Chapter 15: Ice + Iona = ?

10.9K 303 46
                                    

Iona's POV

[7:00 AM]

Weird. This is WEIRD. -__-

Pagkagising ko, isang di kapani-paniwalang pangyayari ang nakita ko.

Paki-explain nga kung bakit nakayakap sa akin si ICE?!

Si Ice ba talaga ito, o nanaginip lang este nagkaka-nightmare lang ako? Parang totoo eh. Just to make sure, I poked his cheeks.

"Hmm" Mabilis akong umayos ng higa nung gumalaw siya ng konti. Anak ka ng yelo, is this for real?!

Naramadaman kong lumapit siya sa akin, habang umusod naman ako palayo. My God! Sisipain ko talaga si Ice pagkagising niya! Naku! Ang kapal ng fes like the dictionary na magsabing 'wag mo kong gawan ng masama', eh siya nga tong abuso. Mukha ba akong unan o teddy bear?!

"Patay ka sa akin mamaya Ice" Giit ko habang sinusubukan kong alisin yung braso niya na nakayakap sa akin. Pero kalahating iron man ata to. Ni hindi man lang gumalaw.

Ready na sana akong sipain siya, pero napatigil ako nung lalo pa siyang lumapit at lalo pa niyang hinigpitan yung yakap niya.

-__- zZZ <--Ice  OoO <-- Ako

"Aish" Halos pigil na yung paghinga ko sa sobrang lapit niya sa akin. Hindi, mali. Nakadikit na talaga si yelo sa akin! Utang na loob pati intestines, pag ako namatay dahil sa kaniya talagang mumultuhin ko siya habang buhay. Hinding-hindi ko siya papatahimikin, itaga natin sa puwet ng kaldero. -__-

Pero yung sanhi ata ng pagkamatay ko eh dahil sa nerbiyos. Di ko maintindihan pero kanina pa ako kinakabahan. Yung parang hindi ka komportable? Tapos bigla na lang akong naging conscious sa sarili ko. Kung mabaho ba ako o ewan. -__-

At yung puso ko. Sobrang nakakabingi. Sa sobrang bilis nung tibok ng puso ko, halos di na ako makahinga. "God, ano bang nangyayari sa akin?" Tinignan ko si Ice na tulog pa rin. Agad ko namang iniwas yung tingin ko, nakakaduling kasi kung gaano siya kalapit.

Gustong-gusto ko na talagang umalis, pero paano?! Parang symptoms na ata yun ng malalang sakit, grabe mamamatay na ba ako?! Aish, nababaliw na ako! -__-

~~

"Ice, parang awa mo na gumising ka na..." Muntanga kong sabi habang nakatingin sa kisame. For 10 minutes, yan lang ang sinasabi ko habang sarap na sarap pa rin siyang natutulog at nakayakap sa akin.

At dahil sa nagugutom na ako, at gusto ko ng maglakwatsa hinablot ko yung unan sa tabi ko at yun yung pinangpalo ko sa mukha ni Ice.

Pero di man lang gumalaw ang mokong na to. -__-

Pag di pa to gumising, kakagatin ko na ilong niya!!!

Wait. Not a bad idea. ^__^

Humarap ako sa kaniya saka ko nilapit pa lalo yung mukha ko at dahan-dahan kong tinapat yung bibig ko sa ilong niya. Muwahaha!

^o^ Nakabuka na yung bibig ko nung nakita kong gumalaw siya ng konti. Isasara ko na sana yung bibig ko nung bigla siyang nagsalita. Ohmaygash. O_O

"Why? Aren't you going to kiss me?"

At parang slow motion na nag-open yung mata niya.

[7:26 AM]

"Nakakahiya ka Iona. NA.KA.KA.HI.YA! WAAAAHHHH!!!" Sinubsob ko yung mukha ko sa unan na nasa harap ko. Ito ako, nakaupo sa kama habang nakabalot sa kumot at nagwawala. Idagdag niyo na yung buhok ko na parang kakatapos lang masabunutan ng sampung bakla. Imagine niyo na lang kung gaano kamuntanga yung itsura ko ngayon. T__T

Danger is our Last NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon