Chapter 11 Part 1: Not her boyfriend.

11K 304 24
                                    

Iba-iba yung nararamdaman ko ngayon. May halong inis at galit, pero andun din yung pagtataka. Hindi ko na alam kung anong meron, siguro mabagal lang talagang mag-process yung utak ko. Heh, wait lang nagha-hang!

Hindi pa rin binibitawan ni Ice yung lalaki. Aba't hindi ata ako narinig. -_-

Tumayo ako saka ko pinampag yung suot ko. Nung tinignan ko sila, ayun, hindi pa rin binibitawan ni yelo. Isang masamang tingin yung natanggap ko mula sa kanya, pero saktong paglingon niya sa akin, sinuntok siya ni kuya na hindi ko kilala. Pfft! Ahaha!

Di ko napigilan yung sarili ko, natawa ako ng sobrang lakas. Humaygash, define epic? "Ahaha! Go kuya!" Chineer ko na si kuya kasi kanina pa siya nasusuntok, ang unfair di ba?

But I ended up getting a death glare from Ice.

I gave him a 'what-did-I-do-this-time' look. Eep! Nakakatakot naman kasi yung tingin niya, parang may ginawa akong masama.

"Tch" Tumayo siya saka pinunasan niya yung dugo sa gilid ng labi niya. Aww, masakit yun panigurado.

Pero mas malala naman kay kuya,  

may pasa na siya tapos mga sugat pa.

Lumapit sakin si kuya, medyo iika-ika pa siyang maglakad.

"Are you okay?"

Danger is our Last NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon