CHAPTER FOUR

7 0 2
                                    

CLOUD'S POV

"D--don't leave me, please." Nakatungong sabi ni Katniss. Hinawakan ko ang baba niya, "I won't." Sabi ko at nginitian siya.

Napangiti naman siya, "T--t--thank you."

*Dugdugdugdugdugdugdugdug*

Ginulo ko ang buhok niya at umupo sa tabi niya.

Bakit nagagandahan ako sa kaniya?

"Masakit?" Tanong ko.

Napakunot ang noo niya. "Huh? Alin?"

Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.

"Yung tagiliran at braso mo, diba nabaril ka? Nakalimutan mo na?"

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"Ah! Eto? Hindi! Uhmm, I-i mean o--oo! Masakit, syempre naman ehehehe" Napalunok siya ng ilang beses at napaiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko at tinitigan siyang mabuti.

Who are you, Katniss?

"Tayo ka muna, Cloud." Napalingon kaming dalawa kay Nurse Emily. Tumayo ako at binitiwan ang kamay niyang kanina pa nakahawak sa akin.

"Katniss, bumaon ba sa tagiliran at braso mo ang bala?" Tanong ni Nurse Emily habang nagsusuot ng gloves.

"Ah, o-opo."

Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Katniss, bakit parang wala lang sa kanya? Hindi ba niya nararamdaman ang sakit? Ibang klase. Kung ibang babae yan, kanina pa 'to ngawa ng ngawa. Napailing ako sa naisip ko.

"Wait. Wala manlang pampamanhid?" Takang tanong ko nang mapansin na hihiwain ni Nurse Emily ang tagiliran ni Katniss.

"Hindi na kaylangan Cloud, matagal na akong manhid." Nakangising sabi ni Katniss.

"Ah, naubos na kasi Cloud. Ayos lang naman sa'yo Katniss diba?" Sagot ni Nurse Emily.

Tumango tango si Katniss.

Dahan dahang hiniwa ni Nurse Emily ang tagiliran ni Katniss. Napansin kong napangiwi si Katniss kaya naman hinawakan ko siya sa kamay. "Manhid pala ha." Asar ko.

"Ikaw kaya hiwain ko diyan!"

Umiling lang ako habang natatawa.

Nakatingin lang sa kisame si Katniss habang kinukuha ni Nurse Emily ang bala sa katawan niya. Ako naman, tinititigan ang bawat detalye sa mukha niya. Maganda pala siya kapag walang suot na salamin. Napansin kong namula ang mga pisngi niya, napakunot ang noo ko.

Tinahi na ang hiwa sa katawan niya at nilagyan ng benda ang kanang braso niya.

"Dito ka na muna Katniss at magpahinga." Basag ni Nurse Emily sa katahimikan habang inaayos ang mga gamit.

"Thank you po Tita err.. Nurse Emily."

Napakunot ang noo ko, Tita?

Umalis na si Nurse Emily at iniwan kami dito ni Katniss.

Bakit tinawag na Tita ni Katniss si Nurse Emily?

Nagkamali nga lang ba siya or?

Natigil ako sa pagiisip nang bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Pwede ka na umalis." Nakangiting sabi niya. "Oras ng klase ngayon, kaya ko na mag isa." Dagdag pa niya.

Tinitigan ko muna siya saglit bago tumango. "Take care." Pumikit siya nang marahan saka tumango.

KATNISS' POV

Idinilat ko ang mga mata ko pagkalabas niya. Nagbuntong hininga ako at bumangon. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Don't do that again."

Napalingon ako kay Nurse Emily na nasa pintuan nitong room.

"What? I'm not doing anything." Inosenteng sambit ko bago ngumisi.

"Kapag naisiwalat na, hindi mo na maitatanggi pa." Seryosong sabi niya. Nawala ang pagkakangisi ko sa sinabi niya.

"I know.."

"Be careful to trust anyone, Katniss."

"KATNIIISSSSS! MYGOSSSHHHH!"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Megan. Lumabas naman si Nurse Emily.

"ARE YOU OKAAAY?! INIWAN KA NI KUYA? NASAN SI KUYA?"

Nginitian ko siya, "Okay lang ako Meg." Umupo siya sa kama at tinitigan akong mabuti.

"Ka-kamusta si Grace?"

"Okay lang siya! Ikaw! Ikaw, ang hindi okay! Ba't ka ba iniwan ni Kuya?" Sunod sunod niyang sabi.

"Ano ka ba? Pinapunta ko na si Cloud sa klase niya..."

Tumango-tango siya at tumingin sa paligid. "Sige na Meg, punta ka na din sa klase mo. Kaya ko na 'to."

"Sure ka?" Nag-aalangang sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Okay.."

Napabuntong hininga ako.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.

MEGAN'S POV

"Ay! Nakalimutan ko yung libro ko!" Sabi ko sa sarili ko at tinampal ang noo ko.

"Don't worry about us.. Yeah, Love yah."

Napakunot ang noo ko, sino ang kausap ni Kat?

Pumasok na ako sa loob, parang nagulat siya? Hmm..

"Ah, Kat! Naiwan ko yung book ko, kukunin ko lang hihi."

Tumango lang siya at pumikit. Umalis na uli ako at dumiretso na sa aming classroom.

HIDDEN LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon