Chapter 3: NO! YES?
CASEY
"Good Morning! Hello my beloved school!" Yes it's a Monday morning and I'm in a super good mood. Iba yung gising ko, I think this is a wonderful day. Naglalakad ako ngayon sa may pathway sa harap ng school garden, greeting people as I passed by.
"This path is a runway, Casey. Remember that. Catwalk!" Yes, ganun po, medyo alam nyo nah. Feeling model. Feeling matangkad. Feeling Miss Universe.
I can dream naman diba, if not for my height, matagal na akong sumali sa mga beauty contest. I was still in my best mood of the day, and catwalk pa ng catwalk ng.. BLAG!!
"ARAAAAAY!" Ansakit, bola ba yun? Bola nga! Isang soccer ball gumulong sa harapan ko pagkatapos kong tamaan sa may panga.
Did I just taste blood? Oh-em! Anthakit ng thongue ko! Nakagat ko atah!
"Letch-! Who threw that sthinking ball?!" Lumingon-lingon ako sa paligid. Few passers by just stared at me ng saglit at nagpatuloy sa paglalakad.
"That would be me! And hindi ko yun sinasadya." He raised both his hands as if to surrender, at lumapit sa akin.
My good mood gone bad. Sira agad araw ko. Lord naman, umagang umaga siya agad. Grrr!
"Bakit ba sa lahat ng lugar andhyan ka? Jeez!" Tinalikuran ko siya at pinulot yung bola. "At anthakit nun ha!!" Hinagis ko ng malakas pabalik sa kanyang, hoping it would hit him hard.
But as a soccer player as he is, asa pa ako! Nasalo nya lang waang kahirap hirap yung bola, at nagawa pang mag exibition sa harap ko. Grabeh ang hambog talaga.
"Wow, sorry po ha, madam President. Magkapareho tayo ng skwelahan." Antipatikong bakulaw na to!
"Sorry din po ha, pagkakaalala ko po, hindi to soccer field. Daan po ito. There's a place for that." Nakakasagabal ka sa world ko!
"Andito lang po kasi yung room ko banda." At tinuro nya yung room niya sa may building na malapit.
"Kahit nah! Tss! Jan ka na nga!!" Asar talaga. Tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Casey! Relax! This is a wonderful day!" Pilit kong mag smile ulit. Kasi naman, this is a good day noh!
Today is a big day, finally maipapalabas na rin yung pinag puyatan namin ng grupo kong short film, sa harap ng panel, and hello Diploma!
Nasa projector room na kami ng grupo ko, malapit ng matapos yung film namin. Kabado na kami lahat, lalo na ako, ako yung nag direct ng film.
Ng matapos na yung film, tumayo kami lahat sa harapan ng panel.
Parang ayaw nila yung napanood nila, they look too dissapointed.
"I liked your film." Yun! nagustohan pala nia eh! "But..." Oh no! I don't like buts!
"It lacked the sense of... I don'tknow... Creativity, the heart!" Andaming mng etchos Sir. Palibhasa kasi bading! Tss! "So, I'm sorry guys but, this wont do. Kailangan pa namin ng more sa plot ng story, and the direction. Parang hindi pinag isipan. Matagal pa naman ang graduation, may two months pa, so you can make amends."
"Sir. What are you suggesting we do?" tanong ng isa kong kasama.
"Well, I guess, change your perspective. Change the way you think. Think outside the box. Medyo yun plot nyo kasi, medyo out-dated na. And, the last thing is. Medyo nakakasawa na kayong tignan guys." Ano daw?