Chapter 10

11K 279 28
                                    

3RD POV

"Ang tanga talaga. Tch." Sabi niya sa sarili pagkatapos niyang ibaba ang cellphone na hawak niya.

Tumayo na si Ice mula sa pagkakaupo at sumandal sa mesa. Bumukas ang pinto at pumasok ang di lalagpas sa tatlumpong lalaki.

They all bowed at Ice, a sign of respect.

Nakapamulsang naglakad si Ice papunta sa harap, walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha nito.

Napakalamig ng kaniyang mga tingin, na para bang ayaw mo siyang galitin. No one dares to have an eye contact with him, and his mere presence shouts authority and power.

"Speak"

Isang lalaki ang pumaharap.

" Naghahamon ng gang war yung grupo nila, Ice "

Nabalot ng tensyon ang buong silid. Ang iba ay sang-ayon, ang iba ay hindi. Lahat sila may sariling opinyon, ngunit nanatiling tahimik si Ice.

Danger is our Last NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon