CHAPTER 20: EVERYTHING IS COMPLICATED

262 7 6
                                    

Dedicated to one of my friends in school! :) @kateleriemakulet :*

Mia’s POV


Nakauwi na ako galing sa birthday party ni Yesha. Nagtext na rin ako kay Casey na nauna na ako umuwi.

Di ko lubos maisip na sa ganung paraan mangyayari yung naganap kanina.

Come to think of it, ang plan kase nila—- ay namin pala, e maging sila Yesha at Louie muna bago sabihin kay Dan para makabuwelo muna.

Ang laki ng kasalanan namin kay Dan. By seeing his eyes kanina, parang pati ako naapektuhan kanina.

Who have thought na ang rank one ng SAA (Saint Andrew’s Academy) eh iiyak at magmamakaawa ng ganun sa babae?

Alam ko naman yung feeling nang masaktan eh, naranasan ko na yun. Sa crush nga lang yun eh, paano pa kapag naging kayo?

Sana lang talaga tama yung ginawa nung dalawa (Yesha and Louie) sana maging masaya sila sa ginawa nila.

Pero hindi ibig sabihin na si Yesha’t Louie na, e hihinto na ako sa pagkakacrush kay Louie. Ultimate crush ko kaya yun.

Hayyy! Andito ako ngayon sa kwarto ko. Walang magawa. Makatulog na nga lang…


*** KINABUKASAN ***

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana ng kwarto ko.

Ginawa ko yung daily routine ko.

Pagbaba ko sa hagdan, binati ko agad si mommy.

"Good morning po."

"Good morning din, anak. Tara, kumain na tayo." at pumunta na kami sa dining table.

Habang kumukuha ako ng food kinausap ako ni mommy.

"Anak, alam mo ba ang nangyari kahapon kay Dan sa party na pinuntahan niyo?"

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain ko, “P-po? Bakit niyo po natanong?”

Sumagot naman si mommy, “Tumawag kasi saken si Jane at ayun nga sinabi sa akin yung nangyari kay Dan. Kung anu-ano daw pinaggagawa kagabi, nagwala pa daw.”

Srlsy? Grabe epekto ni Yesha sa kanya.

"Mommy kasi po, Dan and her girlfriend broke up yesterday." sabi ko.

"Oops. Sorry to hear that. Pero bakit naman hihiwalayan ng girlfriend niya si Dan? Eh kay bait at talino na ng batang yun."

Ay naku ma, kung alam mo lang po. Ubod ng yabang yun.

Nagkibit balikat nalang ako at ngumiti kay mommy. Ayoko na kasing pag-usapan yung nangyari kahapon. Pagkatapos namin kumain umakyat na ako sa kwarto ko.

Bakit ganun? Parang gusto ko damayan si Dan sa mga nangyayari sa kanya.

He don’t deserve this. Magkaaway man kami pero kaibigan din naman ang turing ko sa kanya.

*kring*kring*kring*

Oh, may tumatawag. Sino naman kaya to?

O_O Pagtingin ko sa caller ID, nashocked ako.

Yesha?!!!

Nag-aalangan ako kung i-aaccept or irereject ko ba yung call.

Accept or reject?

Hayyy. Accept na nga lang. Bahala na..

"H-hello?"

(“Mia.”)

Fake To Real Lovers [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon