Chapter 6: Truce
CASEY
"And sinong genius ang sumiga-" Nilingon ko yung nagsalita kanina at, ano itong nakikita ko. "Oh, anong ginagawa mo dito?"
"Hindi ka ba masaynag nandito ako?"
"Hindi ah! Ano ngang ginagawa mo dito? Mangaasar ka?"
"Pft!" Lumapit sya sakin. "Apology accepted." Ngumiting nakakaloko at hinawakan pa yung chin ko bago dumiretso dun sa kasamahan namin.
"Anong-" Tinignan ko lang sya, nakikihalubilo dun. Anong pinagsasabing apology? Lumingin sya sakin sandali at nagawa pa akong kindatan! Abaaa talaga.
"Rics? Kita mo yun! Anong ginagawa nya dito!" Inis kong sabi kay Rica, hindi pa rin inaalis ang paningin ko sa lalaking yun. "Rica?" Tinignan ko si Rica, pero dahan dahan itong umaalis.
"HOI! Saan ka pupunta?"
"Ha? Ano, mag babanyo lang sandali, Lovey." Sagot nito, with an odd look on her face.
"Ahh okay sige. Balik ka agad." Tinalikuran ko sya, at tinignan yung script. Ng may bigla akong maalala.
"RICA!" Sigaw ko, hindi pa naman ito nakakalayo.
"Yes Lovey?" Napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako. Sinenyasan ko syang lumapit gamit yung hintuturo ko. "Love? Any p-problem?"
"Wag mo akong ni la-love ha! What did you do?"
"H-ha? Nothing!" Nanlaki ang mga mata nya as if telling na she's innocent.
"What the heck did you do? Bakit sya nandito?"
"Lovey, wala talaga... Baka, ano, naisipan lan nya na tumulong ulit. Hindi ka ba Masaya na andito na sya? He saved us from all the trouble on looking for another talent. Ehe heheh."
"Alam natin pareho na hindi nya basta bastang binababa yung pride nya, unless... Oh-em-GEE!"
Naalala ko bigla yung pagkataranta nya kanina na parang may tinatago sa likod nya. "Rica!!! Where's my phone?"
"E-ewan ko."
"Where's my phone!!"
"E-eto eto. Wag naman kasing sumigaw."
Pagkaabot nya sakin ng cellphone ko agad kong tinignan yung messages. And then, there it is. The one word na nagpapunta agad sa kanya dito, "Sorry".
Gusto kong sakalin tong bestfriend ko pero nagtatago sa likod ng kakarating na boyfriend nyang si Spencer.
"Palapitin mo nga yan dito, Spence. Please!"
"Ha? Bakit? ANong nangyayari dito?"
"Tanungin mo yan! Tss! Kakainis!" Pero weird, kaka send lang nito ah. Bat biglang dumating agad yun. Ah bahala nah! ASAR!! "At bakit ngayon ka lang ha! Diba dapat kanina ka pa!"
"Ahe, sorry Direk. Hinahanap ko kasi si... Oh! Andyan na pala! PRE!" Napansin din nya yun kinaiinisan ko, at kinawayan nya. "Solve nap ala tayo, Direk. So ibig sabihin nun bati na kayo?"
"Anong bati? Tanungin mo yang cupcake mo!"
"Eh kasi cupcake..."
"Kasi ginamit nya yung cellphone ko para etext si Nathaniel ng sorry!"
"Galing mo cupcake ah! Hindi ko naisip yun ah!" Nagawa pa nyang e praise yung bruha!
"Aba naman talaga, naka hanap ka pa ng kakampi. Halika nga-"
"Oi ano nah? Hindi pa ba tayo magsisimula? Mag didilim na oh." Hihilahin ko n asana si Rica, pero umeksena naman tong si Nathaniel.
NATHAN