Chapter 9: MALAS!!

28 1 0
                                    

Chapter 9: MALAS!!

NATHAN

"So san ka pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya. Kumakain pa rin ng cup noodles na pinili nya kanina.

"Bahala na." Ano? Lalayas layas pero walang plano. Tsk!

"Tange ka ba? Gabi na oh. Kina Rica ka nalang kaya?" Suggest ko.

"Ayoko, alam nina mommy kung asan bahay nila." Simangot nito saken.

"Timang ka nga. Tss!"

"Eh wag ka na nga, hindi porket nilibre mo ako noh eh mka ano ka dyan. Pft!"

"Ako lang naman concern. Eh kung mapaano ka, konsenxa ko pa."

"Oi oi. Meron ka pala nun?" Grabeh tong babaeng to, ako pa nga nagmamalasakit ako pa ginaganyan.

"Sungit mo talaga noh? Tss!" At inirapan pa ako ng dwendeng to.

"Ang alalahanin mo ngayon yang mga babae sa kabilang table. Kanina ka pa tinitignan oh. Kilala mo? Baka isa sa mga girlfriends mo yan ah, masabunutan pa ako dito."

"Hindi ah. Pero kasalanan ko bah na pinanganak akong gwapo." Sagot ko pagkatapos kong tignan yung tinutukoy nya.

"Tss! Filingero talaga noh?"

"Totoo naman ah. Bakit ikaw bah hindi na gagwapuhan sa akin?" Sabi ko sabay tinataas yung kilay at matamis na ngiti. Pero the usual, pinaikot nya lang yung mata nya at uminom ng tubig. "Ah! Tama, kay Father nalang. Diba Tito mo yun?" Biglang sabi ko, maalis man lang yung awkwardness.

"Timang! Eh mas lalo akong iuuwi nun! Do you even think? Tss!" Aba naman! Iba talaga tong dwendeng to. "Wag kana kasing ewan jan, may pupuntahan ako noh." Sabi nya sakin, pagkatapos humigop ng sabaw ng cup noodles.

"Saan naman?" Tanong ko, curious lang naman.

"Wala ka na dun noh. Baka malaman pa nila na ikaw kasama ko tas tanungin ka nila, tas sumbong mo pa ako. Mahirap nah noh." Nagawa pang magtaray, asar talaga!

"Ay ewan ko sayo. Hala sige, iwan na kita dyan." Tumayo na ako, naghesitate akong umalis baka naman kasi gumagawa lang to ng kwento.

Pero ng hindi nya ako pinansin, umalis na din ako. Gabi na noh. Mapano pa ako sa daan. Lumabas na ako ng 7eleven, andun pa rin si dwende. Anlayo ng tingin, anlaki talaga ng problema nya ngayon. Nawala yung lagi kong nakikitang masayahin na maingay na dwende. 

Baka nagtataka kayo kung bakit magkasama kami kanina. Nakta ko lang siya kanina habang naglalakad ako papunta sa 24Hr convenience store na yun. Sa may park na di kalayuan, nakita ko syang nakayuko lang. Hindi pa rin nakakapalit ng damit, kaya nagtaka ako kasi may mga dalawang oras na din nakalipas simula nung nagsi-uwian kami kanina. At pagkaalala ko hinatid sya kanina nina Spencer habang ak umuwi na din dretso sa tinutuluyan ko.

Nagalinlangan din ako na lapitan sya baka kasi may hinihintay lang siya. Boyfriend? Siguro, ewan. Pero ng papalais na ako narinig ko na lang ang biglang paghagulgol nya, na kinaamabot naman ng mga tuhod ko. Ayaw nitong maglakad papalayo kay Casey at iwan ito sa kalagayan nya.

Nilingon ko sya ulit at nilapitan at naupo sa tabi nya. "Ang ganda ng buwan noh?" Wala kasi akong maisip na ibang sabihin. Napahinto sya bigla sa pagiyak at inangat yung mukha. Hindi pa man nya ako nililingon, inalis ko na yung tingin ko sa kanya at nakaktitig lang sa madilim na kalangitan.

Nagtaka siguro sya kung sin ang biglang tumabi sa kanaya, at nilingon nya ako. Hindi ko man makita yung mukha nya, alam kong nagtataka sya bat nandito ako. Mga ilang segundo siguro nya akong tinitigan hanggang nangawit siguro at tinignan din yung kalangitan. "Wala namang buwan ah!" Sagot nya sa akin.

Am I Brave Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon