2ND DAY
Tuesday. Ang tagal pa bago magsaturday. Nakakaboring na agad hay. Papasok na sana ako sa school kaso biglang tumawag si lauren...
(Lauren is calling..)
Sup?
[Bes, may meeting daw sa school mamaya. Sasama ka ba?]
Di pa ako sure. Pero try ko nalang.
[Sumama ka na! Kasama naman ako eh hahaha. Pagkatapos ng meeting, libre kita sa canteen promise!]
Yan ang gusto ko sayo eh hahahaha sige sasama na ako.
[Yey! Thanks. See ya!]
By--(End call..)
Ay. Bastusan lang talaga eh noh? Pinatay ba naman! Di pa nga ako tapos magsalita. Jusme! Lagot sakin mamaya yun.
***
Nasa school na ako at papunta sa room namin tapos pagakyat ko ng hagdanan puro boyszxc ewwww! Ayoko kasi ng ganun kapag ako lang magisa at puro lalaki pa makakasalubong mo. Change direction or di na lang muna ako aakyat? Siguro naman may iba pang daan paakyat. Worst feeling nanaman. Goodnews! May nakita akong ibang daan kaso parang sobrang dilim naman. Walang ilaw. Pano ko makikita ang daanan ko? Baka madulas naman ako neto. Parang ang malas ko naman ngayon araw nako. Nagpunta nalang ako ng canteen baka sakali makita ko si lauren. Makikisabay nalang ako."Hi molly! Di ka pa pumupunta sa room nyo?" Badtrip. Iba yung nakita ko. Si jake.
"Obvious ba? Di ba nasa canteen pa ako? Edi syempre hindi pa po." Para tuloy akong masungit neto.
"Ay hahaha oo nga naman. Nasa canteen ka nga pala. Eh anong ginagawa mo dito?" Jake. Inaasar lang talaga ako neto eh! Sarap patulan!
"Hala? Baka nasa palengke ako. Bibili sana ako ng isda eh. Alam mo jake, wag mo muna akong kausapin please? Wala akong sa mood para makipagusap kung kani kanino." Taray hahahaha. Masungit na pala ako ngayon HAHAHA
"Kani kanino? Ano ba ako sayo?" Jakeeeee. Wth! Grabe namang tanong yan hahaha
"KAIBIGAN. Yun ang sabi mo di ba?" Umalis na agad ako sa harapan nya. Parang naiiyak na ako eh. Hinding hindi ko talaga makakalimutan yun. Ang sakit eh. Friendzone. Dali dali na akong umakyat sa room namin at buti nalang wala na yung mga lalaking nakatambay dun. At buti nalang din hindi pa sila nagkaklase.
"Excuse me class! Wala si Sir Duvall ngayon. Absent. Wag muna kayo magiingay dyan ha? At half day lang tayo hanggang next week. Yun lang. Salamat." Principal.
Whooooo! Wala si sir! Freetimeeeeee! At half day lang din! Parteh parteh! Yeaaaah.
"Oy lauren! Bakit mo pinatay agad yung phone kanina?!" Sabay hampas ko sakanya hahaha.
"Ay sorry molly di ko alam na nagsalita ka pa eh. Sorry talaga." Lauren.
"Hahahaha syempre okay lang yun. Bespren kita eh! Pero dapat ililibre mo ko ng pizza ha? Ha? HAHAHAHA!" Ganun talaga akong kaibigan sakanya eh hahahaha.
"Sure sige. Pero mamaya ha? May meeting!" Lauren. Sabi na eh malakas kasi ako sakanya eh hahaha
2hours samin si Mr. Duvall. Tapos si Mam Gretchen at yung iba namin teachers wala. Pinatawag daw ng principal kaya ayun wala kaming klase ngayon. Nagpunta agad kami sa Quadrangle dahil dun gaganapin ang meeting.
"Announcement! Ngayong wednesday magsisimula ang audition para sa election. Sino ang gustong sumali? Pumunta lang kayo sa office ko at kumuha ng form. Dapat kayo ay tapat at magandang halimbawa sa mga estudyante. 2 lang ang pagpipilian sa President at Vice President. Inuulit ko, kung sino man ang gustong sumali ngayong election ay pumunta lang sa office ko. Yun lang. Maraming salamat." Principal.
"Lauren? Yun lang ang meeting! Di ba announcement lang yun?" Tanong ko kay lauren.
"Hindi lang yan ang pinunta natin dito. Magantay ka kapag umalis na yung ibang mga estudyante. Dun tayo sa malapit sa stage. Nandun yung meeting." Lauren.
Nagpunta na kami dun sa malapit sa stage yung tinutukoy ni lauren. At nakita ko si jake.
"Guys! Lahat kayong nandito ay mga dancers right? Sasayaw tayo para sa opening next week sa election. May practice tayo bukas. Kitakits nalang." Jake.
"Ano ba to lauren? Sure ka ba na eto talaga ang meeting? Eh hindi naman tayo sasayaw ah." Sabi ko kay lauren. Oo marunong akong sumayaw pero di naman ako nainform na kasali ako dito? Biglaan naman ata to.
"Sinali kita. Para naman makita nila yang talent mo! Wag kang magalala kasali din ako. Magtutulungan tayo." Lauren.
"Okay fine. Samahan mo ko sa office. Kukuha ako ng form."
"Sasali ka sa election?" Lauren.
"Yes. Why not? Gusto ko maging President dito sa school."
"Edi hindi ka pwedeng sumali dito sa sayaw kasi kasali ka sa election di pwede yun tsaka ang magiging kalaban mo si Regina. Baka matalo ka?" Lauren.
"So, ang ibig sabihin ba nun wala kang tiwala sakin? Susubukan natin manalo. Kaya natin to!"
"Sasali ka molly?" Jake. Singit sa kwentuhan namin aba. Di naman sya kinakausap eh. E-P-A-L
"Oo. Bakit may problema ba?"
"Wala naman. Ikaw na agad ang iboboto ko" sabay kindat nya. Akala nya madadaan nya ako sa kindat nya ha? Sorry pero hindi wahahahaha.
"Tara na lauren." Wala talaga akong gana makipagusap sakanya.
Nagpunta na kami sa office para kumuha ng form. Kaya gusto ko sumali di dahil para magpasikat dahil gusto kong paunlarin pa ang eskwelahan na ito. Kasi napansin ko yung kga dati daw officers ay walang ginagawa lalo na yung president na si Regina at balak pang umulit ulit. Di na ako papayag kaya napagisip isip ko na ako nalang ang magsisilbi para sakanila.
Tok! Tok!
"Pasok." Principal.
"Goodafternoon po. Gusto ko pong sumali sa election bilang President. Pwede po ba?"
"Sure. Oh eto ang form mo dito mo nalang sagutan para maibalik mo na agad." Principal.
Write..
Write..
Write..
"Done. Salamat po." At binigay ko na agad yung form.
"Thankyou for participating. Godbless you!" Principal.
Umalis na kami ni lauren sa office at nagpunta sa Pizza shop. Bumili kami ng pizza dahil nagpromise sakin si lauren, nilibre nya ako hahahaha. Kumain kami ng kumain. Biglang tumawag si mommy sakin.
(Mommy is calling..)
[Molly, umuwi ka na. 5:30 na oh. Bilisan mo!]
Opo. Pauwi na po kami ni lauren.
[Sige. Ingat kayo. Iloveyou.]
Iloveyoutoo po.
(End call..)
"Sino yon?" Tanong nya at may halong pagtataka.
"Mommy ko, umuwi na daw tayo." Sagot ko sakanya.
"Sige. Nagpasundo na ako sa driver ko. Papunta na siguro yon."
Nakita na namin ni lauren yung sasakyan nila. Sumakay na agad kami ni lauren sa kotse. Nung malapit na kami sa bahay namin biglang prumeno ng malakas yung driver nya. Muntikan na akong mauntog sa nangyaring yon. Bumaba na agad ako sa kotse nya at nagpaalam.

BINABASA MO ANG
My LUCKY BOYFRIEND
RomanceSabi ng mommy ko, makakahanap daw ako ng lalaking magiging maswerte sakin dahil sobrang sweet and effort ko daw. A/n: Read this guys! I hope you like it! Thankyou :) xxvotexcommentxspredxx