Chapter Five: Introduction

1 0 0
                                    

                 AMETHYST

"Athena ano ba?!" Inis kong sabi kay Athena nung nasa may hagdan na kami.

Inalis ko naman yung kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko.

"Are you out of your mind Amethyst?! Nalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sayo about kay Ethan?!" She hissed.

"No." Matipid kong sagot.

"Yun naman pala e! Amethyst, hayaan mo na lang sila." Athena said at hahabkamg na sana.

"Wait! Si miss Taylor nga pala!" Sabi ko sabay takbo papunta sa room.

"Amethyst!" Dinig kong tawag sakin ni Athena.

Naku naman! Baka kung ano ng ginawa ni Ethan kay mam. Sorry Athena.

Nung malapit na ko sa classroom ay may naririnig akong nagsisigawan. Sh*t!

Mabilis kong tinakbo ang corridor papunta sa classroom. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong sasampalin na ni Ethan si miss Taylor. Kaya agad akong pumunta sa harapan ni miss Taylor at hinawakan ang kanang braso nya at saka ko sya sinuntok sa kaliwang side ng kanyang mukha.

"T*nga ka ba?! Wala ka ba talagang galang?! Sasampalin mo ang teacher natin?! How dare you?!" Sigaw ko kay Ethan at tinulak sya.

Hinawakan naman nya ang dulong part ng kanyang labi sa may left side kung saan tumama ang pagkakasuntok ko sa kanya. Nalita ko naman na namumula ito na malapit ng maging pasa.

Pasalamat nga sya at hindi ko pinadugo. >.<"

"E bakit ba ang pakialamera mo?!" Naiinis na sabi ni Ethan.

"Hindi ako pakialamera! Ipinagtatanggol ko lang si miss Taylor from you." I said.

"Bakit, superhero ka ba para ipagtanggol mo sya?" Nang aasar nyang tanong. At ngumisi pa.

Nakakapikon kana ha!

Gusto mong tuluyan ko ng paduguin yang dulo ng labi mo?! >.<"

At dahil dyan, sinipa ko ang parte ng katawan nya na pagsisihan nya. Kaya napabaluktot naman sya sa sobrang sakit.

At inalalayan naman sya ng kanyang dalawang alipores.

"The f*ck! Humanda ka sakin Amethyst kapag nakabangon ako dito!" Sigaw ni Ethan habang namimilipit sa sakit.

"Wag mo kasing minamaliit ang tulad ko. You deserve it, jerk!" Sabi ko sa kanya.

Then nakita ko namang susuntukin ako ni Raven kaya hinawakan ko ang kanyang kamao at pinilipit ko ang kanyang braso saka ko sya sinipa sa tyan. Napahiga naman sya. Susuntukin din sana ako ni James kaso nakailag ako. Susuntukin na naman sana nya ako kaso hinawakan ko ang kamao nya at nakita konh susuntukin nya ko gamit ang kaliwa nyang kamao kaya hinawakan ko din ito at pinilipit ang dalawa nyang braso saka ko sya sinikmuraan gamit ang tuhod ko. At binitawan ko sya ng patulak kaya napahiga din sya.

Death Between Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon