Chapter Four: I Am Amethyst Salvador (part two)

1 0 0
                                    

                  AMETHYST

Oh my gosh. What the hell did just happened?

After bumalik ng kaluluwa ko sa aking katawan ay natauhan na rin ako. Inalalayan ako ni Humphrey paupo sa upuan ko. Then our eyes met. Gawd! He's really handsome! Stop adoring him Amethyst! But his eyes, so cold.

Then biglang nagsink in ang reality sa utak ko.

"Wait! Si sir Madrid!" Wala sa sarili kong sabi.

"Amethyst, umupo ka muna dyan at kumalma." Sabi ni Athena habang pinipigilan ako.

"Pero hindi sya pwedeng magresign." Pagmamatigas ko.

"Amethyst listen to me. You should calm down first. I will be the one who will talk to him." Kalmadong sabi ni Humphrey.

Himala. Nagkaroon ng expression ang mukha nya. But still, his eyes was so cold.

"Okay." Mahinahon kong sabi.

"Athena, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Bilin ni Humphrey kay Athena.

Tumango na lang si Athena bilang pagsang ayon.

Mahigit isang oras naging tahimik ang klase. Nung lunch time ay sama sama kami nila Vanessa kumain.

Nung tapos na kami ay nagpaalam na muna ako.

"Vanessa, mauna na kami ni Athena sa inyo. Salamat sa lunch." Paalam ko.

"Okay. Sige." Sabi ni Vanessa sabay ngiti.

Tapos ay lumabas na kami ni Athena ng cafeteria.

"Amethyst saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Athena ng makalabas kami ng cafeteria.

"Kay sir Madrid." Matipid kong sagot.

At nanahimik na lang sya hanggang sa makarating kami sa may faculty room. Nakita naman namin si sir Madrid na may inaayos na libro sa table nya.

"Sir Madrid!" Tawag ko sabay lakad papunta sa kanyang table.

"You should be Amethyst, right? What are you doing here?" Tanong nya.

"Sir nagresign na po ba kayo?" Malungkot kong tanong.

Sana hindi. Sana hindi. Sana hindi. Sana hindi. Sana hindi.

"Hindi. Inilipat lang ako ng ibang year na tuturuan." Paliwanag ni sir Madrid.

"Hay salamat." Sabay naming sabi ni Athena sabay buntong hininga.

"By the way sir, ako na po ang humihingi ng sorry sa ginawa ni Ethan." Sabi ko.

"You don't need Amethyst. Thank you sa pagtatanggol mo sakin." Nakangiti nyang sabi.

"Wala po yun sir." Sabi ko sabay ngiti.

"O sya sige na. Bumalik na kayo sa classroom nyo at baka malate pa kayo sa next subject nyo." Sabi samin ni sir Madrid.

Death Between Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon