[A/N: Wag kayong maniwala sa prologue. Pahamak yun. Enjoy this chapter! ^_^]
AC’s PoV
“Physics *blah*blah*blah” nakakaantok sa Physics namin…
\~o~/
Inaantok na ako! Matutulog lang ako ha! Wag kayong maingay kay prof. ^^”v
“Villafuerte…” sino ba yun… Andun na o! Yung prince iki-kiss na nga ako dapat eh.
“AC Villafuerte!!!!” sigaw nya sa tenga ko.
/O.O\
Nasampal ko si Prof.
“To the Office!!! NOW!” he yelled on my face.
“Ms. Villafuerte, this the 15 time straight this month!” sabi nung barumbadong assistant principal. Pogi sana kaso mainit ulo sa akin palagi. Alam nyo kung bakit? Binusted ko last month. Naku! Shota-shota na yan? Problema lang minsan dala nyan…
Nagpapakabitter na ako di pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Aira Chloe Villafuerte. Tao ako. Humihinga ng hangin at inosente pa po ;)
“Answer me Ms. Villafuerte!” sigaw ba naman nya.
“Sir, I have the right to remain silence. Every word that came from me can be use against me.” Sabi ko. Ni-revise ko lang yung totoong sinasabi ng pulis kapag manghuhuli sila eh.
“You’re suspended for a month!” he declared.
“Eh di suspended kung suspended! Nakakabato naman yung tinuturo ng teacher eh.” Reklamo ko.
Nilayasan ko agad sila… palabas na sana ako ng school, bigla akong tinawag nung mga kaibigan ko.
“Hoy bruha!” sabi agad ni Calissa.
“Ano na naman ginawa mo? Nakita ka naming lumabas ng principal’s office.” Sabi ni Jasper.
“Nasampal kong sinadya yung teacher namin sa physics. Ayun suspended ako for a month.” Simpleng sabi ko.
“Eh pano yun? Ibig sabihin wala ka ding allowance for a month? Ang gastos mo pa naman.” Sabi ni Ney.
“Ano pa ba? Eh di hahanap ng sideline.” Sabi ko