CHAPTER ONE

12 0 0
                                    

Nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko. "Katniss anak, gumising kana."

"Nanay? Anong oras na po?" Tanong ko at sumandal sa headboard ng kama.

"5AM, anak. Maligo kana baka ma-late ka sa bago mong school. First day mo pa naman." Tumango ako kay Nanay at pumasok na sa banyo.

Ako nga pala si Katniss Summer, eighteen years old na ako pero third year high school pa lang ako. Palagi kasi akong bumabagsak sa dati kong school. Palagi kasi akong binubully. Kapag lumalaban naman ako, palaging ako yung lumalabas na masama. Kaya lumipat ako ng school.

Mahirap lang kami. Tatlo lang kaming magkasama sa bahay. Wala kasi si Tatay, naghanap daw ng iba. May kapatid akong lalaki. Twenty eight years old na si Kuya Pedro. Tinutulungan ni Kuya si Nanay magtinda ng gulay sa palengke.

Nagbihis na ako ng school uniform ng bago kong school. (Nasa multimedia po yung itsura nung uniform.)

Nagpuyod ako ng buhok at sinuot ang salamin ko. Nerd ako? Uhm mukha akong nerd dahil sa salamin at braces ko. Kapag ba nakasalamin at nakabrace, nerd na agad? Hindi ko alam, depende sa iyo kung nerd ako o hindi.

Lumabas na ako ng kwarto at sinabayan si Nanay Sonya at Kuya Pedro kumain.

"Pedro, kelan kayo magpapakasal ni Nene?" Tanong ni Nanay.

Nag angat ako ng tingin kay Kuya at uminom ng tubig. "Oo nga Kuya. Sampung taon na kayo ni Ate Nene, bakit hindi pa kayo magpakasal?" Tanong ko din kay Kuya. Tumigil siya sa pagkain at tumingin kay Mama bago sa akin.

"Nay, Katniss, alam niyo namang kulang pa ang ipon ko. Tsaka gusto ng Nanay ni Nene na ipaayos muna ang bahay nila bago kami magpakasal." Sagot ni Kuya sa amin.

"Ipaayos ang bahay nila? Sino ang magpapaayos? Ikaw Pedro?" Tanong ni Nanay at itinigil na din ang pagkain.

"Hindi Nay, si Nene. Eh, wala ding ipapampaayos si Nene. Kulang ang ipon niya." Sagot ni Kuya at sumubo ng tinapay na sinawsaw sa kape.

"Tiga-ayos pa din ba ng buhok si Ate Nene dun sa salon ni Aling Sita?" Tanong ko kay Kuya. Tapos na akong kumain. Tumango lang ito.

"Kung gusto mo dun siya magtrabaho sa amin----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat si Nanay.

"Anak hindi pwede. Hindi niya alam ang tungkol doon." Seryosong sabi ni Nanay.

"Sige na Katniss, pumasok ka na sa eskwela." Sabi ni Kuya nang hindi nakatingin sa akin.

"Ingat ka anak..." Sabi ni Nanay. Humalik ako sa pisngi niya at nagsimula ng maglakad papunta sa aming school. Malapit lang naman ito, tsaka sayang sa pera kung sumakay pa ako ng tricycle.

"DIRHAM UNIVERSITY" Basa ko sa pangalan ng school namin.

"Goodmorning Ma'am Kat--" Pinigilan ko magsalita ang guard at nagpatuloy sa pagpasok sa gate.

"Nerd? Yuck!"

"OMG! She's so kadiri!"

Napailing nalang ako sa sinabi nung dalawang babae at nagpatuloy sa paglalakad. Madali akong nakarating sa classroom dahil sinundan ko yung babaeng kaparehas ko ng I.D. lace. Color black ang kulay ng sa section namin. Iba iba daw kasi ang kulay bawat section.

Section Gangster ako. Nakakapagtaka nga eh, ang weird nung section name. Pumasok na ako sa classroom. Inilibot ko ang tingin sa buong room. Nagsasapakan ang mga lalaki sa likod. Napadpad ang tingin ko sa grupo ng mga babae. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang nakatutok sa akin ang hawak na baril nung isang babae.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ako palabas o tutungo o ewan ko! Nababaliw na ba siya?! Bakit niya ako tinututukan ng baril??

"BANG!"

-----------

HELLO PO! SALAMAT PO DAHIL SINUBUKAN NIYONG BASAHIN ITO! PROMISE PO, KAHIT BAGO PA LANG AKO EH PAGBUBUTIHIN KO PO! SANA PO MAGVOTE AT COMMENT KAYO HEHE. THANK YOU PO!

TWITTER: MMMMYCA

INSTAGRAM: MMMYCA

MWUAH! :*

HIDDEN LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon