Chapter 5

2 0 0
                                    

Wala kaming klase ngayon. Holiday daw eh. May pupuntahan yung mga teachers sabi nila. Then mamaya may party daw sa school. Di ko alam kung papayagan ako ni mommy kasi gabi yun gaganapin. 6pm-6am.

Bigla akong nagising nung may narinig ako sa bintana ko na kumakatok. Bigla kong binuksan at nakita ko si Ken. Classmate ko siya. Nabigla ako nung nakaakyat sya sa bahay namin. Nasa second floor kasi yung room ko tapos naakyat nya yun magisa?! Wow hahaha.

"Hoy! Molly! Tara sumama ka sakin ngayon magbihis ka na!" Bulyaw sakin ni ken.

"What the hell? Ginising mo ako para sumama lang sayo? No! Di ako sasama sayo." Sigaw ko sakanya.

"Alam mo maganda ka sana eh, kaso ang sungit mo sakin! Tara na! Baka mahulog pa ako dito!" Sigaw nya sakin. Eh pake ko kung mahulog sya? Umakyat sya tapos sasabihin nya sakin na baka mahulog sya. Aba naman!

"Mamaya pa ang party, right?" Tanong ko sakanya.

"Yea, pero hindi pa tayo pupunta sa party. Umaga pa lang oh! Magbihis ka na at sumama ka na sakin, kung hindi papasok talaga ako sa kwarto mo!" Banta nya sakin. Ayoko naman sumama sakanya, baka kung saan nya lang ako dalhin.

"Saan ba tayo pupunta?" Halatang nagtataka ako sa tanong ko.

"Sumama ka nalang pwede? Dami mong tanong eh! Di kita sasaktan at hinding hindi kita dadalhin kung saan saan." Nagmamakaawa na sya sakin pero ayoko pa din talaga sumama. Ang aga aga pa eh.

"Uhm, siguro naman pwedeng mamaya nalang gabi tayo pumunta sa gusto mo? Di ako pwede ngayon eh. Madami pa akong gagawin. Maghahanap pa ako ng susuotin ko para mamaya. Pasensya na."

"Sige. Magkita nalang tayo mamaya sa school." At bumaba na sya sa bintana ko. Sa wakas wala din sya. Bumaba na agad ako para kumain ng almusal at pagkatapos kong kumain naghanap muna ako ng sapatos ko. Nakita ko yung isa kong sapatos. White wedge heel. Di naman sya gaanong kataasan. Katamtaman lang naman ito, di naman ako matatapilok kasi sanay naman akong magsuot nito. Bagay naman ang white sa red di ba? Nilinis ko muna yung sapatos ko para di naman magmukhang galing sa lagayan ng mga sapatos ko. Medyo madumi kasi, ilang buwan ko na kasi 'tong di nasusuot eh.

Pakiramdam ko, ang bilis ng oras. Maga-alas dose na kasi agad. At di pa din ako naliligo hahahaha. Mamaya nalang ako maliligo kapag aalis na ako, para pagalis ko fresh pa din ako. Bumaba muna ako sa sala para magrelax. Nanood muna ako kasama si ate at si mama. Di pa naman alas dose eh. 11am palang kaya nanonood muna kami. Ngayon na nga lang ako nanood kasama sila dahil puro assignments kaya medyo busy ako.

Nagsimula na si mommy maghanda ng pagkain namin. Tinulangan namin ni ate ivy si mommy na maghanda ng pagkain. Habang kumakain naguusap sila ni ate at bigla akong nadamay sa pinaguusapan nila.

"Mom, yung pumupunta ba dito na lalaki ay boyfriend ni molly?" Tanong ng ate ko kay mommy. What?! Boyfriend ko si jake? Hindi kaya!

"Hindi pa siguro. Nanliligaw pa lang ata yun. Tanungin mo si molly kung boyfriend nga ba niya?" Sabay silang tumingin sa 'kin. Nagulat nalang ako nung tumingin sila sakin at tinanong kung boyfriend ko daw ba si jake.

"Molly, boyfriend mo ba yon?" Natawa siya bigla. Di na nya ata napigilan. Napalunok agad ako sa sinabi ni ate yun.

"Aba! Hindi ah. Wala pa akong manliligaw at di ko din sya boyfriend."

"Sus. Eh bakit sya pumupunta dito at sinusundo ka?" Tanong ni ate sakin.

"Friends? Ate, ayoko na syang pagusapan please? Kumain muna tayo." Pakiusap ko sakanya. Tumahimik na sila at patuloy silang kumakain. Matapos ang tanghalian namin ay nagpresinta ako na ako nalang ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Wala naman kasi akong gagawin kaya naghugas muna ako ng mga pinggan. Pagkatapos kong maghugas bumalik na ako sa kwarto ko at inihanda ang mga gagamitin ko para mamaya. Nagset ako ng alarm para magising ako mamaya, 4:00pm ko sinet yung alarm at natulog muna ako saglit.

Nagising ako nung biglang tumunog yung alarm ko. Naligo na agad ako. 30 minutes kasi ako kung maligo kaya maaga yung alarm ko. Habang sinusuklayan ko pa ang buhok ko hinanda ko na yung dress ko at yung sapatos ko. Sinuot ko na ito at kinulot yung buhok ko. Nagpa-make up ako sa ate ko para maayos akong tignan. May 30minutes pa ako para ayusin yung gamit ko sa purse ko. Kinuha ko sa closet yung purse ko, nilagay ko dun yung wallet ko at syempre yung cellphone ko. 5:30 na inaantay ko pa din si lauren.
Dumating na si lauren sa bahay. Sabay kasi kaming pupunta sa party.

"Wow molly, You're so pretty!" Puri nya sakin. Alam ko naman 'yon eh hahaha.

"Ikaw din. So, ready ka na? Let's go!" Nagsmile ako sakanya. Nagpaalam muna ako kay kay mommy bago ako umalis.

"Mom! We gotta go. Iloveyou." Sabi ko kay mommy.

"Iloveyoutoo molly. Behave ka lang sa party nyo ha? Wag kang maglalasing!" Banta nya sakin. Napalunok tuloy ako, di ko naman kayang gawin yon.

"Yes mom. Aalis na po kami. Bye!" Umalis na agad kami ni lauren sa bahay. Pagkadating namin sa school, ang daming magagandang damit anmga naglabasan. Suot suot ng mga magagandang babae? Di ako sure kung maganda talaga hahaha.
Nagpunta na kami ni lauren malapit sa stage. Bandang kanan para malapit lang. Nakita ko dun si jake, may iba syang kasama pero wala muna akong pake sakanya. Focus muna sa party, not jake.

Kukuha sana ako ng drinks pero nakita ko si ken kaya nagpunta agad ako sakanya. Habang kumukuha ako ng drinks nakikipagkwentuhan sya sakin.

"Ready ka na mamaya?" Tanong nya sakin at bigla syang ngumisi sa 'kin.

"Uhm, not sure. Saan ba tayo pupunta?"

"Oh, nagbago na pala yung isip ko. Next time nalang siguro yon? Pero may favor ako." Ngumiti sya sakin biglang kindat. Buti nalang talaga nagbago yung isip nya. Ayoko talagang sumama sakanya eh. Di pa ako sanay.

"Ano 'yon?"

"Pwede bang i-date kita? Dito. Kung pwede lang naman, alam mo na. Hahahaha. Pero kung ayaw mo pa din. Okay lang naman sakin." Nagpout sya. Parang nadidisappointsya eh. Tatanggihan ko ba o hindi? Pero pwede na din siguro.

"Yun lang naman pala eh. Sure!" Di ko na talaga alam yung mga pinagsasabi ko. Di ko na kontrolado ang lahat.

Sabay kaming pumunta ni Ken sa table. Nakita ko si Jake na nakatingin samin ni Ken. Ang sama ng tingin nya samin, para bang gusto na nyang manapak pero di ko nalang 'to pinansin.

"Ayos ka lang ba molly?" Tanong ni Ken. Nakatulala lang daw kasi ako.

"Yes, I'm fine." Pagsisinungaling ko sa kanya. Nagseselos ata ako kay Jake at dunsa girl na yun. Di ko maiwasang tumingin sakanya. Biglang tumugtog ang Use somebody by: Boyce Avenue.

"Good. Gusto mo bang sumayaw tayo?" Napatanggo nalang ako sakanya. Hinawakan nya ng dahan dahan ang kamay ko at hinawakan nya ako sa bewang, habang nakatitig sa kanyang mga maaakit na mga mata.

Hinawi nya ang buhok ko na natatakpan ang isa kong mata. Nagtititigan lang kami habang sumasayaw. Inikot nya ako at bigla akong natapilok.

My LUCKY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon