My Possessive Student Boss [MPSB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon