ATH 12

138 4 2
                                        

Grant Blue's POV

Maaga akong nagising nang dahil sa ingay ng alarm clock ko. I reach for it and tossed it on the floor. Istorbo! Bwisit!

Pabalik na sana ako sa pagtulog nang marinig kong may kumakatok nang malakas sa pintuan ko. What the?! Ang aga aga!

"PANGET! BUKSAN MO NGA TONG PINTUAN! HOY!" Tss. Walangyang kapatid naman to oh. Di na nahiya sa mga kapitbahay. Tsk.

Padabog kong binuksan yung pintuan tsaka hinarap tong spoiled brat na to. Ingay ingay eh.

"Anong kailangan-"

"7 na! 9 ang interview niyo ni Ate Kaecee! Walangya to!"
My eyes got widened when I realized na ngayon na pala yun. Fck! Bakit ko ba nakalimutan?!

"I'll go ahead panget."

Aish! Bwisit!

»»»»»

"Saan ba may flowershop? Anak ng tinapa naman oh!"
Napahampas naman ako sa manibela ko dahil sa pagkainis.
Kung bakit kasi sarado lahat nung flowershop na nadadaanan ko. Bwisit!

I looked at my watch to check what time it is. 7:45 palang. Madami pang oras.

Nagdrive nalang ako papuntang Dangwa kahit na medyo malayo yun sa building ng network ni Kaecee. No choice.

Pagkadating na pagkadating ko, naghanap agad ako ng parking.
Kung bakit ba naman kasi na-late ako ng gising! Aish! Sisihin niyo yung singsing! Pucha! Napuyat ako kakaisip kung kay Tyler ba talaga galing yun!

Teka. Yung singsing!

Kinapa ko yung bulsa ko pero wala. Argh! Kung minamalas nga naman oh!

"Oh iho. Anong bibilhin mo?"

"Ah. Iba't ibang kulay po ng roses. Pakidagdagan nalang po ng ibang bulaklak."

"Ah sige."

Nagsimula nang mag ayos yung matandang tindera dito. Buti nalang mabilis tong kumilos. Ewan ko nalang kung hindi. Aish!

8:05

Argh! 50 minutes nalang! Kakayanin kaya kung babalik pa ako ng bahay? Anak ng!

"Eto na iho." Nag abot lang ako ng 2 thousand tsaka tumakbo. Keep the change na yun. Nagmamadali ako.

Nagdrive ako pabalik sa bahay. Buti nalang at walang traffic. Nang makarating ako, umakyat ako kaagad sa kwarto ko at kinuha yung singsing. Buti nalang at dito ko lang nilagay yun sa study table ko.

*tweet.tweet*

1 message from Ms.Beautiful

Grant. Asan ka na?

Aish!

To: Ms.Beautiful

On the way. See you.

Mabilis akong bumaba at nadrive papunta sa building ng network nila. Putek, buti gumana yung adrenaline rush ko. Haha!

8:45 nang eksaktong makarating ako sa studio. Bitbit ko yung flowers at hawak ko na din yung singsing. Para namang mag propropose ako nito. Kaya naman pala ganun nalang makatingin sakin yung mga staffs.

Dumiretso ako sa backstage at dun ko nakita si Kaecee.

"Finally. Akala ko ma-lalate ka nanaman Grant eh." Pagsalubong saakin ni Ate Trina.
Ngumiti lang ako tsaka tinignan si Kaecee.

"For you." sabi ko sabay abot ng boquet of flowers sakanya.
"Thanks." I saw her blushed causing me to smile. Kakaiba.

"Mamaya na yan. We will start in 10 minutes.Magprepare na kayong dalawa."
Nagmamadaling sabi ni Manager Nic kaya natawa nalang kami.

"Uhm. Dala ko na nga pala yung singsing." sabi ko sabay abot sakanya nung singsing.

"A-ah. Salamat."

Natahimik kami saglit at pinapakiramdaman ang isa't isa.

"Kaecee. Sinong nagbigay nung-"

"LET US ALL WELCOME, MS.KAECEE HIDALGO AND MR.GRANT BANZUELO."
Nagulat nalang kami nang bigla kaming tawagin sa may mini stage. I just held her hand as we go onstage together.

"Wow. Holding hands ang peg nila oh!" Pagbibiro nung baklang host.

Umupo na kami at nagstart na yung presscon.

"So is it true na kayo na daw?"
Unang tanong palang pero hotseat na. Ganito ba talaga sa showbiz?

"Yes po." Simpleng sagot ni Kaecee.

"Since when?" Kelangan ba talaga, alam nila lahat ng detalye? Para namang wala na yung privacy. Tch.

"Saamin nalang po yun." nakangiti kong sagot sabay hawak sa kamay ni Kaecee.

"Paano na ang loveteam mong si Zedric, Kaecee ngayong in a relationship ka na?"

Kaecee get her mic and answered, "Tuloy pa din po. It will not affect our relationship. Besides, me and Zedric are just bestfriends. No more, no less." Matapang na sagot ni Kaecee while she's still smiling.

"Uhm, this question is for Grant. I hope you'll not get offended with this." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nung magtatanong.

"Okay. Grant, ang pagiging artista ba ni Kaecee ang dahilan kung bakit mo siya niligawan at naging girlfriend?"
My hand curled because of that question. Napahigpit ang hawak ko sa microphone na hawak ko tsaka ko siya sinagot.

"Maniwala ang gustong maniwala. Wag ang ayaw. Mahal ko si Kaecee. Mahal na mahal." I felt Kaecee hold my hand and gave me her concerned expression. I just smiled at her and hold her hand tightly. "Yes. And nagmamahalan po kaming dalawa ni Grant. Wala pong lokohan dun." Dagdag pa niya.

"O-okay.Next question please."
Nauutal na sabi ng host.

"Kaecee and Grant. Anong gusto niyong sabihin sa mga taong gustong sumira sa relasyon niyo?"

"Kahit anong gawin niyong paninira, we'll fight against that nang magkasama. Yun lang." maikling pahayag ni Kaecee.

"Grant. Bakit ayaw mong mag artista? You have the looks naman. So why not? Para naman makasama mo si Kaecee nang pangmatagalan."

Napangiti ako dun sa tanong. "Hindi ko po linya ang pag aartista. At kahit naman po hindi kami lagi magkasama ni Kaecee, kasama ko naman po siya lagi sa puso ko." at sumunod na ang malakas na hiyawan sa buong kwarto.

"Seems like mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. Hayaan na muna nating mag date ang dalawa. That's all. Maari na po tayong umuwi . Thanks for coming!" Anunsyo ni bakla kaya bumaba na kami ni Kaecee sa mini stage.

"Nako nako! Totohanan na ba?"
Mahinang sabi ni Ate Trina. Mahirap na kasi, baka may makarinig pa.

"Ay grabe siya oh!"
Napatingin ako kay Kaecee. Bakit to namumula?

"Joke lang. Paano ba yan, Grant ikaw na bahala sa alaga ko ah. Date na muna kayo. Sige mauuna na ako."

"Ah. Sige po Ate Trina. Ako na pong bahala kay Kaecee."

"Alagaan mo yan!" pagbabanta niya.

"Oo naman ate. Gagawin ko yun kahit dimo sabihin."
Sabi ko sabay tingin kay Kaecee. Pero bakit ba namumula nanaman to?

Sinalat ko yung noo niya para tignan kung may lagnat siya. Napapitlag pa nga siya dahil sa gulat eh.

"O-oy! Ano bang ginagawa mo?" tinanggal ko na yung palad ko sa noo niya at tinignan siya mabuti. "Wala ka namang lagnat. Bakit ka namumula?"
Agad niya namang iniwas ang tingin niya tsaka naglakad.
"Tara na nga!"

Napangisi nalang ako. Ganun pala yun kiligin. Haha!

******
Update po! :) hahahaha!

Vote and comment! ^_^

Addicted To Her (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon