Chapter 3

54 3 3
                                    


JADE

Pagdilat ko ng mata, wait wala pala akong sariling mata. Uhmm pagdilat ko ng mata as a soul nakita ko nalang si Jarred na nakabihis na at handa ng umalis sa bahay niya. Ang haba pala ng tulog ko di ko namalayan umaga na pala.

I remembered may usapan nga pala sila ng mga kaibigan niya. Nice naman may isang salita nga talaga siya.

"Siyempre naman, ano akala mo di ko tutuparin yon? Tsk okay na rin to baka may makilala pa akong chicks." nagulat ako sa pagsalita niya bigla. Oo nga pala nababasa niya rin ang iniisip ko.

"Talaga? Chick boy ka rin pala noh? di lang halata"

"Oo naman. Makikita mo mamaya" pagkasabi niya non sa isip niya bigla siyang nagrin.

Tumahimik na ako. Bumaba na rin siya sa kwarto niya. At doon sa couch nakita ko ang tatlong naggwagwapuhang mga lalaki. Nakapout silang tatlo habang papalapit sa kanila si Jarred. Ang hilig talaga nilang magpout pero di ako nagsasawa ang cucute kasi talaga nila eh.

"Ang tagal mo bro! kanina pa kami nandito /le pout/" Kevin

Ay kanina pa pala sila naghihintay. Grabe naman si Jarred very wrong...

"Psh tara na nga. Ang aga naman kasing pumunta -_-" wengya tong lalaking to sila pa sinisi.

"Okay! Let's go party" Jc yelled with some moves. Ang cute paano nga ba nila naging kaibigan tong si jarred eh iba yung ugali niya sa tatlo.

Kanya kanya na sila ng kotseng ginamit. Pagkapasok sa kotse...

"Kanina ka pa sabi ng sabi na cute sila eh hindi naman nila malalaman yon atsyaka di sila cute mga nagmumukhang bakla lang sila sa ginagawa nila" bigla bigla niyang sinabi pagkasakay palang.

"Suuus! baka gusto mo lang masabihan din ng cute ka? Nakooo inggit ka lang eh" pangaasar ko sa kanya.

"Shit. Ewan ko sa'yo" pikon pala siya eh hahahaah

"Di ako pikon -_-"

"Pikon ka. Tignan mo nga oh nakakunot noo mo"

"Di nga ako pikon!"

"Pikon ka"

"Hindi"

"Oo"

"Hindi"

"Oooooooooooooooo"

"Shit shut the fuck up. Sumasakit ulo ko sayo."

Di na ako nagsalita madali lang naman akong kausap :l

Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na rin.

Sa bar nga talaga pumunta -3-. This is my first time na makapunta sa ganitong klaseng lugar.

Andaming usok at ang lalakas pa ng music at naghihiyawan pa ang mga tao sa dancefloor habang sumasayaw. Marami ring alak akong nakikita. At ang wiwild ng mga tao dito ah?  Syempre ano pa bang aasahan mo sa bar? mga nagdadasal? Yan kinakausap ko na naman ang sarili ko at binabara pa matindi na 'to.

I heard jarred chuckled. Eh? mamaya maya nakarating na sila sa vip room na pinareserve pa pala nito ni Jc.

Mamaya maya may pumasok na mga babae at kanya kanyang nagpuntahan sa kanilang apat. Ewww ang kapal ng mga makeup para na tuloy silang mga bakla yuckk :p

"Hi babe hmm" the girl said to jarred tapos bigla niyang hinalikan si Jarred eto namang si jarred tumugon.

"Ewww jarred stop it nakakadiri kayo." sabi ko kay jarred na may halong pagkainis.

SOUL TRAVELLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon