Ang nangyari kagabi na atah ang pinaka masayang araw para kay Elmo at kay Julie. Lalo na sa part ni Elmo dahil hindi naman talaga niya inaasahan na makakatanggap siya ng isang halik mula kay Julie. Umaga na at mukhang wala talagang balak na bumangon si Elmo sa pagkakahiga niya sa kama niya.
Elmo : *nakahiga lang*
Soft Lips…..Red Lips…..Julie Anne’s Lips…..
Paulit ulit na binabanggit ni Elmo ang salitang Lips dahil nga hindi niya talaga makalimutan ang halik ni Julie sakanya. May mga oras pa nga na tatawa tapos ngingiti ngiti ito mag-isa at minsan pa ay parang sinasapian dahil nangingisay pa ito sa kama niya. Sa kabilang kwarto naman ay isang dalaga na halos itago na atah ang sarili sa loob ng bag dahil sa nararamdaman nitong hiya.
Julie : Maq!!!!!!!!!
Maqui : Oh ? bakit ka ba nandyan sa maleta ?
Julie : Maq , itago mo nalang kaya ako dito?
Maqui : Wow para namang kasya ka dyan.
Julie : Ehhhh !!! sa closet kaya? o kaya naman sa ilalim ng kama?
Maqui : Teka nga sandali , bakit ba gusto mo magtago ha? sino ba pinagtataguan mo?
Julie : Uhm..si Elmo.
Maqui : Elmo? bakit naglalaro ba kayo ng tagutaguan ni Elmo ?
Julie : Hindi…
Maqui : Nag-away kayo ?
Julie : Hindi..
Maqui : Napahiya ka sa harapan niya?
Julie : Hindi din..
Maqui : Eh ano?
Julie : Hina….Hinal…..Hinalikan ko siya. *yuko*
Maqui : Halik ? hinalikan mo siya? Sus halik lang pala eh…
Julie : *tumingin kay Maqui*
Maqui : *kamot sa ulo* Ikaw talaga halik lang yun…..*napatigil* Wait , halik ? as in halik ? choppy ba ko? Loading ? GAAAAAAAAAAAAAAH !!! *binato ng unan si Julie*
Julie : aray naman !
Maqui : Landi moe ! at ikaw pa talaga ang nanghalik ah? ganda mo eh noh!
Julie : Maq !!!! *hinahampas yung ulo niya ng magazine* Anong gagawin ko?
Maqui : Anong ano ang gagawin mo ?
Julie : Paano ko siya haharapin ?
Maqui : Edi humarap ka sakanya.
Julie : Ehhh !!! hindi naman yun ! nahihiya kasi ako sakanya !
Maqui : Bakit naman ?
Julie : Hello ! ako kaya yung nanghalik sakanya !! *tinuro ang sarili* Ako! Ako mismo ang gumawa ng move !!!!! waaaaaaaaaaaaah !!! nakakahiya talaga!
Maqui : Hayaan mo na sure ako gusto din niya yun!
Julie : Maqui naman eh !!!
Maqui : Gaga ka! ano pang magagawa mo eh nangyari na nga! hindi mo na pwede mabawi yun! Teka , paano ba nangyari yang mahiwagang kiss na yan?
Julie : Ano….uhm…ang sweet kasi niya eh….tapos….tapos ang dami dami na niyang ginagawang effort para sakin..kaya….kaya naisip ko na suklian lahat ng kabaitan at pagmamahal na binibigay niya sakin…
Maqui : at sa pamamagitan ng halik yun ?
Julie : Wala na kasi akong maisip na iba. Kaya ayun hinalikan ko siya.