Chapter One: The Casts

2 0 0
                                    

                  AMETHYST

Alam mo ba yung feeling na sobrang kinakabahan ka? Yung tipong hindi kana makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo? Ganon. Ganon mismo ang nararamdaman ko ngayon. Bakit? Nandito kasi ako ngayon sa Levinson University. Nagtransfer ako dahil lumipat kasi kami ng bahay. Nakakainis nga e. Kung kailan graduating na ko saka pa ako inilipat. Malaking adjustment tuloy ang gagawin ko. -_-"

Katatapos ko lang kunin ang aking schedule mula sa principal's office. At ang malaki Kong ipinagtataka ay bakit napunta ako sa star section? Am I that beautiful? Hindi naman ako ganon katalinuhan at kayaman. Pero mabait naman ako. Hay nako. Ewan ko ba dun sa trip ng principal na yon at inilipat ako sa star section. Ang section na pinaka sikat dahil nandon sa section na yon ang magaganda, gwapo, matalino, mayaman basta sikat. Yun yon!

So before I forgot anything, I am Amethyst Salvador. Fifteen years old and fourth year high school student. My appearance? Well, I have this bad ass face. And my attitude? Minsan masayahin. Mabait naman ako sa taong mabait sakin. At palaban sympre!

Ay! Nandito na pala ako sa tapat ng room na ibinigay sakin nung principal. Jusko Lord! Kayo na po ang bahala sa akin!

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may tumabi sakin.

"Are you the transferee student? " Tanong nya sa akin.

She was tall, white complexion, black eyes and pure black hair. And she has this sexy body figure. I must say, mukhang nasa may mid twenties pa lang sya.

"A opo." Matipid kong sagot sa kanya.

"I am the adviser of this class. Come inside." She said with a smile sabay bukas ng pinto at pumasok sa loob kaya sumunod na rin ako.

"Good morning class!" Bati nya.

So, she will be my teacher. At ang mga kaklase ko ay agad na nagsiayusan.

"So as we can see, we have a transferee student. Hija, kindly introduce yourself please." She said so I went to the front and got their attention.

"I am Amethyst Salvador. Fifteen years old." Maikli kong pagpapakilala.

Mukha namang napansin ng teacher ko na wala na akong sasabihin pang iba kaya nagsalita sya.

"I am miss Taylor Sanchez. But you can call me miss Taylor. I am the adviser and mathematics teacher of this class. You may seat over the three girls there." Sabi nya sabay turo dun sa upuan na pangalawa sa hulihan.

So I walk towards the chair na sinabi sakin. Mukhang bakante ang halerang iyon na may tatlong upuan. Pero pagkarating ko ay may bag na nakasakay sa unang upuan at may mga librong nakapatong sa arm chair nito. Ngunit walang nakalagay sa pangalawa at panghuling upuan kaya sa pangalawang upuan na lang ako umupo.

Then nag discuss na si miss Taylor about sa rules and regulations ng room. Sinabi rin nya na may class officers na. Pinaalalahanan kami na maging role model sa ibang estudyante. Dahil nasa star section daw kami at kami ang pinaka mataas sa lahat kaya dapat lang daw na maging role model kami. Then yung ibang teachers ay hindi nagdiscuss. Halata namang may hang over pa sila sa bakasyon. Third pa lang naman kasi simula nung first day of school.

Ano ba yan. Hindi ko namamalayan recess na pala. Well, hindi pa naman ako gutom e. Kasi busog pa ako. Busog sa sobrang kaba. Ewan ko ba nga dito sa sarili ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman kong kaba. The last time I felt this, something bad happens. Nako! Wag naman sana! First day ko pa lang dito! :'(

Nagulat ako ng biglang may tumabi sakin.

"Hi Amethyst! I am Francheska, the president." Nakangiti nyang pagpapakilala sakin.

Death Between Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon