Maagang nagising si Julie upang tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ni Elmo. Bumaba siya sa kusina at nakita niya na nagsisimula na mag hiwa at magluto ang mga tao dun. Nakita niya si Mang Mac kaya agad niya itong nilapitan.
Julie : Goodmorning po Mang Mac ;))
Mang Mac : Kayo po pala Ms. Julie, Goodmorning din po.
Julie : Mukhang busy ho tayo ah..
Mang Mac : Marami kasing pupunta dito mamaya. Bukod sa birthday ni Young Master eh fiesta din.
Julie : May maitutulong ho ba ko ?
Mang Mac : Naku Ms. Julie magpahinga nalang ho kayo sa kwarto kaya na namin toh.. ;)) At tska baka magalit pa si Young Master kung hahayaan ka namin tumulong sa amin.
Julie : Hindi naman po magagalit si Moe. Sige na ho kasi wala naman po akong ginagawa …
Mang Mac : Sigurado ho kayo ?
Julie : Oo naman po ;))
Mang Mac : Osige ganito kayo nalang ho ang bahala sa desserts.
Julie : Ayy sige po ! kami ng bahala dyan ng bestfriend ko ! ;)) Ano nga po pala ang mga dessert na gagawin ?
Mang Mac : Buko Pandan,Cream Caramel,Banana Split,Fruit Salad at Ice Cream.
Julie : Madali lang po yan ! kami na po ang bahala ! ;))
Mang Mac : Osige po. Pero kung kailangan niyo ng tulong tawagin niyo lang po kami.
Julie : Sige po ! ;)) Uhmm Mang Mac ? wala po bang cake si Moe ?
Mang Mac : Wala po kasi hindi kami nakatawag dun sa bakery na gumagawa ng cake na gusto ni Young Master.
Julie : Ano po bang favorite cake niya ?
Mang Mac : Strawberry Cake.
Julie : Ako nalang po ang gagawa !
Mang Mac : Marunong kang mag bake ?
Julie : Opo ;))
Mang Mac : Osige po ;))
Julie : Sige po Mang Mac gisingin ko lang po yung bestfriend ko. At tska Mang Mac kung pwede po sana hindi ako makita ni Moe na gumagawa ng cake niya ah..
Mang Mac : Osige po Ms. Julie :))
Umalis muna si Julie at iniwan si Mang Mac. Bumalik siya sa kwarto nila ni Maqui at nakita niya na gising na ang bestfriend niya.
Julie : Oh gising ka na pala !
Maqui : Ay hindi tulog pa ko Julie tulog pa ko !!!
Julie : Baliw ! ;))
Maqui : Ang aga mo naman magising ! Excited ka masyado sa birthday ng Moe mo ! So ano ikaw ang may birthday napaka excited mo !
Julie : Ehh ! para makatulong tayo !
Maqui : Ano bang gagawin natin ?
Julie : Tulungan mo ko gumawa ng desserts ;))
Maqui : Yun lang pala ! madali lang yan ! hahaha !
Julie : Korekkkk !! ;))
Maqui : So ano tara na ? game ka na ?
Julie : Oo naman ! Sinabi ko din pala kay Mang Mac na ayokong makita ako ni Elmo na gumagawa ng cake niya. ;))
Maqui : Antaraaaaay ! ;)) Osya magsimula na tayo !
Nagsimula na gumawa ng desserts si Maqui at Julie. Late na ng magising si Elmo dahil madaling araw na ito natulog. Tiningnan niya ang orasan at nakita niya na 11:00 na. Agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagsimula ng maligo. Nang matapos ay nagbihis na siya. Habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin nakita niya ang relo na niregalo sakanya ni Julie. Kinuha niya ito at tiningnan.