Kaecee's POV
Para akong zombie na naglalakad dito sa hallway papunta sa studio ng Sunday Afternoon Party. May rehearsals kasi kami today for the promotion of our upcoming movie. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Tyler bago siya umalis. Masyado kasing makahulugan eh.
"Kaecee!" Natauhan ako nang sumigaw si Zedric at tumakbo papunta sakin. Agad ko namang napansin yung damit niya.
"Ayos yang damit mo ah. Bad tooth ang nakalagay. Anong meron?"
Medyo natatawa kong tanong.We started walking papunta sa studio. "Eh sumakit kagabi yung ngipin ko eh. Si Beatrice kasi, binigyan ako ng maraming chocolates kahapon edi inubos ko naman. Alam mo na, para dagdag points kay crush."
I chuckled at his statement. "Pero bawas pogi points din kapag natanggalan ka ng ngipin, diba?"
He shrugged. "Well, nagpunta na ako kanina sa dentist ko at nagpacleaning na ako. Nabigyan na din ako ng gamot kaya nothing to worry about. Masyado akong gwapo para matanggalan ng ngipin." Preskong sagot niya.
"Yabang!" Well, to be honest-- I kinda miss this guy. My guy bestfriend. Oo, nakakasama ko siya sa shooting pero hindi na kami gaanong nakakapag usap. Kasi syempre ako, after shooting diretso agad sa date with BabyG. Then siya, dumidiskarte na kay Bea. Hayy, Na miss ko 'tong bestfriend ko.
"Oh. Andyan na pala kayo. Start na tayo?" The choreographer said habang pumapalakpak pa.
Pumunta na ako sa tabi ni Tyler dahil siya ang partner ko sa prod na to at pumunta na din si Zed sa tabi ni Bea.
"Bakit ka late?" I rolled my eyes and place my arms infront of my chest. "Bakit ka ba pakialamero?"
That made him shut up. The whole rehearsals, tahimik lang siya. Sinusunod niya lang yung inuutos ng choreographer namin. Hala, na badtrip ata siya sa sinabi ko. Nakaka offend ba yun?
"Ah. Tyler ." i called out nang mapansin kong paalis na siya. Balak ko sanang mag sorry dahil sa nasabi ko kanina.
He turned around habang nakasukbit sa right shoulder niya yung backpack niya at bored na tumingin sakin.
Sheeeez. Nakaka intimidate naman yung tingin nito.
I managed to smile habang kaharap ko siya. I even sighed para makakuha ng lakas ng loob. " About sa sinabi ko kanina." Hindi pa din nagbabago yung expression ng mukha niya kaya mas lalo akong nahiya. "Sorry."

BINABASA MO ANG
Addicted To Her (COMPLETED)
Teen FictionIsang cool na lalaki, magiging fanboy?! Tunghayan natin ang kwento ng isang Grant Blue Banzuelo at ng kaniyang kinababaliwan na si Kaecee Hidalgo. Enjoy Reading ~MichKimZhangMinLee