"Gising na molly!" Sabay katok sa pintuan ko. Medyo tinatamad pa akong bumangon. Feeling ko kasi na nakadikit na yung katawan ko sa higaan ko. Pero susubukan ko pa din gumising dahil may pasok.
"Pababa na po." Habang sinusuklay ko ang buhok ko at pumasok muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha. Bumaba na agad ako kasi kumukulo na yung tiyan ko sa gutom. Pagkababa ko kumain agad ako. Bacon at hotdog ulam namin. Nagmamadali akong kumain para di ako malate sa school. May 30minutes pa ako para magready. Nagtoothbrush ako at naligo agad. Habang nagsusuot ako ng uniform ko. Biglang may narinig akong dumaan na sasakyan.
Tok! Tok!
Binuksan agad ni mommy yung pinto at pagtingin nya ay si Jake.
"Oh. Anong ginagawa mo dito jake? Di ba may pasok pa kayo? Bakit di ka pa pumapasok?" Tanong ni mommy kay jake.
"Dinaanan ko lang po si molly. Pwede po ba syang sumabay sakin? Kung hindi po pwede okay lang po." Pagmamakaawa ni jake sa mommy ko. Teka! Bakit nya gustong sumabay ako sakanya? Baka kung saan nya ako dalhin? Hahahaha charr.
"Oo naman pwedeng pwede. May tiwala naman ako sayo eh. Alam ko naman na iingatan mo sya. Tama ba ako?" Nagulat ako nung narinig kong sinabi yun ni mommy kay jake na pumayag sya na sumabay ako kay jake. Strict kasi si mommy pagdating sakin. Pero ngayon parang hindi na.
"Opo tita. Iingatan ko po siya. Pangako." Sabi nya kay mommy.
Pagpunta ko sa sala nandun sila at naguusap. Handang handa na akong pumasok. Niyaya ko na si jake umalis. Pagkapasok ko sa kotse, di kami naguusap. Nahihiya sya siguro or ayaw nya lang talaga akong kausap. Binuksan na ni jake yung pintuan at hinawakan nya yung kamay ko para alalayan ako. Pero nung pagkababa ko sa kotse nya, natapilok pa ako. Napakapit ako sa balikat nya tapos hinawakan nya ako sa bewang para alalayan ulit. Kinuha ko na agad yung bag ko at nagmamadali pumunta sa room ko baka malate kasi ako.
Natapos ko na ang dalawa kong klase. Papunta ako sa canteen at kasama ko si lauren para bumili ng makakakain at ng maiinom. Pinagusapan namin ni lauren yung tungkol dun sa pagsali ko sa election. Alam kong mahirap kalabanin si Regina, pero may tiwala ako sa sarili ko na kakayanin ko to. Di pa ako naghahanda ng speech siguro sa sabado na. Wala pa akong time eh. May mga assignments pa ako at bukas naman dahil walang pasok. May party. Yun muna ang pinaghahandaan ko. Pagkatapos namin kumain at magusap ni lauren, bumalik na agad kami sa room para tapusin pa ang tatlong subjects.
Tapos na ang klase namin at balak ko ng umuwi agad dahil may paghahandaan pa ako para bukas. Maghahanap pa ako ng susuotin ko para bukas. Nagpasama muna ako kay lauren sa SM para maghanap ng maisusuot namin.
Ang unang pinuntahan namin ni lauren ay ang Fashion Design Shop. May nakita agad akong umakit sa aking mga mata. Nilapitan ko ito para tignan mabuti. Pink vest at purple jeans. Pwede na siguro ito para sa party. Pero may tinuro pang iba si lauren sakin. One sleeve red dress. Pwede na din 'to. Sinukat ko sya at okay lang naman sakin.
"Molly, You're look so gorgeous!" Namangha sakin si lauren nung pinakita ko 'to sakanya.
"Thanks." At nagsmile ako sakanya.
Pinili ko din si lauren ng susuotin ny syempre alangan ako lang ang bumili. Napakaselfish ko naman kung ganon hahaha. Kinuha ko yung pink na may halong violet na dress. Tapos may belt na black. Eto nalang dapat akin eh hahaha pero may napili na ako kaya kay lauren nalang 'to. Bagay na bagay yun sakanya. Nagpunta na agad kami sa counter at binayaran 'yon.
Bago kami umalis ni lauren sa Mall. Kumain muna kami saglit para di kami magutom sa biyahe. Sumakay na ako sa kotse nya. Wala yung driver nya, kaya sya muna ang magdadrive. Marunong sya magdrive pero wala pa syang license. Wala namang nanghuhuli ngayon eh. Tsaka medyo malapit lang ang mall kaya di kami mahuhuli. Hinatid ako ni lauren sa bahay. Pagkababa ko ng kotse nya nagpaalam na agad ako at umakyat sa kwarto ko. Maghahanap ako ng sapatos na babagay sa suot ko. Napagod ako sa paghahanap namin ng damit at di ko alam na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko.
Nagising ako dahil biglang tumunog yung cellphone ko.
Time check: 8:10pm
Jusme! Kakain na pala sila! Di man lang nila ako tinawag! Agad agad akong bumaba sa hagdan pero nung nakita ko sila bago palang sila naghahanda ng makakain, buti nalang at di ako nalate sa hapunan.
"Oh, molly, gising ka na pala." Mahinahon na sinabi ni mommy sakin.
"Parang mantika kung matulog yang si molly eh. Kanina ko pa siya kinakatok sa kwarto nya pero di pa din nagigising." Tukso ni ate ivy sakin.
"Eh di ko kasi narinig yung katok mo!" Sagot ko sakanya. Umupo na ako sa upuan ko at kumuha ako ng kanin at ulam. Kumain na ako at pagkatapos ko kumain nagpunta na ulit ako sa kwarto ko. Humiga lang ako don. Gusto ko sanang tawagan si jake kaso baka busy sya or baka galit sya kasi di ko sya pinansin kaninang umaga. Nanood nalang ako ng movie sa laptop ko, horror movies ang madalas kong panoodin. Nung inaantok na ako sinara ko na yung laptop ko at natulog na ako ng mahimbing.

BINABASA MO ANG
My LUCKY BOYFRIEND
RomanceSabi ng mommy ko, makakahanap daw ako ng lalaking magiging maswerte sakin dahil sobrang sweet and effort ko daw. A/n: Read this guys! I hope you like it! Thankyou :) xxvotexcommentxspredxx