Camille Umi Regalado's POV
"Teka, pinagnanasahan mo ba muscles ko?" he's wearing his signature smirk. hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa mga kumakaway niyang muscles pero aish! bakit kasi ganyan yung suot niya. =_____=
"H-ha! h-hindi ano! B-bakit ko naman pagnanasahan yan" pagtatanggol ko sa sarili ko. Ano ba naman yan! Bakit ba ako nabubulol. >_______<
Tumayo siya at tinignan ako. Seryoso lang ang mukha niya. Hindi ko malaman kung anong gusto niyang gawin. Basta nag eye to eye lang kami. Napapaatras na lang ako sa tuwing aabante siya. Nagsimula na akong matakot sakanya. Nagulat ako ng kinuha niya yung kamay ko at......
"SANDERRRRRRRRR!
"MATIGAS BA?"
"SANDER BITAWAN MO YUNG KAMAY KO!"
"ANG CHOOSY NAMAN NITO! BUTI NGA PINAHAWAK KO SAYO ABS KO EH!"
"ANAK KA NG TOKWA! BAKIT KAILANGAN MONG IPAHAWAK SAKIN YAN!" siraulo tong lalaking to. Hindi ko maintindihan kung anong trip sa buhay eh.
"HAHAHAHAHAHHA" tumawa siya at napahawak pa sa tyan niya.
"LETCHE KA! MAHIRAPAN KA SANANG HUMINGA!" iniwan ko na siya pero sa loob-loob ko gusto kong sundan niya ako. Nilingon ko sya, at ayun tumatawa pa rin hanggang ngayon. Anak ng tokwa talaga. Ang demanding naman ng dating ko. >_______<
Pumunta na ako sa kwarto ko. Pagod na ako at may pasok pa pala ako bukas. Nagpaalam na muna ako kay mommy na magpapahinga na ako. Nawala na rin ako sa mood dahil sa ginawa ni Sander.
******
"HOY! May assignment ka sa math?" bungad sakin ng kararating lang na si Migs dala-dala yung isang katerbang pagkain niya. Tapos kapag tumaba siya hirap na hirap siya mag diet.
"Nasa bag ko bes kunin mo na lang dun." busy kasi akong kumain ng chocolates. At hindi pa rin ako makaget over sa ginawa ni Sander. Badtrip na badtrip pa rin ako.
"Penge naman akoooo!"
"Pwede ba Migs, gutom ako."
"Ang damot naman nito. hahanap nga din ako ng papa Jiyo ng buhay ko ng magkaroon din ako ng supplier ng chocolates."
"Edi maghanap ka" walang ganang sagot ko.
"Ang taray naman nito."
"Wahhhhhh! Ang gwapo naman nun!" sigaw ng isang babae sa kabilang table. Letche ang ingay na ang lalandi pa.
"Sander daw pangalan eh. Omg! Anong year na kaya niya! Gusto ko siya maging classmate."
Hay nako! Bakit kung saan saan ko naman naririnig ang pangalan ng kutong lupang yun. -________-
"Ahh excuse me pwede maki share ng seat?"
"Ahh-- O-osige." - Migs
Dahil sa busy ako kumain ng chocolates dito nakaagaw pansin sa akin ang pagka bulol ni Migs. Isa lang ibig sabihin niyan, nakakita siya ng FAFA niya na ayon sakanya ang ibig sabihin daw nun ay "Ang magFAFAibig sakanya" Ang corny jusko!
O_________O
Oo nagulat ako sa nakita. Oo ako na ang nagulat.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Dito na ako mag aaral, why?" sagot ng lalaking ang laki ng ngiti. Wahhhh! Sander! Anong pinagsasabi niyang dito siya mag aaral. So siya yung mga tinitilian ng mga babae? Aba ang loko sikat agad at may fangirls.
"H-ha?! Dito mag aaral? Ako ba niloloko mo ha Sander?!"
"Teka ngaaa! Camille kaano-ano mo tong si kuyang gwapo?" singit ni Migs. Nakalimutan kong nandyan nga pala siya.
"PINSAN!" we said in chorus. Alam pa rin naman namin ang limitations namin though, alam naman sa sarili namin na may iba sa amin.
"EHH BAKIT HINDI MO SINABI NA MAY GWAPO KA PALANG PINSAN!!"
"ABA MIGS ----"
"Sander? Sander Regalado?" sabi ng kararating lang na si Jiyo.
"AHH JIYO." walang ganang sabi ni Sander. Dati pa lang talaga hindi na sila close ni Jiyo.
Bumalik ang tingin sa akin ni Sander. "May sasabihin ako sayo. Tara na."
Tumayo siya at napasunod naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Basta nakasunod lang ako sakanya.
"Bakit tayo nandito?" kasalukuyang nasa pool area kami ng university.
"Wala lang. May gusto kasi akong itanong sayo."
"Ano na naman yun? Alalahanin mo mas marami akong tanong kesa sayo."
"Anong meron sainyo ni Jiyo?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa malayo. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa inaasta ni Sander.
"Ahh-- Ano, Ahmmm" ano ba'to hindi ko alam ang sasabihin ko. >_____<
"Just tell me the truth princess." nagmakakaawa ang mukha niya na para bang gusto niya malaman ang sagot ko agad.
I cleared my throat first "Magkaibigan lang kami." nasabi ko rin sa wakas.
"Magkaibigan nga lang ba talaga o nililigawan ka niya at nagpapaligaw ka naman kasi balang araw sasagutin mo rin siya."
"H-ha?! Anong pinagsasabi mo dyan?" tumingin muna ako sa paligid dahil baka may makarinig samin.
"Nagseselos kaba ha Sander Regalado?" nakangisi na sabi ko. Natatawa kasi ako sa reaksyon niya. ^_______^
"Ano naman?! Eh mahal kita eh! Umuwi ako para balikan ka tapos malalaman ko may kaagaw na pala ako sayo?!"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Lalo akong natawa dahil wala naman siyang dapat ikapagselos. Hahaha! Masyado siyang paranoid sa buhay.
"Ehh binasted ko na yun eh! Kaso mapilit. Hayaan ko lang daw siya na yun nga, na ano basta yun!" naiilang pa rin kasi akong sabihin yung mga corny na lines na sinabi ni Jiyo tulad ng....
"Hayaan mo lang akong mahalin ka Camille. Tanggapin mo lang yung mga ibibigay ko sayo. Alam kong hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko. Hayaan mo na lang ako, mapapagod na lang din siguro ako. Pero hindi ako nawawalan ng pag asa Camille. Na isang araw mamahalin mo rin ako."
Grabe ang corny diba?! Hindi ko nga maikwento ng maayos yan kay Migs noong sinabi niya yan dahil sobrang nakakaumay. Parang pipilitin ko na lang sarili kong kiligin or matouch sa mga sinasabi niya. Kaso walang epek eh. >_____<
"HOY NAKIKINIG KABA?!" dahil sa pag daydream ko, kinakausap pala ako ni Sander.
"Anong sabi mo?"
*tsup*
"I LOVE YOU."
*tsup*
O_______O
At umalis ang kumag ng nakapamulsa pa at ako nawiwindang sa ginawa niya.
================================
A/N: Pasensya naman sa update. xD Masyado kasing busy. Haha may mga bago akong stories na gagawin. Paki suportahan na lang.
Si JIYO - - - - - - - - >
READ:
I FOUND LOVE IN AMORE DORMITORY
MY WARFREAK LOVER (RATED SPG)
VOTE, COMMENT, RECOMMEND AND FOLLOW
CIAO!
-ELS :D
BINABASA MO ANG
LOVE him even this is WRONG (ON-HOLD)
Fiksi RemajaFORBIDDEN LOVE....? From the imagination and experience of mine.... -NoOneELS