Thats Why

36.5K 700 16
                                    

 Flashback:

Habang naglalakad ako sa hallway ng school bigla na lang may dumamba sa aking likuran.

 "Besssy." napangiwi ako dahil sa kaniyang kabigatan, nangaling na naman siguro ito sa cafeteria. 

"Ano ka ba naman Charlotte Perez, napakabigat mo." humarap ito sa akin na naka nguso. Pero kalaunan ay ngumiti din ito at kumapit sa aking braso.

"Wag kang magsungit my bessy Angie, first day kasi eh halos malate ka na. Kanina pa ako nandito and it means na kanina pa din kita hinihintay. Ang isang tulad ko dapat na maganda hindi pinag hihintay ng isa-" I cut her using my hand. Oh that's my bessy Char. She have a loud and shotgun mouth. 

 Sabay niya akong hinatak. Napilitan naman akung sumabay sa mabilis niyang paghila sa akin. Yeah first day of school, we're 4th year high school. At dahil first day pakilala na naman sa harapan. Napabuntong hininga na lang ako.

 Lumipas ang ilang araw ng may makilala kaming lalaki, ang bago naming kaibigan na transferee si Bryant Lighty. He's charming, handsome na halos lahat ng mga babae ay pinagpapantasyahan siya, at dahil sa pagdikit niya sa amin ay masasamang tingin ang ipinupukol sa amin ni Char.

Napatingin ako sa salamin ng may pumasok
Na mga babae sa comfort room. Nginitian ko sila pero masasama ang tingin ang isinukli nila sa akin.

"Oh kung minamalas naman ang babaeng nasa harapan natin." ngumisi si Lovely, their leader. One of Bryant admirer.

"Alam mo bang mainit ang dugo namin sayo at sa kaibigan mo?" Napalunok ako sa sinabi ni Joy.

Akmang lalabas na ako ng hilain naman ni Lovely ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit. Nakita ko na lang na isinara ni Mary na isa pa nilang kasama ang pinto ng cr. Kinabahan ako bigla.

"A-ano bang kailangan niyo sa akin?" Kabadong tanong ko, ngumisi sila sa akin.

Gulat ako ng makitang may bitbit na tubo ang isa pa nilang kasama. Patakbo na ulit ako sa pinto ng hinawakan ni Mary at Joy ang magkabilang braso ko. Inabot naman ni Karen ang tubo mula kay Lovely.

"Please don't do this to me, wag niyo akung sasaktan." nagmamakaawa kong pakiusap. Pero mga bingi sila sa aking pakiusap.

"Kung hindi naman kasi kayo dumidikit sa Prince Bryant namin, hindi mo mararanasan to. Pero dahil isa ka sa mga malalandi pagbibigyan kita." Sinampal sampal nila ako tinadyakan at sinuntok sa sikmura, napadura ako ng dugo habang umuubo. Napasiksik ako sa sulok ng cr.

"Pleasse wag!" umiiyak kung sambit, ihahampas na sa akin ang tubo tumama ito sa aking ulo, nakaramdam ako ng hilo, napakapit ako sa aking ulo at nahawakan ang rumaragasang dugo. Napaiyak ako sa sakit.

"T-tama na please." Hihahampas pa sana sa akin ang tubo pero hinarang ko ang aking kamay. Nagulat ako ng biglang nagliwanag ang aking kamay, kaya napapikit ako. Pagmulat ng aking mata at kahit nanghihina ay naaninag ko pa din ang apat na babaeng nakahandusay. Biglang lumabas ang isang babae sa cubicle, a typical nerd.

Natatakot siyang tumingin sa akin. Nagugulat at nanghihina ko naman siyang tinitigan. Wala akung nagawa ng lumabas siya at nagsisigaw na may freak at witch. And evrything's went black.


  Nagising na lang ako sa malambot na kama. This familiar room. My own room. Nanghihina pa din akung napatingin sa may pinto ng bumukas ito. Gulat na napatingin sa akin si mommy.

"Princess." mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Mommy." tinitigan ako nito ng may pag aalala.

EVRY ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon