Trust, Hope and Sacrifice

21 1 0
                                    

Tiwala, pag asa at sakripisyo yan ang tatlong bagay na kailangan ng isang tao kapag nagmahal. Yan ang mga bagay na taglay ko nang pumayag akong maging kami. Ngunit isang araw nagising ako sa isang katotohanan. Katotohanang mahirap paniwalaan lalo na kung sobrang mahal mo na sya. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi ng iba dahil may tiwala ako sa kanya. Nagbulag bulagan ako sa pagmamahal nya ngunit nang makita ito mismo ng aking dalawang mata. Nasabi ko sa sarili ko na ang baliw mo naman, bakit ka pumayag na niloloko loko ka lang ng taong hindi ka naman pala minahal. Bakit kasi nagtiwala ako sa kanya? Bakit kasi mas pinaniwalaan ko siya kesa sa iba? Matapos kong malaman ang katotohanan ay pinili ko nalang na iwasan sya para hindi na ko masaktan pa. Dumaan ang ilang araw, tanggap ko na ang nangyari at pinatawad ko na din siya. Kahit makita ko siya ay hindi na ako naiilang at nangangambang baka tumulo na naman ang makukulit kong luha mula sa aking mga mata.

Nang nag momove on ako sa kanya ay may naging kaibigan ako, si Paul. Palagi niya akong pinapatawa at siya ang nagsilbing panyo ko nang mga panahong umiiyak ako. Ang gaan ng loob ka sa kanya, hindi ko nga alam kung talagang kaibigan nga lang ba ang turing ko sa kanya o kung mas higit pa dun eh. Nung mga panahon na yun inakala ko na parehas kami ng nararamdaman. Umasa ako na sya yung papalitan sa pwesto ng ex ko pero nagkamali ako. Kapatid lang pala ang turing niya sa akin sapagkat may naiwan siyang girlfriend sa probinsya. Kaya ko lang ito nalaman nung nakita ko silang magkasama sa isang restaurant at masayang ipinagdiriwang ang kanilang 5 years anniversary. Parang binibiyak yung puso ko kasi nag assume ako na parehas kaming nahuhulog na sa isa't isa pero mali ako, maling mali.

Kinabukasan pumasok ako sa paaralan ng parang wala akong nakita at problema. Nakita ko siya na abot tenga ang ngiti habang papalapit sa akin. Nag usap kami na parang dati lang at walang ilangan na nangyari. Sobrang saya ko ng araw na yun sapagkat sobrang lambing nya. Gusto ko na ngang angkinin sya pero naiisip ko na may gf sya at hindi ko dapat sirain ang relasyon nila katulad ng pagsira ng babaeng nang agaw sa ex ko sakin. Nang matapos ang lunch break ay nakita ko siyang kasama ang gf nya at papunta sila sa direksyon kung saaan ako naroroon. Pinakilala niya ako sa gf nya at pinakilala din nya ako sa kanya. Tinabihan ako ng gf nya at sinabing "Sana alam mo kung saan ka lulugar. May tiwala ako sa bf ko na hindi niya ako lolokohin pero wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya." Nagulat ako sa sinabi niya siguro naramdaman niyang may gusto ako kay Edward at alam nyang may possibilidad na agawin ko ito sa kanya. Nang makaalis na ang gf niya ay kinausap ko siya. Sinabing kong may iba na akong nararamdaman para sa kanya at higit pa iyon sa kaibigan. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat. Sinabi ko lahat ang rason kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanya at tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Sinabi ko din sa kanya na kailanagan ko siyang layuan sapagkat baka ako pa ang maging sanhi ng pagkasira ng kanilang relasyon. Hindi pa siya pumayag nung una pero siguro napagtanto niya rin na baka mangyari iyon at humantong sila sa hiwalayan. Sinakripisyo ko ang aming pagkakaibigan para sa kanila at para sa ikabubuti ng lahat.

Siguro ganun lang talaga ang buhay, pag may umalis may darating. Hahayaan ko nalang na si papa god ang maglaan ng lalaki para sa akin. Hindi ko siya hahanapin sapagkat alam kong siya ang kusang dadating. Siguro ang mga taong dumaan sa aking buhay ay mga pagsubok lang upang subukin kung gaano ako katatag at katibay para harapin ang mga problema tungkol dito. Para kapag dumating na si Mr. Right ay alam ko na kung panu siya pahalagahan, mahalin at alagaan.

Abangan ang mga susunod pang stories

~~~~~~~~

Sana po magustuhan nyo. sana din po ay magcomment and magvote kayo. ang pls dont plagiarize my work.

My Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon