Part 2

9 0 0
                                    



"Wedding in Santorini Greece, we want it to be next week Dad and mom, that's what we want. Right Iris Selene?"

Kausap namin ngayon ang parents nya, pinaguusapan namin ang tungkol sa kasal namin. Wala akong nagawa kundi sumangayon sa gusto ni Zed.

"Okay, You're wedding we'll be held in Santorini Greece as soon as possible."

Pangarap kong doon Ikasal sa Santorini Greece kasama ng taong mahal ko, dapat masaya ako ngayon dahil matutupad na ang pangarap ko pero kabaligtaran nito ang nararamdaman ko, natatakot ako at nalulungkot ako sa mangyayari, hindi ko alam kung tama pa ba ang mga ginagawa ko.

"I want it to be private pa"
He wants it to be private dahil ayaw nya na may makaalam para pag naghiwalay kami hindi magiging malaking issue. Sangayon na rin ako doon, ayoko rin namang maging usap usapan at maging mukang kawawa sa panahon na maghiwalay kami ni Zed.

Zed is very private person, ayaw niyang maraming nakakakilala sa kanya, he refused every magazine company that asked him to be their cover, kaparehas sya ni kuya Zach ayaw nilang may makaalam ng buhay nila, Zion and Zeus loves modeling, ilang magazine na ang nakikita ko na sila lagi ang cover.

"Can I talk to Selene privately? Umalis muna kayong mga feeling gwapo dyan"

Hindi ko napigilang hindi mapangiti sa inaasta ni ma'am Cristina, she's so cute

"Opo, mahal na reyna"
Sir rodolfo said, and kissed ma'am Cristina's forehead, "I'll mss you" pahabol pa nito.

Tinitigan naman ako ni Zed hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating kaya umiwas na lang ako ng tingin. Sumunod naman agad sya kay sir Rodolfo, siguro ay maguusap rin sila

"I'm so happy na ikaw ang pinili ng anak kong maging asawa, sabi na nga ba't in love sayo si mac-mac simula pa nung bata kayo"

Siguro ay kung totoo lamang ang sinasabi ni ma'am Cristina ay ang gugulong na ako sa kilig. Pero alam ko ang totoo.

"Masaya rin po ako na akong ang napili ni Zed, I'm inlove with him ever since, parang destiny lang po talaga na In love rin sya sa akin dati pa"

Zed and I agreed that we will act in front of his parents pero lahat ng sinabi ko katotohanan maliban lang sa parteng in love sakin si Zed ever since

"Zed is a very fragile, akala mo lang ay matapang sya, pero napaka duwag ng batang iyon"
Natatawa pa si Ms. Cristina habang kinekwento nya si Zed. Ako naman ay nakikinig sa kanya

"Once nag-alaga sya ng aso, he loves Dog, he ask us na kung pwede ay aso na lang ang iregalo namin sa 4th birthday nya, ang we granted his wish, alagang alaga nya iyong aso nya na si Mimi, he's the one who named it,  akala ko nga ay bakla ang anak ko kasi pang pusa iyong ibinigay niyang pangalan para doon sa aso." sabay tawa ni Mrs. Cristina, napatawa na rin ako kasi nakakadala ang tawa nya

"Mimi stayed beside him until he was 8 but sadly Mimi died because Mimi saved him in a car accident" medyo lumungkot ang muka ni Mrs. Cristina,

"Mimi died dahil iniharang nya ang sarili nya, but it didnt work, maybe it worked a bit pero malubha pa rin si Zed, he was in the ICU for a month at comatose sya. We're so happy na nagising sya, pero nung iminulat nya iyong mata nya si Mimi agad ang hinanap nya, when he found out na patay na si Mimi, he cried, hindi niya iyong ipinakita sa amin pero alam ko, ina nya ako, that is the first time I saw him broken, I talked to him noong nakalabas na kami ng Hospital"

"Mac-mac are you okay? Is there something wrong?" I asked my son, he's in his veranda in his room. Nag aalala na ako sa kanya, hindi sya nagsasalita simula nang lumabas sya sa hospital

"Honestly mom, I'm not okay, I'ts my fault, It's all my fault kung bakit nawala si Mimi" kahit gaano kalungkot si mac mac hindi pa rin sya umiiyak

"No son, it's not your fault, it's no one's fault, walang may kasalanan"

"Seeing my son, sa batng niyang iyon ay sinisisi nya na ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay ng iba really breaks my heart, I comforted him but it's no work, gabi gabi pa rin siyang umiiyak, I can hear his sobs, kaya naghinala talaga ako na bakla ang anak ko," even though nalulungkot ako sa kwento ni Mrs.Cristina ay natawa pa rin ako

"But he's not, alam ko iyon ramdam ng puso ko, sa nangyaring iyon doon ko nalaman na napakahina niya, he's weak"

Mrs. Cristina held my hand
"Take care of my Mac-mac, love him with all of your heart, have patience with him, wag kang magsasawang mahalin sya, huwag na huwag mo siyang sasaktan, I don't want to see him devastated like the time when Mimi left him." Napakahigpit ng hawak sakin ni Mrs. Cristina na parang pinauubaya niya sa akin si Zed

"Don't worry ma'am I will love him forever, I will never leave his side not until he's the one who will send me away." kahit hindi sabihin ni Mrs. Cristina ay mamahalin ko talaga si Zed ng buong puso. I will never leave him, not until he wish me to be gone,

"He will never aks you to leave him, he's inlove with you head over heels, trust me" at niyakap nya ako ng napakahigpit

"By the way, Call me mommy, and call your tito Rodolfo daddy, okay?"

"Okay mommy"

"Your daddy will be happy kapag nalan niyang daddy ang tawag mo sa kanya, me and your daddy wanted to have a daughter pero puro lalaki ang ibinigay sa amin, kaya kung nagkatotoo ang hinala ko na bakla si Zed we will accept him whole heartedly, pero buti na lang at hindi, kasi kung bakla siya hindi kita makikilala, anak"

It melts my heart, hearing the words Anak, and after those years na wala si nanay ay naramdaman ko  na ulit magka nanay, at may instant daddy pa ako, sa wakas i have my whole family right now, pero Hindi ko sasanayin ang sarili ko, kasi baka mamaya kapag hiniwalayan ako ni Zed hanap hanapin ko ang nakasanayan ko, ayokong mangyari iyon, lalo lang akong malulungkot.

Why me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon