Angie's Pov.
Pumasok na ako sa bahay at isinara ang pinto.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nag kulong.
Umiiyak dahil walang kasama.
Pero naisip ko na dapat hindi ko gugulin ang isip ko sa kahit na anong malulungkot na bagay.
Natulog muna ako. Pag gising ko 2pm na ng hapon, napahaba ang tulog ko.
Lumabas ako ng kwarto ko. Good thing na ang daming stock na pag kain dito sa bahay.
Napangiti na lang ako, wala si Mom at Dad, pero hindi pa din nila ako pinabayaan dahil ang dami nilang pinamili sa akin. Siguro ay kaninang umaga ito nung tulog pa ako namalengke na si mommy.
Ang bait talaga ni Mom, kaya love ko yun eh pati syempre si Dad.
Namimiss ko na si bessy at Bry,
sayang at walang signal dito.Napag pasyahan kung kumain na lang ng natirang ulam kaninang umaga, bacon ham and egg, pwede na.
Natapos akung kumain at nag ligpit ng aking pinag kainan.
Napaupo ako sa sofa, anong gagawin ko? Bored na bored na ako eh.
Napag pasyahan kung lumabas at mag libot libot. Nag bihis ako ng pang ninja outfit.
Naglagay pa ako ng takip sa aking mata. Siguradong pag may nakakita sa akin pagkakamalan akung masama. hayy ewan ko pero nakasanayan ko na ang ganitong suot.
Lumabas ako sa bahay at siniguradong nakalock talaga ang pinto. Mahirap ng mapasukan ng magnanakaw.
Malayo layo na ang aking nalakad, hangang sa napadpad ako sa madilim na gubat. Asan naman kaya ako?
Babalik na sana ako sa dati kung dinaanan ng biglang gumalaw ang mga puno.
Kumabog naman ng husto ang dibdib ko, omy gosh anong gagawin ko? bakit ba kasi ako lumabas sa bahay.
Hinarang ng mga tangkay ng puno ang daraanan ko.. Hala..
Napalunok ang ng maraminng beses.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?"
Inilibot ko ang aking paningin, walang kahit na sino akung makita kundi mga puno lamang.
"Sino ka din? Nasaan ka? Palabasin mo ako sa gubat na ito!" sigaw ko, kaya naman nag labasan ang mga itim na ibon. Ang creepy naman dito mas lalo yatang tumindig ang mga balahibo ko.
"Naiintindihan mo ako binibini?"
takang tanong ng nagsalita."Malamang eh sa nasasagot kita eh." in my sarcastic tone.
"Pero paano mo ako naiintindihan?" takang tanong padin nung nag sasalita.
Inilibot ko ang paningin ko at napasigaw ako ng napaharap ako sa isang napakalaking puno na bigla na lang lumapit sa mukha ko.
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"napaatras naman ako agad.
"Maaari mo na ba akung sagutin binibini kung bakit mo ako naiintindihan?" tanong ulit nung puno.
"H-hiindi ko po alam."natatakot kung sagot, lumayo naman siya sa akin.
"Hindi ka dapat nag punta dito binibini, delakado para sa isang tulad mo."
"Paumanhin po kung napunta po ako dito. N-naglilibot po kasi ako at dito ako napadpad sa madilim na gubat na ito." hinging paumanhin ko at nag bow pa, medyo kumalma naman ako..
BINABASA MO ANG
EVRY ACADEMY
FantasyENE'EDIT KO PA PO ANG IBANG PARTS, KAYA KUNG MAY MGA PARTS NA NAGUGULUHAN KAYO PAG PASENSYAHAN NIYO NA PO. WALA PA KASI AKO SA HALF NG PAG E'EDIT. . . . . . . I am just a simple teenager. But a simple life became complicated. because of weirdo thi...