Chapter 9

244 7 0
                                    

[A/N: Thank you for adding this story to your RL! I hope you like it! ENJOY! ^_^ oh and... HAPPY 27+k reads! *sabog confetti* party-party! ]

Vaness’ PoV

“Hindi pa rin ba tapos yung sayo?” tanong ko kay Chloe habang papunta siya sa pantry ng opisina ko. I was working on something nung pumasok siya sa office ko and she took my breath away once again. It’s been a month since we’ve done it. Nung una, I thought she;s pregnant dahil sa cravings na nangyayari sa kanya but what I thought is wrong. Dinatnan daw kasi siya nung araw na yun. Swerte ko nga at nagawa ulit namin yun bago pa siya datnan.

“Meron pa ako. Wag mo akong inisin. Konting-konti ka nalang sa akin Vanee at tatamaan ka na!” banta niya sa akin habang hawak-hawak niya yung platito na lalagyan niya ng cake na dala ni Ate. Pinagbake siya ni Ate ng cake na may kamias at nung tinikman ko, pinagsisisihan kong ginawa ko yun. Putik! I can’t imagine na naaatim niyang kumain nun.

“Pero sabi sa Google 3-7 days lang naman daw yun ah! Surely tapos ka na!” sabi ko sa kanya. Putek, tigang ako for a week! Not that I did it with other girls but it’s just that, I want her.

“YOU RESEARCH ABOUT IT?! *huff* DON’T TALK TO ME! AYAW KONG MAKITA YANG MUKHA MO!” sigaw niya sa akin bago ako tinalikuran. Talaga bang uso ang mood swings sa mga babaeng meron?

Bumalik kami sa office ko only to be welcomed by an UNEXPECTED visitor. “Hi babe! I’m so happy to see you again!” sabi ni Tracy bago ako niyakap ng sobrang higpit as if we’re still in a relationship. I glanced at Chloe’s direction bago ibinalik kay Tracy ang atensyon ko. Lucky, the pantry was soundproofed. Then, all of a sudden, Tracy kissed me na ikinalaki ng mata ni Chloe. Napansin kong padabog na umupo si Chloe doon sa upuan niya. Haaaay… napapagod pa ata ang fiance ko. Galing kasi siyang school dahil tinaggal na yung suspesion niya. Then, I caught her glaring at me. What should I do?

Chloe’s PoV

Huhuhu. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang emotional roller coaster ako ngayon? From good vibes to bad vibes. Sabayan pa ng pagkayamot ko kay Vaness. Hindi ako ganito noon. Even if magkaroon ako ng dysmennorhea, sanay na ako. Unlike ngayon. Tapos may daily cravings ako. Kamias na may chocolate syrup. Mangga na may mayonnaise. Tapos ice-cream na may ketchup. Marami pang ibang weird cravings na sobrang weird talaga. Baka naman… buntis na talaga ako? Sharpshooter ba si Vaness?

Lumabas siya ng opisina niya kasama yung hipon kanina. Hindi sinabi ni Vaness na mahilig pala sa sea creatures. Sa buong isang linggo, iba-ibang babae/bakla ang kasama niya. May isang octupus, sea horse dalawa, hipon tatlo, at isang dambuhalang balyena. Psh. Sinasayang ko lang oras ko sa kanila.

*ting*

May nagtext sa akin, hindi yan bright idea. Tch. Si Frank lang pala eh.

From: Frank

Go back here in our mansion. Let’s settle everything before your marriage.

Papabalikin na naman nila ako doon? Tapos ano? Ikukumpara kay Cassie all day, all night tapos sermonan ako kahit wala naman akong nagagawang mali? Pakshet lang? Ang sarap magpasagasasa tren pero dahil gusto ko pang magkababy, wag muna. Mababawasan ng magaganda sa mundo at maiiwan ang mga sea creature sa balat ng lupa. Teka, di ba umalis si Vaness… eh di pwede akong gumala! Yipee! Gala muna ako bago pumunta sa mansion. Makapagshopping nga muna.

Tumayo na ako at inunahan sina Vaness sa paglalakad. “Hoy! Saan ka pupunta?” tanong ni Vaness. Sasagutin ko ba? Tss. Wag nalang. Sayang lang oras ko sa kanya. “Hoy, sumagot ka nga,” sabi niya bago ako pinaharap sa kanya.

“Sa impyerno, sama ka?” tanong ko sa kanya. “Bitaw nga! Naaalibadbaran ako sayo eh. Bye SIR!” sabi ko bago pumunta sa elevator at sinara iyon kaagad. Haay… Sa wakas, free time for me! Then I glanced on my phone. Ma-replyan nga.

To: Frank

Sure. I’ll be there tonight. Love you dad.

Then the message was sent. HAAAY… There’s more to come but always look at the bright side of the world! Nakakawrinkles ang sobrang daming problema noh! I went to the carpark at kinuha yung Audi3000 ko. Pero bago ako umalis ng parking lot, tinawagan ko ang ate ko pati na rin ate ni Vaness. Girl's day muna kami bago ako ikasal. Just be optimistic and everything will be alright.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playboy's First Love (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon