Nagbigay Pag asa

11 1 0
                                    


Lipad. Lipad. Lipad. Anu bang saranggola to hindi manlang lumipad ng mataas, palagi nalang napakababa, napakalakas naman ng hangin. Natatawa akong pinapanood ang batang iyon. Hay naku nagpapakahirap lang siyang paliparin ang saranggolang iyon.

Narito ako ngayon sa parke minamasdan ang bawat taong lumalagpas sa aking harapan, nagpapalipas ng oras at nag iisip isip ng mga bagay bagay. Napansin ko lang ang batang iyon. At aking napagtanto na kaparehas ako ng saranggola na kanyang pinapalipad. Marami mang opportunidad ang dumating sa akin ito parin ako nasa baba at walang napapatunayan.

Siguro karma na din ito sa akin dahil sa mga bagay na aking ginawa sa aking mga magulang. Nang makatikim ako ng kaunting ginhawa ay nakalimutan ko na sila at hindi ko na sila inintindi kahit kailanman.

Sabi nila talentadong tao daw ako ngunit hindi lang daw ako ganun kagaling magpasya sa bawat desisyon na aking ginagawa kaya ang nagiging resulta ay puro palpak. Napapagod na ko sa buhay kong ito. Buti na nga lang ang batang iyon hindi napapagod magpalipad ng saranggola kahit hindi niya nakikitang tumaas ito.

Dahil sa aking pagmumuni muni hindi ko napansin ang paglapit ng bata sa akin. Bigla niya akong kinulbit at nabigla ako sa kanyang ginawa. Tinanung ko siya kung bakit niya ito ginawa at ang sagot niya ay "kanina pa po kasi kayong nakatingin sakin tapos na katulala pa po kayo kaya ginawa ko po yun. Bakit nyo po ba ako tinitingnan?" Sinagot ko ang bata at sinabing "Bakit ka ba nagtyatyagang paliparin ang saranggola iyan eh hindi naman yan lumilipad ng mataas." Gumiti siya sabay sabing "Hindi naman po lahat ng bagay ay kailangan mong sukuan agad, malay nyo po hindi pa yun yung tamang panahon para sa inyo. Baka po pag nagtyaga kayo at naghintay, biglang dumating yung tamang panahon para sa inyo."

Naliwanagan ako sa kanyang sinabi at parang sya pa ang nagbigay linaw sa aking magulong isipan. Natuwa ako sa kanyang nagawa sapagkat sa wakas napalipad nya ng mataas ang saranggol.

Dahil sa nagawa niyang iyon nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumubok uling maghanap ng trabaho at huwag sumuko sa lahat ng problema at balakid na dumaan sa aking buhay.

Abangan ang iba pang mga stories


~~~~~~~~

vote and comment po :-)


My Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon