CHAPTER FIVE

10 0 0
                                    

Inayos ko ang mga gamit ko na nakalagay sa desk ng armchair ko at inilagay ang mga ito sa loob ng aking itim na bag. Kaka-dismiss lang sa amin ng last period teacher namin ngayong umaga.

"Tara na?"

Tumango ako kay Megan at tumayo na. Isinukbit naman niya ang mga braso niya sa kanang braso ko. Hindi na naka-benda ito, bago pa man ako umuwi kahapon ay tinanggal na ni Nurse Emily. Dumiretso kami sa cafeteria, inilagay ko ang bag ko sa upuan at sabay kaming pumila.

"Kat, punta ako sa bahay niyo ha!"

Natigil ako sa pagsubo ng strawberry cheesecake ko at tinignan siyang nakangiti sa akin. "Uh..ano namang gagawin mo sa bahay? Tsaka maliit lang 'yun at masikip."

"Magpapatulong sana ako sa'yo sa assignment natin. Ayos lang sa'kin kahit maliit lang ang bahay niyo, ano ka ba!" Nakangiti pa'din na sabi ni Megan.

Tumango tango ako, "Okay.." Nginitian ko siya at kumain nang muli.

"Talaga?! Pwede ko ba isama sila kuya?" Nagagalak na sabi niya.

Uminom ako ng iced tea at tinignan siyang muli. "Magpapaturo din sila?" Mahirap kasi yung ibinigay na assignment namin sa Math. Hindi naman ako magaling sa asignaturang iyon pero nakakaintindi naman ako. Para san pa at inaasar akong 'nerd' diba?

Tumango tango siya. Ipinagdikit niya ang dalawang palad niya at nag-puppy eyes, "Promise..hindi kami magkakalat sa bahay niyo!" Natawa ako sa itsura niya. "Bahala ka.."

Nanlaki ang mga mata niya, ''Talaga? Thank you!'' Nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin.

''Ang bait mo talaga bestfriend!'' Sabi niya habang nakayakap pa din. Tinignan ko siya.

Bestfriend..

Siya ang unang tao na tumawag sa akin niyan. Kahit madaming school na akong napasukan, never pa akong nagkaroon kahit kaibigan manlang. Sino nga naman ba ang makikipagkaibigan sa isang tulad ko? Isa lang naman akong nerd sa paningin nila.

Nginitian ko siya. ''Comfort room lang ako.''

Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Tumayo na ako at pumunta na sa comfort room. Nagulat ako nang may biglang humila sa akin papasok sa cr.

''At talagang kinakaibigan mo si Megan!?'' Napatingin ako kay Grace at sa mga alipores niya.

Nginitian ko siya, ''Wala namang masama sa pakikipagkaibigan sa kanya..''

Umirap siya, ''Masama 'yun! Ang pangit mo! Hindi mo siya pwede kaibiganin!''

Hindi ko siya pinansin at pumasok sa isang cubicle. Nagulat ako nang may humampas sa pinto, ''Hindi pa tayo tapos!''

''Nak, sigurado ka ba dito?'' Napalingon ako kay nanay, inilapag ko ang salamin ko at ngumiti.

''Opo..'' Ngumiti si nanay at lumabas na ng kwarto ko.

Nagsuot ako ng pantalon na kupas, puting damit at tsinelas. Naglagay din ako ng pabango na bigay ni kuya Pedro. ''Tipidin mo 'yan at pinag-ipunan kong bilhin 'yan.'' Naalala kong sabi ni kuya pagkabigay nitong pabango. Iniayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko at isinuot ang salamin.

Susunduin ko kasi ng alas nuebe sila Megan sa school. Ngayong Sabado kasi sila magpapatulong sa assignment namin. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

''Hi Kat!'' Nagulat ako nang makita ko si ate Nene na nakaupo na, katabi niya si kuya. Tinitigan ako ni kuya ng masama. Ibinalik ko ang tingin ko kay ate Nene. ''Ate! Ngayon nalang uli kita nakita.'' Umupo ako sa harap ni kuya.

''Oo nga eh, kuya mo kasi!''

''Bakit ate? Ayaw kang papuntahin dito?'' Natatawang sabi ko. Napatingin ako kay kuya Pedro nang sipain niya ako sa paa. Pinandilatan niya ako ng mata at tumikhim.

''Kain na tayo mga bata.'' Umupo na si nanay. Kumain na kami.

Inayos ko ang salamin ko bago naglakad muli. Malapit na kasi mag alas nuebe. Natatanaw ko na sila Megan na nakatayo malapit sa gate. Nginitian ko sila at binilisan pa ang paglakad.

''Katniss!!!'' Napalingon ako sa likod ko at nakita si Lando na tumatakbo papunta sakin. Napailing ako, para talaga siyang bata! Magkasing tanda lang naman sila ni kuya, pero parang hindi siya 23 kung umasta. Lalo na sa harap ko!

''Kat, saan ka pupunta? Samahan na kita!'' Ngiting ngiti na sabi niya.

Bago pa man siya makalapit sa akin, biglang may humila sa akin. Napapikit ako sa nangyari at napahawak sa binagsakan ko. Naramdaman kong nalaglag ang salamin ko.

''Katniss!! Ayos ka lang?'' Napadilat ako nang marinig ang boses ni Megan sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Cloud na nakahiga sa ilalim ko. Nakangisi ito sa akin at tumataas-taas ang kilay. Namula ang pisngi ko at napalunok.

''Sorry..'' Dahan-dahan akong tumayo at tinulungan ni Lando. Napansin ko ang nakatigil na kotse, siguro'y muntik na akong mabangga. Tinitigan ko itong mabuti. 'Why are you here?' Nakakunot noong tanong ko.

'Just checking on you.' Napailing ako. Umandar nang muli ang kotse.

''Hoy! Muntik mo nang mabangga ang Katniss ko!'' Paghabol ni Lando sa kotse.

''Katniss ko? Tss...'' Napatingin ako kay Cloud at kay Grace na pinupunasan ang pawis niya.

''Sino siya Kat?'' Pagnguso ni Megan kay Lando.

''Ah! Si Lando--''

''Your boyfriend?'' Mabilis akong umiling kay Wafer.

''Pinsan ko..'' Sabi ko nang nakatitig sa mga kulay dagat niyang mata. Napangisi siya at tumango.

''Let's go na to your house! Mygosh, ang init!'' Naiiritang sabi ni Grace at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

''Sabi ko naman sa'yo maliit lang ang bahay namin.''

''Magpapaturo lang kami ng assignment Kat, hindi namin kailangan ng malaking bahay!'' Napatango si Wafer sa sinabi ni Megan. Nginitian ko sila at inilapag ang pitsel na may laman na 'nestea' na binili ni Lando.

''Let's start.'' Napatingin ako kay Cloud na seryosong nakatingin sa akin. Tumango ako at umupo sa lapag katabi si Megan at Wafer. Sa harap nami'y si Cloud at Grace. Mabuti nalang at naglinis ako ng sahig kanina pagkagising ko. Nagsimula na akong magturo sa kanila. Panay lang ang tango nila sa bawat pagsasalita ko. Ilang beses ko na din narinig na humikab si Grace.

''How to solve this again?'' Napalingon ako sa katabi kong si Wafer. Tinignan ko ang itinuturo niya at sinabi na sa kanya kung paano.

''Okay na?''

Napatingin ako sa kanya nang hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.

''Stop flirting in front of me.'' Napaiwas ang tingin ko kay Wafer at tinignan si Cloud na nakakuyom ang panga.

HIDDEN LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon