Tulay para sa tagumpay

17 1 0
                                    

Zero na naman..... zero na naman..... zero na naman si akoooo.... yehh... yehhh... yeh.... zero na naman ako. Wala na talagang pinagbago ang score ng test ko. Hay buti nalang hindi nananawa ang basurahan kakatanggap ng itlog kong mga test at buti nalang nakakabawi ako sa ibang aspeto ng pagmamarka sa amin. Ito ang pinakahihintay kong part. Three points shoot for Aquino. "Aray naman kuya masakit yun huh. Anu po bang problema mo? Hindi mo po ba ako nakita? May tao kaya dito tapos pathree points three points shoot ka pa po dyan." Nakakunot niyang sambit habang hinihimas ang parte ng ulo niya na natamaan ng papel. "Sorry naman hindi ko lang nakita na may tao pala sa basurahan, atsaka anu bang ginagawa mo dyan?" Nakapamewang kong sagot sa kanya. "Nagpupulot lang naman po ako ng mga scrath paper." Ano siya basurera hindi naman to tambakan ng basura eh paaralan to. "At para san naman yan huh aber eh basura na nga yan db." "Eh kahit basura na po yan malaki naman po ang naitutulong nito para sa akin sapagkat dito po ako kumukuha ng pambaon ko." Nagtataka ako sa kanya nagpapakahirap siyang masyado. "Huh pambaon?" "Opo." Ang inosente niya namang sumagot. "Aba panu naman naging pambaon ang papel?" "Kasi kuya pinagbebenta ko ito tapos yun nagkakapera po ako. Alam mo ba kuya kung hindi dahil sa mga papel na itinatapon nyo hindi po ako makakapag aral at baka hindi ko matupad ang pangarap kong maging guro." Okay ang drama siya masyado. "Ah ganun ba, maiwan na nga kita. Bakit nga ba ako nagsasayang ng panahon sa mga taong katulad mo." Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako at tinungo ang daan papuntang bahay. Nang makahiga na ako sa aking kama, bumalik sa aking alaala ang mga katagang sinabi sa akin nung batang nasa may basurahan. Bakit ba sya nagpapakahirap na magkalkal dun sa basurahan na yun? Nagpapagod at nagsasasayang lang sya ng panahon para syang pulubing tingnan pag nandun sya sa basurahan.

Kinabukasan nakita ko na naman sya sa may basurahan at matiyaga niyang ibinubukod ang mga papel sa ibang basura na matatagpuan doon. Naiinis ako sa kanya sapagkat nagtyatyaga siya na magpakahirap na magbukod ng basura eh napakadumi at napakabaho naman ng mga iyon.

Masyado na kong nahihiwagaan sa kanya kaya pumunta akong office at tinanung kong anung background niya. Nagulat ako sa nalaman ko kasi sobrang hirap nya pala tapos patay na ang tatay nya at tanging nanay nya nalang ang kasama niya sa bahay nila. Pagiging labandera lang pala ang trabaho ng kanyang ina. Dahil sa mga nalaman ko doon ko lang napagtanto na ang hirap pala ng pinagdadaanan nya.

Napukaw ang aking damdamin sa lahat ng bagay na aking nalaman tungkol sa kanya kaya naisip kong tulungan syang mangulekta ng mga scratch paper. Sinabi ko sa aking kakalase na ibigay sa akin lahat ng mga papel na hindi nila gagamitin.

Pumunta ako sa lugar kung saan siya nangungulekta ng papel at nabigla siya ng makita niyang may dala akong dalawang plastic na punung puno ng papel. "Kuya san mo po yan dadalhin." nagtatakang tanong niya. "Malamang sayo san pa kaya." Pagkasabi ko nito ay nagiwas ako ng tingin sa kanya. "Eh tlg kuya. Salamat po huh malaking tulong po ito para sa akin." Kumikinang ang mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Nga pala kanina kinilo ko na yan 30 kilo lahat yan." "Ah maraming salamat po talaga. Nga pala po bakit nyo po ako tinutulungan." "Kc saludo ako sayo kasi sa kabila ng mga problema na pinagdaanan mo eh nagagawa mo paring pumasok." "Syempre naman po kuya kasi po sabi ng nanay ko yan lang daw po kc ang yaman na hindi mananakaw sa akin." "Ah sabagay. Cge araw araw hintayin mo ko dito tuwing hapon bibigyan kita lagi ng mga papel." "Salamat po."

Ganun na nga ang nangyari araw araw palagi akong napunta sa may basurahan para ibigay sa kanya lahat ng mga papel na nakulekta ko. Parang naging kaugalian ko ng gawin ang bagay na yun. Nawili na kong tulungan sya at dahil sa araw araw na kaming magkasama nakwento na namin ang aming buhay sa isa't isa.

Napansin ko na umaayos na din ang mga marka ko sa mga pagsusulit. Siguro sa kadahilanang palaging may laging taga alala na mag aral ako at may kasama na ko para gawin iyon.

Nakapagtapos na din ako sa paaralang iyon pero patuloy ko paring ginagawa ang bagay na yun ang pagbibigay ng papel sa kanya.

Nang magtatapos na sya, inimbitahan niya akong pumunta sa kanilang gradution day. Pumunta ako at natuwa ako sa aking narinig sapagkat kasama ako sa mga taong pinasalamatan niya. Sinabi niya na kung hindi sa tulong q baka kinapos na siya sa pera para ipagpatuloy ang kanyang pag aaral.

Nang araw na iyon dun ko lamang napagtanto na kaya nating makatulong sa ating kapwa kahit sa maliliit na paraan lamang.


Abangan ang mga susunod na mga stories

~~~~~~~~~~~~~

vote and comment lang po :-)

My Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon