Chapter 8: Eavesdrop

27 1 0
                                    

Chapter 8: Eavesdrop

NATHAN

Mag iisang linggo na din ng bumalik yung klase namin. Isang linggo na din kaming nag te-take ng mga scenes na ipinakiusap sa akin ni Spencer. Smooth sailing naman yun, kasi nabawasan na din ng kamalditahan at kaingayan yung direktor namin. Kahit paminsan minsan sinusumpung talaga. Mabuti na lang andyan yung bestfriend nya na nakakatyaga sa ugaling kalye nya.

"CUUUUT! Ano ba guys! Kung saan pa malapit na tayong matapos mag tape ngayon lang kayo magkakailangan." Sumisigaw na naman sya.

"Eh Direk, medyo..." Sagot ni Cherry sa kanya.

"Anong medyo? Helllllooo.. binabasa nyo yung script beforehand diba? So anong inaarte arte nyo!"

"Pero Cass, hindi pa kasi..." Hirit ni Cherry. Kanina pa ako nananahimik dito, kung ako lang, okay lang naman sa akin yung scene. Hindi naman big deal sa akin yung gagawin namin.

"Ano bang arte to ha. Ang dali dali lang naman nun pinagagawa sayo ah!" Nagsasalunong na yung ilay ni Casey habang lumalapit sa amin, hawak hawak yung script. Kulang nalang hambalusin nya si Cherry sa inis. Hindi maipinta yung mukha ni Cherry ng lumalapit sa amin si Casey.

Halos maubusan ng dugo sa mukha sa takot siguro kay Casey. Kung ako man din pagalitan nito, medyo mangingilabot din eh. Maliit nga pero parang dragon naman kung mka react.

"Eh kasi..." Sabi nya kay sabay may binulong kay Casey. Sa reaksyon pa lang ni Casey, a;am ko na kung an kinahihiya ni Cherry. Nag 180 degrees bigla yung mood ni Casey sa bnulong sa kanya.

"Ahh. Suz! Ikaw naman hindi mo naman sinabi agad! Tsk! Madali lang yan! Ganito na lang gawin natin." Panimula ni Casey. "Umakting ka lang. Parang ganito." Hinila nya bigla yung kwelyo ko, sabay lapit ng mukha niya sa akin.

"Ilapit mo lang yung mukha mo sa kanya, na akmang hahalikan. Tapos..." Medyo nawala ako bigla sa kinatatayuan ko, parang slow mo yung nagyayari. Unti unti nya nilapit yung mukha nya sa akin. Dahan dahan din nyang pinipikit yung mga mata nya.

Ang lapit lapit na nung bibig nya sa akin, halos isang inch na lang siguro. Nagka-gulo gulo yung utak ko, para bang nabubuang atah yung mga trabahante ko sa utak ko. Ang lapit lapit na talaga ng labi nya. Nararamdaman ko na yung mahinang paghinga nya. Mint at lemon yung bango ng hininga nya. Napapikit na din ako...

Mga ilang segundo siguro akong nakapikit ng marining kong mahinang sabi ni Casey, "Asa ka pa." Pagbukas ko ng mga mata ko, nakatitig pa din sya sa akin, naka ngisi ng nakakaloko. Makikita ko rin sa paigid yung mga kasamahan ko pinagmamasadan kami ng mataimtim. Si Rica at Spencer sa tabi nagpipigil ng tawa.

Binitawan nya yung kwelyo ko, "Ganyan lang, Cherry. Easy diba." Sabi nya. Hindi pa din ako nakaka recover. "Yung laway mo oi!" Pahaboll pa nya sabay mahinang tawa at bumalik sa kinauupuan nya kanina.

"Last take na yan for the day!" Sigaw nya, saka palang bumalik yung kaluluwa ko sa katawan ko at nagsi ayos yung mga trabahante sa utak ko. Arghh! Naisahan nya ako dun ah!!!!

"5, 4, 3, 2.. ACTION!!"

Makalipas ng kulang kulang na isang oras, natapos na din mag pack up lahat. Hindi pa rin ako maka get-over sa nangyari kanina. Ano ba yun? Hindi na nga ako umiimik, pinaglalaruan pa ako! Ayshh!!

"Pre! Naisahan ka dun ah!" Sabi ni Spencer sa akin, nasa may parking lot na kami.

"Tss! Hindi ah! Umakting lang din ako." Sagot ko sa kanya, sabay sarado ng pinto ng kotse ko.

"Suz! Hindi ka nga nakaimik sa ginawa nya eh! Hahahah. ung nakita mo lang mukha mo kanina!! Hahah." Ang lakas ng tawa niya. Nangaasar talaga oh!

 "Tss! Acting nga diba?" Sagot ko sa kanya. "Ba't ka ba talaga nandito? Mang-aasar talaga o ano? Kasi paalis na ako eh."

Am I Brave Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon