Enchanting To Meet You

2.9K 145 20
                                    

"Nanay, tawag ka po ni Tatay."

Huminto ako sa pag-aayos ng pinaghigaan ng mga bata nang tawagin ako ni Kiko. Anim na araw na kami sa shelter. Sa ilang araw na pananatili at kalokohan ng mga kasama namin na volunteer, naging Nanay ang tawag sa akin ng mga bata. Tatay naman ang tawag nila kay Rhapsody. Naiilang talaga ako pag tinatawag nila kami ng ganoon. Pero, dahil natutuwa naman ang mga bata, hinayaan ko na lang. At least, kahit papaano ay may natatawag silang nanay at tatay.


Ngumiti ako kay Kiko. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto. Dumiretso kami sa may lamesa. Napansin kong may malaking tela na nakatakip doon na umaabot sa lapag. Agad naman na gumapang si Kiko papunta sa ilalim ng mesa. Sumunod ako sa kanya. Pagpasok ko ay sumalubong agad sa akin ang nakangising si Rhapsody. Nakabukas ang isang maliit na flashlight kaya kita namin ang isa't-isa kahit medyo madilim dahil sa telang pangtakip.


"Anong meron?" Tanong ko sa dalawa.


"Surprise po." Sagot ni Kiko na mukang excited din. Natutuwa talaga ako sa kanya dahil nagsasalita na sya. Nakikisali na din sya sa ibang mga bata.


"Ready ka na ba?" Mukang excited si Rhap.


I gave him a questioning look. Hindi na sya nagsalita. Pinatay na lang nya yung flashlight. Dumilim na sa kinaroroonan namin. Ngunit may nakaagaw ng pansin ko. Tumingala ako.


"Stars..." I blurted.


Nakadikit sa taas ang mga glow in the dark stars. Iba-ibang size at kulay. Ang ganda tignan. May narinig akong pumapalakpak. Siguro ay si Kiko iyon.


"Ganda, Nanay!" Natutuwang sabi ni Kiko.


"Maganda talaga ang nanay 'no, anak?" Rhapsody spoke. Nangunot na naman ang noo ko. Lagi talaga akong binibiro ng lalaking 'to.


"Pati din mga stars, Tatay." Sagot ni Kiko.


"Nag-thank you ka na ba sa tatay mo? Pinaganda nya itong bahay-bahayan mo." Bumaling ako kay Kiko.


"Kami ni Tatay naglagay ng stars. Surprise namin sayo, Nanay. Bahay natin 'to eh." Paliwanag ng bata.


Para namang kumabog ulit ang puso ko. Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya kaya tumingin ako ulit sa glow in the dark stars. Binuksan ulit ni Rhapsody yung flashlight kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang muka nya. Bahagya pang nakakunot ang noo. He was looking at me as if he's trying to figure me out.


"Thank you for doing this. Napasaya mo si Kiko." I said to make it less awkward. Hindi sya sumagot. "Pati na din ako." I added and smiled.



"No worries. Uhm... Aalis pala ako ngayon. Pupunta ako ng plaza. Pinapatawag daw ako sa opisina ng konsehal."


"Ah. Okay. Pumunta ka na kaya? Baka ma-late ka."


"Gusto mo ba sumama?" Tanong nya sa akin.



Umiling ako.



"Wag na. Dito na lang ako sa shelter. Wala naman akong gagawin dun eh."



"Sige... Alagaan mo na lang ang mga anak natin dito. Maghahanap buhay muna ako para sa kinabukasan nila." Sabi nya na para talaga syang padre de pamilya.


Natawa naman ako sa litanya nya.


"Ikaw talaga. Feel na feel mo ang pagiging tatay. Baka mamiss mo yan pag balik sa Manila."


"Mamimiss ko naman talaga. Lalo na yung nanay." Medyo pabulong pa yung huli nyang sinabi pero dinig ko rin naman. Niloloko na naman nya ako.


When We Were YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon