CHAPTER SIX

14 0 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin sa mga mata ni Cloud na nakatitig habang nakakunot ang noo. Bakit ba siya ganyan? May Grace na siya diba! Napatingin ako kay Grace, nakatungo na siya ngayon sa lamesa.

''Kuya, they're not flirting kaya!'' Tumango tango si Wafer kay Megan.

''Meg's right, kung alam mo lang pare..'' Napatingin akong muli kay Wafer, kinindatan niya ako at ngumisi.

''Whatever.'' Ani ni Cloud at umirap. Anong problema nito? Nagpatuloy na ako sa pagtuturo sa kanila at hindi na pinansin si Cloud.

''Anong nangyayari?''

Walang pumansin sa kakagising lang na si Grace, busy kasi sa pagsasagot sa aming homework. Naintindihan nila agad lahat ng tinuro ko. Hindi ko lang alam kay Grace na tulog habang ako'y nagpapaliwanag. Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng ipakain sa kanila. Kaso, ang laman lang ng ref namin ay isda at itlog.

''Bili tayo sa labas?'' Napatingin ako sa biglang nagsalita sa likod ko na si Wafer. Isinarado ko ang ref at nginitian siya.

''Saan kayo pupunta? Sama ako!'' Ngiting ngiti na sabi ni Megan, habang nakatingin kay Wafer na diretso ang tingin sa pinto. Hmm..I smell something..

Tumikhim si Cloud at padabog na umupo sa kahoy na upuan, baka pag nakita 'to ni nanay ay pagalitan 'to. Luma na ang upuan na iyan at kung makaupo siya'y parang siya ang bumili!

''Ako nalang ang sasama.'' Dire-diretsong lumabas si Grace, kaya nama'y sumunod na kami ni Wafer.

''Na-miss kitang babaita ka!'' Nagulat ako nang yakapin ako ni Grace, nakalayo na kami sa bahay at nandito na kami sa kabilang kanto. Natawa ako at unti-unting niyakap siya pabalik.
''I missed you too..''

Naghiwalay na kami sa pagkakayakap, umakbay sa amin si Wafer. ''Reunion?'' Natatawang sabi niya. Napahagikgik kaming dalawa ni Grace.

''Tagal niyo guys!'' Salubong sa'min ni Meg at kinuha ang supot na hawak ko. Pumasok na kami sa bahay. Bumili kami ng burger sa Angel's Burger at softdrinks. 'Yun lang kasi 'yung mabibilhan dito sa amin.

''Kat saan kwarto mo dito?'' Napatingin ako kay Megan.

''Gitnang pinto.'' I lazily said.

''Okay..''

Napatayo ako ng makitang papasok siya doon. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya at inunahan siya sa paghawak ng door knob. Hindi siya pwede pumasok! 

'What's wrong?' I heard Wafer's voice in my head.

'I forgot to hide my weapons..' I answered back.

Nagulat si Meg sa ginawa ko. ''Why, am I not allowed to get inside Kat?

Umiling ako, ''Madumi sa loob..'' I lied. I'm sorry Meg, I have to do this.

''Meg don't you know the word 'privacy'?'' Pangangaral ni Cloud. Napasimangot si Meg at tumungo, bumalik siya doon.

Pumasok ako sa kwarto at ini-lock agad iyon. Kinuha ko ang mga nakakalat na weapons sa kama at inilagay sa secret door na natatakpan ng gray carpet.

Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto kung may 'hindi dapat' makita sa kwarto ko. Bubuksan ko na sanang muli ang pinto ng makita ko ang nakahilerang fake braces sa tukador! Napatakbo ako doon, kinuha iyon at inilagay sa maliit na cabinet bago ini-lock.

Dali-dali akong lumabas, baka magtaka sila kung bakit matagal ako!

Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Wafer, ''Naitago mo na?'' bulong nito sa tenga ko. Napatingin ako dito at tumango, natigilan ako ng unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin..Nagulat ako ng may humila sa akin patayo!

''Woah! Easy dude!''

Paglingon ko ay si Cloud ito! Nakangisi si Wafer sa amin, inirapan ko siya. Hinila ko ang  kamay ko kay Cloud at naupo muli but this time, sa tabi na ni Meg. ''Problema ng kuya mo?'' Pabulong kong tanong dito.

''Jealous.."

Gulat akong napatingin dito, jealous?! Nakasimangot ito habang diretso ang tingin sa pinapanuod sa tv. 'I am too..' I heard what she said in her mind. Oo, naririnig ko lahat. I have the ability to read and hear what's in people's mind. Pero I shut it all the time para naman hindi ako mabulabog. And I know that some of my classmates have this ability to. But no one can read what's on my mind because I was trained how. We can talk too, using our minds!

I am too? What does she mean? She's jealous too? Omo! May gusto siya kay Wafer?!

''Pwede na ba akong pumunta sa  kwarto mo?'' Tumango ako kay Megan.

MEGAN'S POV

Tumayo ako at pumunta sa kwarto niya. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. Black, Gray and White ang lahat ng gamit niya. From black wallpaper, gray carpet na natatakpan ang buong sahig, white ceiling. Makikita agad ang kama niya na kulay gray, sa tabi nito ay bedside table na may nakapatong na white lamp. Oh! May mini ref din siya at aircon! I thought she's poor? Kaya siya scholar? Nevermind... May dalawang pinto sa gilid, which I assumed the bathroom and..walk in closet? Maybe.

''How's my room? Sorry medyo makalat.'' Nahihiyang sabi niya.

''Makalat? It's not! Ang ganda ng room mo! But why black, gray and white ang motif ng room mo? Mine's pink hihi.'' Naupo ako sa kama niya, ang lambot!

''Favorite color..'' Tumango ako. Kumuha siya sa ref ng c2 at iniabot sa akin ang isa. Umupo siya sa sahig at uminom. Uminom din ako. I want to ask her kung may gusto siya kay Wafer..I like him kasi since mga bata pa kami.

''No.'' Napatingin ako nang magsalita ito. Narinig ba niya ako? ''I have that ability too..''

''Seriously?! Why can't I read yours?'' Nagkibit balikat lang ito.
''So you like him? I knew it!'' Nakangising sabi niya. Namula ang pisngi ko. ''How did you know? Don't tell me narinig mo 'yung sinabi kong 'I am too'?!'' Tumango tango ito.

''Ang daya!!'' Natawa lang ito. Lumabas na kami at naupo sa tabi nila.

''What's with your face Meg? Hindi bagay sa'yo ang nakapout.'' Natatawang sabi ni Kuya Cloud. Lalo akong napa-pout dahil sa sinabi niya.

''Kasi naman si Katniss! She can read my mind and hear what I say in my mind! But I can't read hers!'' Sigaw ko. Napatingin silang lahat kay Kat na natatawa sa tabi ko. ''Is that true?'' Tumango si Kat kay Kuya Cloud.

'See? I told yah!'

'Whatever..' Kuya said.

'I know all your secrets..' Napatingin kami kay Kat na nakangisi.

'I know yours too..' Sabay na sagot ng magkapatid na Grace at Wafer. Guys sa isip lang kami nag uusap huh.

Anong sikreto ang alam ng magkapatid?

Hindi kaya..nagpapanggap lang si Kat? Pero bakit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIDDEN LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon