Dear best friend,
Matagal na kong may gusto sayo kaso sobra mong manhid kaya wala kang nakikita kundi ibang babae sa paligid mo. Panay ang hanap mo ng tao na hindi ka sasaktan pero ako hindi mo manlang nakikita. Masaya ako pag masaya ka pero best naman masakit din sakin kapag iba ang dahilan ng iyong pagtawa. Kapag kailangan mo ng kausap, katulong, karamay o kahit anu pa nandyan ako parati sa tabi mo. Kapag may importanteng okasyon kayo ng gf mo ako ang todo todo ang effort para maging matagumpay lang ang plano mo. Ang hindi mo alam habang nakatingin ako sa inyo ay sinasabi ko na sana sakin mo nalang ginawa yun. Palagi nyo kong kasama pag nagdadate kayo dahil photographer ang papel ko lagi sa date nyo. Pinipilit ko lang laging ngumiti pero kapag naiiwan nyo akong mag isa ay hindi ko na maipinta ang mukha ko. Kapag nakipaghiwalay sayo ang gf mo parati ka saking pumupunta at nilalabas mo lahat ng sama ng loob mo. Kapag ganito na ang nangyayari sayo alam mo bang masaya ako. Alam mo ba kung bakit. Kasi sa ganitong panahon nakikita mo ang halaga ko. Palaging tayo lang ang magkasama,palaging nasa akin ang atensyon mo at inaalagaan mo ko. Pero bakit ngayon simula nung makilala mo siya binabaliwala mo na ako. Wala ka ng pakialam kahit masaktan mo ko at kahit hindi mo matupad ang mga pangako mo. Mabait ka lang kapag may kailangan ka sakin pero kapag nakuha mo na ay who you na ulit ako sayo. Nagmumukha na nga akong t*nga kakahabol sayo pero hindi ko yun pinansin kasi umasa parin akong darating yung panahon na makikita mo yung halaga ko. Pero nagkamali ako mahal mo nga talaga ang gf mo kasi inaaway mo na ako ng dahil sa kanya kahit hindi naman ako ang may kasalanan at siya. Best nagtiis ako kaso hindi ko na kaya alam kong nangako ako na hindi kita iiwan at pababayaan pero may hangganan din ako. Sana maging masaya ka sakanya at sanay mahigitan niya ang pagmamahal na ibinigay ko sayo. Sorry best napagod na ko ng sobra. Paalam.
--------
lahat po ng isusulat ko dito ay mga literature ko po. sory po kung ganun kaganda. compilation po ba kung baga. sana po magustuhan nyo
BINABASA MO ANG
My Random Stories
RandomIto po ay iba't ibang maiikling story at may poem din po na naiisip ko lang. i hope na magustuhan nyo po.