Chapter 7: The Last Preparation

3K 111 64
                                    

Hi! Ayan na.. Nakapag-update na ren ako sa wakas! Hahah! Xd. Sorry kase di ako nakapag-update kahapin! Thanks sa lahat na patuloy sa pagvote.. Labyah!


AKEMI'S P.O.V.

Ito na ang Last Day of Preparation namin para sa contest. Kinakabahan na kami kasi bukas na ang contest.

Kaya pinayagan na ng department na pumasok ang girls at boys sa bawat dorm para makapaghanda na sa talent portion. Pero ngayong araw lang.

Kaya naman nandito kami ngayon sa boys dorm.

Buti nga at nagkabati bati na rin kami kahapon dahil kay Taiga.

Ang hindi lang namin maintindihang mga babae ay kung bakit galit na galit sila kay Taiga.

"Guys... Pano na kayo? Anong itatalent nio? Ano ba kasing mga tinatago niyong talent diyan sa singit niyo guys! Sabihin nio na!" Kanina pa kami pinipilit ni Akane na sabihin ang mga talent namin.

"Ah eh.. Nee-san. Marunong akong magpinta. Di ba alam niyo naman yun?" Sabi ni Riye.

"Ako naman marunong akong mag magic! Hehe. Sensya na kayo! Yun lang talaga ang alam kong talent. Di ba Ken? Napanood mo nanaman akong mag magic di ba?" Sabi naman ni Reiji.

"Haha. Oo pre. Kaso yung magic mo.... halata yung duga! Hahaha! Niloloko lang naman kita noon na ang galing galing mo eh! Whahahah!" Natatawang sagot ni Ken.

"Pano yan! Diba dapat related ang talent ng magpartner kase magkasama sila sa talent? Tulad namin ni Ken dati. Nagsarswela kaming dalawa. Kaya dapat related." Pagpapaliwanag ni Akane.

"Sumayaw na lang kaya kayo Riye? Marunong naman kayo parehong sumayaw eh." Sabi ko.

"Ako? Nee-san? Marunong sumayaw? Hindee!" Pag depensa niya.

"Wag ka ng magsinungaling Riye! Nakita na kitang sumayaw ng ballroom sa St. Joseph!" Pang-aasar ko kay Riye.

"Hala nee-san! Napanood mo yun!?"

"Oo naman Riye! Galing galing mo nga eh! Tapos ikaw den Reiji. Marunong ka den naman sigurong sumayaw diba?" Sabi ko.

"Ah... Sumasayaw ako... Dati.. Pag trip ko lang! Pero ballroom?? Di ko lang alam!" Sagot niya sakin.

"So. Tapos! Ballroom na ang sa inyo Riye at Reiji. Don't worry Reiji. Aalalayan ka naman ni Riye. Just go with the flow. Eh yung inyo Akemi?" Kinabahan ako sa sinabi ni Akane.

Ano ba ang talent ko? Talent niya? Talent namin?

"I guess.... we can sing."

WHAT! HIRO? sing? Are you sure?

"Oo tama! Bagay ang singing sa inyo ni Hiro! Sahil marunong maggitara si Hiro, Akemi!" Sambit naman ni Ken.

"So kung maggigitara si Hiro? Ano? Ako ang kakanta?" Tanong ko sa kanila..

Wag naman sana.

Ayokong marinig nila ang boses ko! Di ko nga alam kung magaling akong kumanta eh. Although sinasabi ni mama dati yung mama ni Hiro na may boses daw ako... No way.. Pano na ba toh.

"Kumakanta ren ako Akemi. So pwedeng tayong dalawa ang kumanta."

Yan ka nanaman Hiro eh. Jusme..

"Parinig nga kami ng boses mo Akemi!" Sabi ni Akane.

"Ah-ah. Kase.. ayoko." Yun lang ang sinabi ko.

"Di pwedeng ayaw mo Akemi. Last day na to! Wala ng bukas para magpractice. Kaya sige na kumanta ka na!" Utos sakin ni Akane.

ATAMA: The Life (Tantei High Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon