Chapter 2

6 1 0
                                    

A/n: Sorry po kung nabitin kayo dun sa last chapter. Sinadya ko po talaga yun hahahaha sorry. Comment or imessage nyo nalang po ako sa mga requests nyo. Salamat! Paki vote na din po. :)
***
{Si Jake Buenavista ang pinakapogi daw dito sa school. Marunong syang mag-archery, basketball, mag-guitar, at mag-drums. Kakaiba sya sa mga lalaki dito sa school kasi wala pa syang gf and take note wala pa daw syang nagiging crush. Yun ang mga sabi sabi dito sa school.}
"Mo--mo--Molly Sanchez." Medyo kinikilig kasi ako hihihi.

"Ah sige. Mukha ka namang okay eh." Sabi nya.

"Sige. Mauna na ako ha? May pupuntahan pa kasi ako eh. Nga pala, salamat sa pagtulong mo na kunin yung mga libro ko." Umalis na agad ako.

***
JAKE'S POV

Chineck ko yung relo ko kung anong oras na. At biglang...

"Ouch!" Sabi nung nabangga ko. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko eh.

"Sorry Miss. Di ko sinasadya. Okay ka lang? Sorry talaga." Sabi ko sakanya.

"Don't worry. I'm fine." Sabi nya sakin at parang di sya okay.

"Tulungan na kitang tumayo at kunin yung mga libro mo." Hinawakan ko sya at tinulungan kong tumayo. Kasi parang ayaw pang tumayo eh hahaha. Tapos kinuha ko na din yung mga libro nya.

"Eto na Miss. Sorry talaga ha? Ayos ka lang ba? Ako nga pala si Jake Buenavista. Ikaw?" Sabi ko sakanya.

"Mo--mo--Molly Sanchez." Para talaga syang di okay.

"Ah sige. Mukha ka namang okay eh." Sabi ko nalang sakanya.

"Sige. Mauna na ako ha? May pupuntahan pa kasi ako eh. Nga pala, salamat sa pagtulong mo na kunin yung mga libro ko." Umalis na agad sya. Sayang gusto ko pa naman syang kausapin pa kaso may pupuntahan pa daw eh.

"Miss! Miss Sanchez! Naiwan mo yung notebook mo!" Sigaw ko sakanya pero parang di nya ako narinig.

Nung binuksan ko yung notebook nya. Diary yung nakasulat sa unang page. Tas sa baba yung buo nyang pangalan at section pati na pala ang address nila. Nung pagtingin ko sa likod ng notebook nya, nakita ko yung cellphone number nya. Yes naman! Hahahahaha.
Pinuntahan ko sya sa room nila. At nakita kong nandun sya sa gilid, nakaupo, mag-isa lang.

"Hi. Molly." Sabi ko sakanya ng mahina lang kasi medyo kinakabahan ako hahaha.

"Uhmm. Hello?" Tipid nyang sinabi sakin.

"Molly. Naiwan mo ata yung diary mo kanina. Nakit--" Sabi ko sakanya. Tas bigla syang nagsalita at sumigaw ng malakas.

"ANO?! YUNG DIARY KO?! NAKITA MO?! BINUKSAN MO?!" Sigaw nya sakin.

"Hi--hi--hinde ah. Yung unang page lang. Nakita ko yung section mo kaya pinuntahan na kita dito. Buti nga binalik ko agad eh." Sabi ko sakanya. Parang ang sungit nya tuloy hays.

"Ah ganun ba. Sorry. Akala ko kasi nakita mo eh. Pasensya na kung napasigaw ako. Di ko na napigilan eh." Sabi nya sakin ng mahinahon.

"Ayos lang yun. Alis na ako ha? Babalik na ako sa room ko." Sabi ko.

"Ay ganun. Sige. Bye. Salamat nga pala" tapos nagsmile sya sakin. YIEEEEE!

Umalis na ako. Baka sigawan nanaman nya ako eh hahaha. Pagbalik ko sa school nagbasa nalang muna ako. Wala kasi ako sa mood makipagusap.

***
MOLLY'S POV

Nung pagalis ko, pumunta na agad ako sa room namin. Nanndun lang ako sa gilid kasi wala akong makausap. Di ko pa mga kaclose yung mga kaklase ko eh. Nahihiya pa ako hahaha. Tapos biglang may tumabi sakin. Nagulat ako shems! Si Jake lang pala.

My LUCKY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon