Living Alone

18.3K 569 11
                                    

Angie's Pov.

Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa aking silid. I check my phone 6:30am in the morning , bakit walang signal dito?

Bigla namang nag sign ng low battery ang phone ko, dali dali kung kinuha ang charger ko, nahanap ko naman pero walastic bakit naman ganito walang socket? hayy naalala ko nasa Evry pala ako, malamag magic ang gamit nila dito, so useless pala itong i-phone ko.

Nag ayos na ako ng sarili ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Good morning Daddy, Mommy." sabay halik ko kay Dad na nag kakape sa sala at takbo ko sa kusina dahil si Mom nag pre'prepare na ng breakfast, hinalikan ko din siya sa pisngi.

"Good morning din our princess. Happy birthday."sabay na sabi nila,magkalapit lang kasi ang sala at kusina namin. Natuwa naman ako, akala ko ay nakalimutan na nila ang pinaka importanteng araw ng buhay ko. Yun lang ay kailangan na agad nilang umalis.

"Hon tara na at kumain mahaba pa byahe natin mamaya." tawag ni Mom kay Dad.

Itinago ko ang lungkot ko at pinakita sa kanila ang aking mga ngiti.

"Princess tara na at kumain." anyaya sa akin ni Mommy. Kaya dali dali akung sumalo sa kanilang agahan Susulitin ang kaunting oras na makasama sila.

Ngunit naging mabilis ang takbo ng oras. Nag liligpit na ako at nag aayos sa kusina maging sa sala.

Sila Mommy at Daddy naman ay nag aayos na para sa pag uwi sa Mundong aking kinalakihan.

Nang matapos na ako mag ayos at maglinis na din sa bahay, tyaka naman saktong paglabas ng aking mga magulang sa kwarto.

"Princess it's time for us to leave." Daddy said.

I nod at hinatid sila sa labas ng bahay.
Ngayon ko lang napansin na nasa bandang gubat pala ang kinatitirikan ng bahay namin at walang kapitbahay. Mabuti na lang at alam ko at natandaan ko ang papasok sa Academy malapit lang naman.

Nagulat naman ako ng niyakap ako ni Daddy, niyakap ko din siya pabalik, hinalikan naman niya ako sa noo at kumalas sa pagkakayakap, ganun din ang ginawa ni Mommy.

"Princess lagi kang mag iingat, tandaan mo wag ka basta basta mag titiwala, sarili mo lang ang kakampi mo princess."

I nod to my Mom who's seriously talking to me. At may inabot sa aking kwintas.

"Ano ito Mom?" takang tanong ko. Napakaganda ng kwintas baka mahal ito, ang daming bato eh.

"Keep it princess, wear it anytime." isinuot sa akin ni Mom pero itinago niya sa loob ng aking damit.

"That necklace, I think it will be big part of your journey." Mom. Napatingin muli ako sa nakatago ko ng kwintas. What is your purpose?

"Thanks mom." Pag papasalamt ko at hinawakan ko ang kwintas.

"Mag-iingat ka princess." Tumango ako at pilit na ngumiti kay Daddy.

"Yes Daddy." Yumakap ako sa kanilang dalawa ng sabay. Ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa presence nila. Kakayanin ko bang mag isa?

"Mag-iingat din po kayo pauwi ." naluluha kung sabi. Naluluha naman din nila kung tinignan.

"Of  course Princess. We need to go take care princess we love you." Mom.

"I love you too Mom and Dad. " ngumiti ako kahit nag babadiya ng tumulo ang mga luha ko.

At sa huli niyakap nila akung muli. I will miss you Dad and Mom, soon mag kikita kita din tayo. I promise to myself.

Kumalas na sila sa yakapan namin at sumakay na sila sa saksakyan. I wave at them kasabay ng mga luhang umaagos sa aking mga mata.

Nalulungkot ako, pero titiisin ko para sa inyo.

Now I'm Living Alone and No one will know about me.

This is New me.

Ninji Galle.

the Mysterious Ninji.



to be continued...

EVRY ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon