Nakahawak ako sa kanyang mga balikat. Muntik lang magkadikit ang aming mga mukha sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Dahan dahan nya akong tinatayo habang nakahawak pa din sa bewang ko. Hinawi nya ulit ang buhok ko.
"Are you okay?" Bulong nya sa tenga ko.
"Uhm, yes. Thankyou." Sabi ko sakanya habang nakatitig pa din ako sakanya.
"Thankyou for what?" Tanong nya sakin.
"For saving me." Ngumiti ako sakanya at hinawakan nya ang kamay ko.
"Oh, c'mon. Ginawa ko lang yun dahil ayokong mahulog ka. Sinalo lang naman kita." Ngumiti sya at niyakap nya ako. Sinulyapan ko si jake habang nakayakap sakin si ken. Nakita ko sa mga mata ni jake na nagseselos sya kay ken. Lumapit samin si jake. Inalis ko agad ang pagkakayakap ni ken sakin. Hinila ko si ken palayo samin ni jake pero biglang hinawakan ni jake yung braso ni ken. Sinuntok ni jake sa kaliwang mukha si ken gamit ang kanyang kanang kamay. Hindi pinatulan ni ken si jake dahil hinawakan ko ang balikat ni ken.
"Ano bang problema mo Jake?!" Habang hinawakan nya ang kanyang gilid ng labi nya. Lalapit na sana si ken kay jake pero pinigilan ko ito. Halos lahat ng tao nakatingin na samin dahil kina ken at jake.
"Ang problema ko lang naman, dikit ka ng dikit kay molly!" Sigaw nya kay ken. Susuntukin nya sana ulit si ken pero ginitnaan ko yung dalawa para di na sila magaway. Nilayo ko na si ken pero ayaw pa din magpapigil.
"Bakit? Pake mo ba? Ano mo ba sya? Di ba wala? Kaibigan ka lang nya! Kaya wag kang umasta na kayo!" Sigaw ni ken. Punong puno ng galit si ken kay jake. "Di ka naman manliligaw ni molly eh. Pero nagseselos ka!" Dugtong ni ken.
"Tama na! Wag na kayong magaway please? Tara na ken. Gagamutin pa kita!" Di ko na mapigilan ang sarili ko, at biglang pumatak ang mga luha ko. Pumunta kami sa clinic pero walang tao don. Binuksan ko ang mga ilaw. Pinaupo ko si ken sa couch. Kinuha ko yung first aid kit. Habang ginagamot ko si ken, pinagsasabihan ko sya.
"Sa susunod, umilag ka naman please. Ayokong nasasaktan ka eh. Tignan mo nasuntok ka tuloy nya." Sabi ko sakanya. Habang ginagamot ang sugat nya sa gilid ng labi nya.
"Sya nauna eh. Buti nga di ko sya sinuntok eh."
"Pero mali pa din ang ginawa mo. Dapat di ka nalang nagsalita para di pa humaba ang usapan nyo. Di ko din maintindihan si jake eh, bakit ka nya sinuntok? Wala ka namang ginawang masama." Nakakapagduda lang talaga. Bigla bigla nalang pumunta dun si jake para suntukin si ken. Wala naman ginawang masama si ken.
"Baka nagseselos sya. Nililigawan ka ba nya?" Tanong ni ken sa'kin. Ano daw? Nililigawan ako ni jake? Ni hindi ko nga alam kung bakit sya nagpupunta sa bahay eh. Tapos susunduin nya pa ako. At wala namang sinasabi sakin si jake na liligawan nya ako.
"Hindi ah." Di ko na alam ang sasabihin kay ken. Di ko rin naman alam kung anong meron samin ni jake eh.
Pagkatapos kong gamutin si ken, bumalik na kami sa quadrangle, kung saan ginaganap ang party. Nagpunta na ulit kami ni Ken sa table namin. Umupo lang kami at kumuha ako ng panibagong drinks namin. Di ko nalang ulit tinignan si Jake baka pumunta nanaman ulit samin. Bumalik na ako sa table at inabot yung drink kay Ken.
Gusto ko ng umuwi pero walang maghahatid sakin pauwi. Alas dose na kasi ng madaling araw kaya medyo wala ng sumasakyan na dumadaan. Kung maglalakad naman ako eh baka may makasalubong akong mga lasing at kung ano gawin sakin kaya no choice. Magi-stay muna ako dito. Hanggang mamaya. Naglibot libot muna ako sa school namin kahit medyo natatakot ako. Umakyat ako sa 2nd floor. Pumunta ako gitna. Pumasok ako sa Rm22. Binuksan ko ang ilaw, at walang kahit anong ingay akong narinig don. Umupo ako sa isang upuan malapit sa may pintuan. Sinubukan kong tawagan si ate pero di sya sumasagot, siguro tulog na 'yon. Nakaupo pa din ako habang nagcecellphone. Biglang bumukas yung pinto at napatingin ako. Si Jake.

BINABASA MO ANG
My LUCKY BOYFRIEND
RomanceSabi ng mommy ko, makakahanap daw ako ng lalaking magiging maswerte sakin dahil sobrang sweet and effort ko daw. A/n: Read this guys! I hope you like it! Thankyou :) xxvotexcommentxspredxx