032

345 64 16
                                    

"I-I'm Hope. Nice to meet you Flan."

'Di mapigilang makilig ang dalaga sa sinabi ng binata. Oo, natutuwa siyang tinawag na flan. Pero biglang napa-isip ang dalaga,

'nakikita mo ba ang nickname mo sa messenger?'

Hindi mapigilan ng dalaga mag-isip na mga scenario na baka, hinack siya ni Bebe Choo Choo. Pero, naalala niya, si Kuya France. Siya yata ang may dahilan kung bakit alam ni Hope. Hindi na namalayan ng dalaga na hindi pa siya nagpapakilala sa binata.

Sa sobrang tagal na hindi nakapagsagot si Vanille, tila nalungkot ang binata. Akala niya na hindi siya pinansin. Nagtaka rin ito dahil alam niyang may gusto ang dalaga sa kanya.

Biglang ngumiti ang dalaga at nag-sorry. "Sorry ha, marami lang kasi akong iniisip." Ngumiti ang dalaga causing Hope to blush.

"O-okay lang." sagot niyang matipid.

"Hi? Hello? Annyeong? Nandito na yung stop ko bye." sabi ng binatang kababata ni Vanille na tila ba naiinis dahil sa dalawang yun.

"W-wait 'wag mo akong iiwan-" Ayaw mapag-isa ang gwapong binata dahil sapagkat nahihiya sa dalagang kaharap niya.

'Pasalamat ka kaibigan kita. Kung hindi masasapak talaga kita.' sambit ng lalake sa sarili. Hindi niya pinansin yung kaibigan niyang lalake na kinakabahan dahil sa babaeng kaharap niya.

"Um, Hope, ano pala yung gusto mong sabihin saken?" tanong ng dalaga.

Huminga ng malalim ang binata, 'It's now or never.' bulong ng binata sa sarili.

love train » chae hyungwonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon