ATH 37

132 4 3
                                        

Kaecee's POV

Wala akong ganang kumakain dito sa may kusina. Ayaw kasi akong palabasin nila Heira at Zedric, baka daw kung ano kasing mangyari kaya dito lang ako. Uuwi na daw next week dito sila Mama at Papa para daw maalagaan ako.

"Aish, ang boring. Nakakainis."
I mumbled as I made my way towards the living room. Makapanood na nga lang.

Saktong pagbukas ko ng T.V, news channel ang bumungad saakin. Ililipat ko na sana nang biglang may narinig akong pamilyar na pangalan.

"Grant Banzuelo, kritikal matapos masangkot sa isang car accident."

>>>>>

Takbo, lakad, ginawa ko na para lang marating kaagad yung room ni Grant. Damn, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sakanya kahapon. Sht.

"Ate Kae!" Nakita kong nakaupo si Ivy sa may labas ng isang kwarto at katabi niya sila Mico at Jude.

"I-Ivy, anong nangyari?"

"Nagtatanong ka pa, kasalanan mo naman." Napatingin ako kay Mico na biglang nagsalita.

"Mico, tumigil ka." Pagbabanta ni Jude.

"Naaksidente kasi si Kuya k-kagabi--"

"Kasalanan mo! Kung hindi mo itinanggi na si Grant ang ama ng anak mo, edi sana hindi siya uminom ng alak! Sana hindi siya nalasing! Sana hindi siya nakipag-racing! Kasalanan mo 'to! Ang kapal ng mukha mo!"

Halos panghinaan ako sa mga narinig ko. Sapul na sapul sa puso ko. Tagos na tagos. Sht.

Umalis na doon si Mico at agad namang sinundan ni Jude.

"A-ate Kae. Wag mong pakinggan si Kuya Mico. Wala kaming sinisisi nila Mom dito. Don't blame yourself ate."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ivy at sa halip ay tinanong ko kung pwede nang pumasok sa room ni Grant.

"Ate, isa isa lang eh. Nasa loob pa kasi si Ate Pat."

Pat? Patricia?

"But don't worry ate, they're just friends. Mahal ka ni Kuya." Dugtong ni Ivy. Napansin ata ang pagtataka ko.

"Gising na ba si Grant?" I asked. "Oo ate."

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago ako makapasok. Nakita ko si Patricia at ngumiti siya saakin. She gave me a quick hug bago siya umalis.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa room ni Grant. Kaya ko bang makita siya?.

"Ate? Pasok ka na."

Tumango ako sa sinabi ni Ivy at dahan-dahang pumasok sa kwarto ni Grant.

He is laying down habang may nakakabit sakanyang oxygen. May brace din yung paa niya at nakasemento yung right arm niya. May mga pasa din sa mukha niya at nay bandage siya sa ulo.

"You're here."

Napalunok ako nang bigla siyang nagsalita. He is smiling weakly habang nakatingin saakin at naghihintay sa sasabihin ko.

"What happened to you.. gosh." I mumbled as I walk towards him habang nakatakip yung right hand ko sa bibig ko para mapigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Well, nag drive ako ng lasing kaya eto ang naging resulta."

How come na nakakapagsalita pa siya ng ganyan?

"Kaecee? Ayos ka--"

"Pinakaba mo ako! Nakakainis ka!"
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at sinabi na iyon sakanya. Nagsimula na din ang pagtulo ng mga luha ko kaya tinakpan ko na ang mukha ko.

Addicted To Her (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon