CHAPTER 21: DEAL

247 12 5
                                    

Dedicated kayyy --------> Ate @rainingpixiees. Thanks din sa pagdedicate mo saken sa latest chapter mo. Read her stories guys, magaganda!! Hahaha! Namiss lang namin isa't isa. So here's my updateeeeeee....

Mia’s POV

Andito ako sa school ngayon at 1 week ko na ring hindi nakikita si Dan dahil hindi pa siya pumapasok.

Kalat na din sa school na si Yesha na at Louie. At syempre, di ko ding maiwasang masaktan sa katotohanang iyon.

"Uy girl, anyare sa feslak mo?" tanong ni Yuki sa akin.

Ngitian ko nalang siya.

"Naku Yuks, later nalang nating kausapin yang si Mia. Kailangan niya muna ng peace of mind." Casey said to Yuki.

"Ay ganun? Sige, later nalang." sagot ni Yuki tas tinawag si Casey. "Oy Cassandra, samahan mo kong caf." tumingin naman sa kanya si Casey. "Maka-Cassandra naman to! Tara na nga!" nagpaalam naman sakin si Casey at hinila na niya pababa si Yuki.

Ano na kayang nangyari kay Dan? Tagal na niyang hindi pumapasok eh.

May biglang tumapik sakin, “Yo!” si Nate pala.

"Ikaw pala." ngitian ko lang siya.

"What’s with the face?" tanong niya.

"Wala. Uy, ano may balita ka na sa best friend mo?" tanong ko.

Mag-best friend sila eh, malamang alam niya nangyayari dun.

"Ewan ko nga dun eh. Di ako nicocontact. Bakit mo natanong? Miss mo na noh?" pang-aasar ni Nate sakin.

"O-oy! Anong miss? Asa pa siya. Hindi noh!" sagot ko sa kanya.

Umiling-iling siya, “Defensive. Tsk, tsk.”

"Ewan ko sayo, magkaibigan talaga kayo ni Dan eh no?" at tumayo na ako at lalabas sana ng pintuan ng may mabunggo ako.

"D-dan.."

"Tsk. Di kasi tumitingin sa dinadaanan." -_- poker face niyang sabi.

Napansin kong nag-new look ata siya kaya lang…

"Dan, bakit ka may hikaw sa tenga?" may piercing na kasi siya.

Napangisi naman siya. “The hell you care. It’s none of your business.” at naglakad na siya papunta kay Nate at naiwan lang ako doon.

Napagpasyahan ko ng umalis at bumababa. Pakialam ko nga ba.

*** SA CLASSROOM ***

May examination kami at pagkatapos nun, may recitation kami.

Ang nakapagtataka lang eh, ba’t parang di active si Dan.

Like kanina, may exam kami kay Mr. de Guzman. Kung dati rati eh nauuna siyang magpasa ng papel dahil mabilis siyang matapos pero ngayon, 2 hours na yung test namin at hanggang 10 lang nasagutan niya eh 200 items yun.

Tapos ngayong recitation naman, kung dati lagi kaming dalawa yung magka-compete eh ngayon, ba’t puro nalang ako?

Anong bang nangyayari sayo Dan?

Malapit ng mag-uwian. Gusto ko siyang makausap.

"Dan." kinulbit ko siya.

Magkatabi nga lang kasi kami db?

Fake To Real Lovers [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon