CHAPTER 23: FEELINGS

245 11 18
                                    

Na-motivate akong mag-update dahil sa comment ng isang reader ko :) Salamat sa iyo ^^ Will mention and dedicate to you my next update.

CYRUS' POV

Makalipas ng ilang segundo, inihiwalay ko na ang labi ko sa labi ni Mia. Napansin ko namang tulala pa din siya. Tsk. Bakit ba ganito 'tong babaeng to?!

Hinatak ko nalang siya at lumapit sa dalawang nakatulala sa amin kanina. Kela Louie at Yesha. Habang papalapit kami sa kanila ay sila namang nakatingin lamang sa amin. I wonder what they're thinking.

"Oh,pare. Andyan pala kayo. Pasensya na kung nasaksihan niyo pa yung kissing scene namin ng girlfriend ko." malamig kong pahayag habang tinitingnan sila.

"Girlfriend? Girlfriend mo na si Mia?" parang gulat na gulat si Yesha ng marinig niya iyong pahayag ko sa kanila.

"Oo naman. Bakita hindi ba pwede?" maanghang na tanong ko naman sa kanya.

"Ah eh.. H-hindi. It's just that parang ang bilis naman yata." sagot niya at bigla siyang napayuko. Huh!!

Ganyan nga Yesha. Masaktan ka. Masaktan ka tulad ko. Kung ikaw nagawa mong akong ipagpalit sa panget na Louie na yan, pwes ako din. Kayang-kaya kitang palitan gamit ang fake relationship namin ni Mia.

Natigil naman ako sa pag-iisip ng biglang kausapin ni Louie si Mia.

"Ikaw Mia, hindi mo man lang sinabi sa akin na boyfriend mo na pala si Cyrus. Kala ko ba friends na tayo? Tampo na ako."

Wtf?! Anong drama yan Louie?!

Sumagot naman si Mia, "Eh kasi.. Ano.. Uhh.." haynako!

"Bakit naman niya sasabihin sayo?! Close kayo? Tigil-tigilan mo nga 'tong girlfriend ko." sabat ko sa kanila.

Bigla naman niyang tinaas ang mga kamay niya na parang sumusuko, "Relax pare. Easy ka lang. Nagtatanong lang naman ako sa kaibigan ko. Right, Mia?"

"Ha? Ah, oo." sagot nung isa at tumango-tango pa.

"And besides magkaibigan lang naman kami ni Mia, remember girlfriend ko na ang ex mo." si Louie ulit.

Bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hinigit ko siya sa kwelyo.

"Oo nga eh. Dahil dyan sa pang-aahas mo kaya kami naghiwalay ni Yesha." akmang susuntukin ko na siya ng maramdaman kong hinihigit ako  ni Mia palayo at nakita ko naman na yakap-yakap ni Yesha si Louie sa bewang. Lalong nag-iinit ang ulo ko sa nakikita ko.

Naitulak ko tuloy si Mia para makaiwas sa panghihigit sa akin.

"Cy.." tawag sa akin ni Mia.

"SHUT UP, MIA!!" sigaw ko sa kanya at biglang akong humarap kay Louie.

"Ikaw!" sabay duro ko sa kanya. "Tandaan mo 'tong sasabihin ko sayo. Sa oras na mabawi ko sayo si Yesha, wag na wag ka na ulit gagawa ng katarantaduhan para agawin siya ulti sa akin!" pagbabanta ko sabay hila kay Mia para makaalis na sa lugar na yun.

"Aray Cy! Bitawan mo na nga ako. Nakalayo na tayo oh! Ano ba?! Ang sakit na ng pagkakahawak mo sa akin. Tumigil ka nga. Isa!" sigaw siya ng sigaw sa akin kaya naman binitawan ko na ang kamay niya. Tiningnan naman niya ako ng matalim.

"Ano bang eskandalo yung pinaggagawa mo doon kanina?" tanong niya sa akin.

MIA's POV

"Ano bang eskandalo yung pinaggagawa mo doon kanina?" galit na tanong ko.

Peste talaga siya. Hinalikan na nga niya ako tas tinulak pa dahil lang inawat ko siya. Sht. This is guy is really getting on my nerves. Ugggghhhh!!!

"Eh bakit ba? Nakakaasar yung Louie na yun eh. Hindi tuloy ako makapaniwalang nagustuhan mo yung panget na yun. Tsk." aba't! Kahit kelan talaga 'to!

Piningot ko nalang yung tainga niya.

"Ikaw talaga. Kahit kelan ka! Nakakainis na yang ugali mo ah!"

"A-aray! Aray! Ouuch! Mia, ano ba?!!" daing niya. Hindi ko siya tinigilan.

"Ang galing mo rin eh. Pati first kiss ko ninakaw mo. Walangya ka talagang unggoy ka!" binitawan ko naman siya at pinaghahampas naman.

"H-hey! Will you stop that?" hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Look, I'm sorry. I didn't mean that kiss." sabi niya.

WHAT?! He didn't mean it? Pagkatapos niyang kunin ang first kiss ko? Huh!! Mas lalo akong nababadtrip sa kanya. Hinampas ko ulit siya, this time yung mas malakas na.

"Ang kapal ng mukha mong Cyrus ka! Unggoy ka talaga kahit kelan. Bwiset. Bwiset. Bwiseeeeet!!" pinagpapalo ko na yung dibdib niya.

"Mia! Ihinto mo nga yan. Quits lang naman tayo eh."

Napahinto ako sa pagpalo sa kanya.

Quits lang kami?

Ibig sabihin...

"First ko din yun. Kaya quits lang tayo." yun lang ang sinabi niya at biglang naglakad na patungo sa room namin.

*dugdugdugdugdugdug*

Hala? Bakit ganun? Meaning, never pa silang nag-kiss ni Yesha? *boinks* Tangeks ka talaga Mia. First kiss nga din daw niya db?

Namalayan ko nalang nakangiti ako habang naglalakad na din patungo sa room namin. Uwaaaaaa!! Bakit ganito? Parang ang saya ko sa nalaman ko. Uhmyghad! Am I starting to like Cyrus na ba?? Oh noooo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fake To Real Lovers [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon