Chapter 4

866 12 5
                                    

Aira’s PoV

Ang awkward ng 8 hours na trabaho ko. Nasa labas man ako ng main office niya, ramdam na ramdam ko ang presence niya. Bakit kasi hindi ko muna inalam yung pangalan nung magiging amo ko. Kasi naman eh, ang alam ko lang babae ang magiging boss ko dahil umatras yung kapatid na lalaki sabay biglang lalaki ulit ang boss ko. Kung hindi siguro siya yung boss ko siguro ayos pa yung trabaho ko eh ang kaso… wala eh.

“Pumasok ka dito,” sabi niya.

“Required ba yun?” pabulong na tanong ko pero napilitan pa rin akong pumunta sa loob. Pero hindi pa man ako nakakakatok, bumukas na ang pintuan at may humila na sa akin papasok sa loob. Try mo papasok sa labas. -_-

“Ah…eh… Sir ano pong kailangan niyo?” tanong ko habang sinusubukang tanggalin ang mahigpit na kapit niya sa akin. Ewan ko ah, pero kinikilabutan ako sa mga titig niya. “A-Ano… boss… a-ano bang kailangan mo?”

“Bakit ka ba nandito? Bakit sa lahat ng pwedeng maging secretary ikaw pa ang napili ni Ate? Hindi ba niya alam na mahirap magpigil lalo na kung yang lintek na suot mo eh isang tight business suit? F*ck! Kung wala lang tayo sa opisina, panigurado may nagawa na ako sa iyo!” sabi niya bago parang nagdabog.

Lalapitan ko na sana siya pero buti nalang, bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking medyo matanda na ang itsura pero kamukha ng boss ko.

“Pa! Ba’t bigla ka nalang pumasok dito sa office ko?! Paano nalang kung may ginagawa pala kaming dalawa?! At tsaka Pa! Uso kumatok!” galit na galit na sabi niya sa lalaking nasa harapan namin.  Tumingin sa akin yung Papa ni Boss sabay ngumiti.

“Mas maganda ka pa pala sa personal,” sabi niya sa akin habang tinatapik yung balikat ko. Ano daw? Eh ngayon ko palang naman siyang nakita.

“PA! Aira, timplahan mo muna kami ng kape ni Papa. Sige na!” utos sa akin ni Boss kaya no choice ako. Shocks! Hindi kaya siya ang tunay kong ama? CHAROT! >.<

Vaness’ PoV

Nakakainis ‘tong matandang ‘to ah! Bigla ba namang sumulpot ng walang paalam? Tss. Paano nalang nga kung hindi ko napigilan ang sarili ko at ginawa ko ulit sa kanya yung nangyari kagabi? Teka, ano ba ‘tong pinag-iisip ko?

“Bakit ka nandito Pa?” tanong ko kay Papa.

“Binabahay mo na ba siya anak?” tanong niya sa akin. Grabe ang imagination ni Papa ha! Nakakahighblood!

“Pa, kung pwede lang ginawa ko na. Pero hindi pa Pa,” sabi ko sa kanya.

“Anyways, I’m here to tell you about some business. May possibility na makipagmerge tayo sa LV Group of Companies. And you know what it means,” sabi sa akin ni Papa. Isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan kong ikasal sa kahit sinong kamag-anak ni Don Franco.

“May anak siyang babae na itinakwil niya and I heard may isa siyang anak…”

“Sino?”

“Aira Cassandra Villafuerte,” sabi ni Papa na nagpangiti sa akin. Masaya ako. At sa sobrang saya ko, nagulat ako sa biglang pagbagsak ng tray pati pagkabasag ng mga baso.

“Sorry… Excuse me po,” with that she left the office. 

Playboy's First Love (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon